Regrets

12 0 0
                                    

Narito ako sa isang dalampasigan nakatanaw sa malayo. Ito ang ating ika-5 anibersaryo. Nang maalala ko ang iyong mga katagang sinabi mo sa akin noong tayo'y mag-kasama pa.

Flashback

"Love, pagkinasal na tayo, ilan anak ang gusto mo ?" Nabigla ako dahil out of now where mo akong tinanong.

"Isa o dalawa siguro, love. Why?"

"Wala nman, ikaw na kasi yung gusto kong makasama habang buhay at maging ina ng magiging anak ko" sambit niya. Ako ay nagalak kasi ngayon niya lang kasi sinabi sakin ung mga gantong bagay.

Di na ako sumagot at lalo ko pang dinama ang hangin sabay yakap ng mahigpit at nag dasal na sanay di ka mawala sa akin.

End FB

Hindi ata ako narinig ng panginoon dahil sa isang iglap bigla ko na lamang akong iniwan na parang isang tuta niligaw kung saan at di na binalikan pang muli.

Bigla na lamang may pumatak na luha.. ang patak ay naging tila naging gripo dahil ang luha ay umagos na ng tuluyan.. Masakit alalahanin ang mga bagay na di na kailan man maibabalik pa dahil nasa piling ka na ng iba.

Ang unfair lang kasi ikaw ung gumambala sa tahimik kong mundo, at nilagyan ng kulay ang madilim kong mundo. tapos bigla mo na lamang itong pinunit na tila ba isa lamang akong maling sining at napag isipan mo na lang umulit at kumuha ng bagong papel.

Sana noon palang nang may balak mo kong iwan sana di mo na lang ako pinakialaman. Sana hindi mo ako pinangakuan at sana di mo na lamang pinaramdaman na ako'y mahalaga kung gagawin mo lang din pala akong basura.

Gusto ko man kalimutan ang lahat ng alaala natin di ko magawa dahil hanggang ngayon masasabi kong mahal pa rin kita.

RegretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon