"Sanay di magmaliw ang pagtingin.."
Hindi ko sinasadyang mabuksan ang lumang videos ni Daniel habang tumitingin ng mga kuha kong litrato kaninang umaga sa tabi ng dagat.
Kumakanta sya habang hawak ang gitarang niregalo ko pa sa unang pasko naming dalawa.
Seryoso sya sa pagkanta na parang kinakausap ako at sinasabing hindi ito matatapos, na hindi kami titigil.. na hindi kami mapapagod.
Naririnig ko ang sarili kong tawa sa video. Naririnig ko kung gaano kami kasaya dati.
Dati. Noong hindi pa natapos, hindi pa tumigil.. hindi pa napagod.
"Buhay koy may kahulugan tuwing akoy iyong hagkan..
Umabot man sating huling hantungan,
Kapit puso kitang hahayaan.."
"Ngayon at kailanman.. Ikaw at.." Tumingin sya sa akin na parang inaasar ako at sinasadyang patawanin. "Si Solom--" Bigla ko siyang hinampas ng mahina sa balikat. "Joke! Tayo, love. Tayong dalawa lang."
Noong bago pa lang kasi kami, inaasar niya ako sa kaklase ko nung high school na si Solomon. Nakwento kong pinagtripan kami ng mga barkada nya sa marriage booth sa intramurals week at tila naiirita siya dahil di ko daw pinigilan. Eh hindi pa naman kami nun. Ang kulit talaga ni Daniel noong medyo mga bata pa kami.
Pinaulit-ulit ko iyon hanggang sa napadpad ako sa isa pang video.
"Say hi to Pumpkin Spice!" Tuwang tuwa na sabi ko sa video. Sobrang proud ko siguro sa pangalang naisip ko. Ito yung nag-aayos kami ng stage sa aming restobar at nilagay nya ang microphone at microphone stand sa gitna. Ito daw kasi ang magiging main attraction kasi kahit sino pwedeng umakyat at magperform doon.
"Bakit Pumpkin Spice, love?"Tanong niya. Yun kasi ang ipinangalan ko sa microphone.
Kasi Pumpkin Spice Latté yung iniinom ko nung nag-uusap tayo sa balcony sa bahay at biglang na-conceptualize natin itong bar.
Napatawa siya. "Then let Pumpkin Spice be the reminder of our love. Ito daw yung magpapaalala sa amin ng journey namin together.' Our dreams, our hardwork, our story.
Hindi ko mapigilang mapangiti. Sobrang corny naming dalawa pero ang sarap pa lang balikan.
Lumabas na lamang ako para magpahangin at biglang nandun sila nina Trina.
"Uy, sakto, Kath. Pupuntahan ka pa dapat namin eh. Nagyaya kasi si Pat dun sa nadiscover niyang café. Sabi ni Trina. Kaso kasama siya.. baka lang ayaw m--" Dagdag niya na pabulong.
Nakaramdam ako ng hiya sa mga kaibigan ko. Para kasing lagi na lang silang nag-aadjust sa amin ni Daniel. Baka naman pwedeng pagbigyan ko na sila ngayon.
"Sige."
Dumating kami sa Sol Café nang magkakasama maliban na lang sa ikakasal.
"Mine, hmm.. I wanna try this Mocha Cookie Crumble na lang. How about you guys? Tanong ni Arisse nung kumukuha na sila ng orders.''
''Do you have Pumpkin Spice Latté?'' Nagulat ako sa tanong ni Daniel.
''Yes, Sir. What size po?''
''Medium.''
Hindi ko alam kung saan ako nagulat. Dahil ba sa kakapanood ko lang ng old videos namin or because I was about to order the same drink.
''di ba sobrang sweet yun?'' Tanong ni Trina.
''Oo, sobrang sweet nga nun.'' Sagot naman ni Daniel.
BINABASA MO ANG
Life After You
RomanceAfter ten years of being together, what would life be without you? A KathNiel story 101617