21

21.4K 643 83
                                    

Malakas pa rin ang tibok ng puso ko ng makarating ako sa bahay pagkatapos ay derideritso lang ako sa pag akyat papunta sa kuwarto ng hindi pinapansin sila ate.


"aaarrrrggghhh!!!!!" tinapon ko ang hawak kong bag sa kama dahil sa sobrang inis ko sa sarili. Bakit kasi hindi ako nag iingat?!

Maya't maya ay malalakas na katok ang naririnig ko sa pintuan at pilit nilang pinapabukas saakin ang pinto pero hindi ko sila pinagbuksan

"levi! isa!"

"buksan mo 'to, pag ako nainis sayo makakatikim ka talaga!" sigaw ni ate cass sa labas

"please h-hayaan niyo muna ako" garalgal kong sagot

"bestie buksan mo na"

Naupo ako sa sahig hanggang sa nanlabo na ang mga mata ko at tuluyan ng nagsibagsakan ang masaganang luha dito.. Napatingin ako sa lower part ko at nakita kong bumabakat na siya sa suot kong pantalon

"oh God bakit kasi may ganito ako?! hindi ko naman ito ginusto" umiiyak kong sambit

ito na ang kinatatakutan ko ang may makaalam na ibang tao. Parang sirang plaka na paulit-ulit na bumabalik sa isipan ko ang mukha niya na puno ng pandidiri pero bakit si Catalina ng malaman niyang intersex ako ay hindi niya ako pinandirihan?

Kalansing ng mga susi ang narinig ko sa labas hanggang sa tuluyan ng nabuksan ang pintuan, nag aalalang mukha ng kapatid ko at ng kaibigan ko ng makita nila ang itsura.

"shhh nandito na si ate" pag aalo ni ate cass pagkatapos niya akong yakapin ng mahigpit telling me everythings gonna be fine kaya lalo pa akong naiyak sa bisig niya


"a-ate"


"pwede bang iwan mo muna kami nicole?" wala akong narinig na tugon sa kaibigan ko pero mahihinang yapak ng paang paalis hanggang sa narinig ko nalang ang pag sara ng pintuan ng kwarto

"anong nangyari?" panimula ni ate at pinaharap niya ako pero hindi ko magawang salubongin ang mga mata niya

para bang bigla akong nahiya ng walang dahilan

"baby look at me" umiling ako sakanya, bumuntong hininga ito pagkatapos ay pinatayo niya ako na sinunod ko naman. Nauna siyang humiga pagkatapos ay tinapik niya yung katabing espasyo sinasabing mahiga ako sa tabi niya.

Natawa na lang ako ng mahina habang umiiyak dahil para siyang si mama, ginagawa kasi ito saamin ni mama pag umiiyak kami noong mga bata pa kami at para aluhin kami... lalo na ako dahil napaka iyakin ko. Sinamaan niya ako ng tingin kaya wala akong nagawa kundi ang sumampa sa ibabaw ng kama at tumabi sakanya

niyakap ko siya ng mahigpit habang hinahaplos niya ang buhok ko.. ito ang gustong gusto ko sa ugali ni ate cass, she really knows how to make me feel safe. Walang nagsasalita saamin and actually gumaan ang pakiramdam ko

"okay kana?" basag nito na tinangohan ko

"pwede mo na bang sabihin kung ano ang nangyari?" nagdadalawang isip ako kung sasabihin ko ba, overprotective kasi si ate cass pagdating saakin lalo na kung tungkol na sa pagiging intersex ko


"wala po ate may mali kasi akong ginawa at maliit lang na bagay yun" pagsisinungaling ko, piningot ako nito sa tenga na ikinadaing ko sa sakit

sabi ko nga hindi ito maniniwala

"plss be honest to me levi" napabuntong hininga ako pagkatapos ay kumalas ako sa pagkakayakap at naupo

"may nakakaalam na ng sikreto ko ate"

𝐓𝐡𝐞 𝐏𝐡𝐨𝐭𝐨𝐠𝐫𝐚𝐩𝐡𝐞𝐫 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon