Chapter 1

308 3 0
                                    

NP: Tayong dalawa by River maya

 

“Para mo muna sa tabe, pwede bang magusap muna tayo?”

“Galit ka yata sa mundo kase wala naman talagang problema, baka iniiwasan mo lang ako.”

 

Nakatingin ako sa bintana ng bus habang inaantay ang pag alis nito. Dinig ko pa din ang sigaw ng konduktor kahit naka earphone na ko.

“Sayang ang panahon, kailangan mong huminahon.”

“Halika, hawakan mo aking kamay, magpatangay sa ihip ng hangin”

“Lumayo muna sa ikot ng mundo tayo lang dalawa.”

 

Ilang saglit lang, napuno na ng pasehero ang bus. Umandar na ‘to. Nakasilip pa din ako sa bintana. Iniisip ko kung anong mangyayari sa lakad ko.

Chapter 1:

“Oh isda. . isda.  Suki oh, sariwang sariwa.”

“Magkano ho dito?”

“Nubenta’y singko mare.” Agad kinilo ni aling biring ang bangus at isinilid sa plastik.

“Eh kung di ka kaya humingi ng tulong sa itay mo?” Sabay kuha ng sandaang piso at saka sinuklian.

“Nay eh alam niyo namang pinabayaan na niya kami ni Inay. Buhat ng inilabas ako.” Sagot ni John.

Si aling biring ay ang lola ni John. Tumutulong muna siya sa palengke pagbenta ng isda at gulay habang wala pa siyang pasok.

“Hay nako John, hindi ka pagaaralin ng galit mo. Kung saakin ka hihingi ng pang matrikula mo, eh wala akong maibibigay.” Tumingin ito sa kanyang apo.

“Oh, baon mo.” Iniabot ni aling biring ang sandaang pisong baon ni John sa eskwela.

“Salamat po ‘la.” Ngumiti ito at naghanda na paalis.

“Hala sige. Pumasok ka na. Tandaan mo, hindi ka pagaaralin ng galet mo.” Pahabol pa ng matanda.

“Sige po.”

 originally published by xtorya. xtorya.word press.com

“Oh anak, kumain ka na ba?” – Si Marcy, ang ina niya.

“Hindi pa nga po. Ano bang meron?” sabay bungkal ng takip ng kaserola sa lamesa.

“Ayan, tocino. Paborito mo.”

“Hmmmmm.. . ahhh. Sarapp ma!” sabay kagat nito.

“Magayos ka na pag pasok mo, pag tapos mo diyan.”

“Sige ma. Ma? San punta mo?”

“Eto, maghahanap ng,” Tila alam na ni John kung anong ibig sabihin ng ina.

“Sige na. baka mahuli ka pa sa eskwela.”

Makalipas lang ang ilang minuto, tumayo na si John at pumasok sa kwarto. Kinuha ang tuwalya sa likod ng pinto at kumuha ng damit. Mag aayos sa pag pasok. Pumasok na siya sa CR sabay hinubad ang kanyang damit, ang short pati ang brief nito. Wala na siyang saplot. Unti-unti na siyang nag basa ng katawan. Marahan niya itong kinuskos ng kanyang katawan mula ulo, dibdib, pababa sa kanyang alaga na ngayon ay malambot pa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 25, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Geek No MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon