"Oh, di ka pa din tapos?" Tanong ni Jaz paglabas niya ng kwarto niya. Tila nagulat siya nang makita niya akong gumuguhit pa sa drafting table ko. Mukhang nagising dahil na c-cr siguro. Well, it's way past midnight.
"Hindi pa eh. I need to finish all these plates." My back hurts kaya nag-inat muna ako. Walang katapusang mga plates!
Malapit na ulit ang finals kaya napakaraming dapat gawin! Pwede ko namang gawin to bukas dahil weekend but tomorrow's a very special day kaya tatapusin ko na ngayon tong mga to. I can do this!
"Jen..Jen..." Umungol lang ako sa tawag ni Jaz dahil halos di ko maimulat ang nga mata ko. Umaga na ako halos nakatulog kaya antok na antok pa din ako.
"Hmmm?" Tanong ko sa kanya nang nakapikit.
"Jen, ano eh... Dito kasi kami gagawa ng case study namin ngayon. Okay lang ba?" Alanganin niya pang tanong. Bakit naman hindi magiging okay sa akin?
"Oo naman." Maikling sabi ko dahil inaantok pa ako.
"Papunta na kasi sila dito."
"Sige lang, Jaz." Ungol ko.
Maya-maya ay may kumakatok sa pintuan at maingay sila. Ughh! Bat ang ingay? Tinakpan ko na lang ang tenga ko ng unan.
"Come in! Pero wag kayong maingay ha?" Narinig kong sabi ni Jaz. Nagkakagulo kasi sila.
"Uy si Jen! Shhh natutulog pala." Si Dexter! Oh my gosh! Paanong?
Pagmulat ko ay nakatunghay sila sa akin lahat. My eyes widened and I quickly got up from the sofa and ran fast to my room. Oh my gosh! Sa sala pala ako nakatulog! Kaya pala alanganin magsabi si Jaz kanina. Agad naman akong nagsalamin dahil nakakahiya naman at baka may natuyo pa akong laway! Ugh! I sighed in relief. Buti na lang wala naman.
Pabagsak akong humiga sa kama. What time is it now? Great! Naiwan ko sa sala ang cellphone ko. Kaya muli akong tumayo at tinignan ang oras sa wrist watch ko. It's 10 in the morning.
Muli akong lumabas at dumiretso sa bathroom para mag hilamos at toothbrush. Nagpainit na din ako na paligo ko.
Sumilip naman ako sa kanila sa sala dahil kukunin ko din ang cellphone ko. Pito silang lahat. Kakilala ko ang iba at isa na doon si Dexter.
"Hi Jen! Good morning!" Bati ni Dex at ang iba pa nilang mga ka group.
"Uy hello! Buti pa kayo graduating na ah." Ganting bati ko sa kanila. Isang sem na lang ga graduate na sila.
"Oo nga eh kaya sobrang toxic na din." Sagot naman nila. Madalas sila mag duty sa iba-ibang hospital ngayon at may mga thesis pa sila kaya busyng busy nga si Jaz at Max. Teka, ka group nila ngayon si Jeff ah.
"Si Jeff pala?" Tanong ko sa kanila. Dumiretso na din ako sa may drafting table ko at ni roll ang mga plates ko at nilagay sa canister. Thank God, natapos ko lahat! Kaya inumaga na ako natulog.
"Susunod na daw. Mahirap ba ang engineering? Curious na tanong ni Dexter.
"Mahirap ba ang nursing?" Balik tanong ko sa kanya. Nagulat naman siya sa tanong ko kaya natawa na lang ako.
"Mahirap pero kinakaya naman. Tulad niyo din. Mahirap pero tignan niyo kinaya niyo at hayan nga at ga graduate na kayo next sem." Sagot ko kay Dexter. Napatango naman ito.
"Sabagay. Selfie tayo, Jen!" Aya pa niya sa akin.
"Hmm? Di pa ako naka ayos oh." Wala pa akong ligo, selfie agad?
BINABASA MO ANG
Destined To Love You (Girlfriend Series #2)COMPLETED
RomanceThey were a match made in heaven. They clicked instantly since day one. But as they mature and being pressured by the hustle and bustle of life, they started to grow apart. Will destiny bring them back together? xoxo Taglish