CHAPTER 8: At the Park

10 1 1
                                    

Natapos na kaming kumain pero hindi manlang ako kinikibo ni Miss Anne nginingitian nya lang ako. At alam kong disappointed sya kase mas inuna ko pa ang makipaglaro sa bata kesa lutasin ang mga problema.

Ang slow ko kasi!

"Hala ka sa tingin ko galit sayo si Mama!" Isa pa to. "Alam ko naman yun eh, saka hindi ko kelangan ng pang-aasar mo." Napatawa naman sya at napatingin samin lahat ng mga napapadaan. Yan nanaman ang witch laugh nya, luka-luka na talaga sya!

"Tumahimik ka nga tinitingnan ka ng mga tao!" Saway ko dito pero tumawa lang ito ng tumawa hanggang mawala yung tawa nya tapos iba na naman expression ng mukha nya.

Abnormal talaga e no?

"HAHA! Alam mo Christine nagagandahan lang yan sakin. Saka baka ngayon lang sila nakakita ng kagaya ko. Yaan mo na!" Hay abnormal talaga.

"Makaalis na nga dito madamay pa oo sayo."

"Hoy Nerdy intay!"

Hmp bahala sya sa buhay nya.

Kanina pa namin hinahanap yung lots ni Miss Anne dito sa parking lot. Iniwan na ba nya kami?
Ito namang kasama ko tuluyan na yang nasiraan ng bait!
Kanina pa sya tawa-tawa baka nga nagasgas na yung kotseng sinasandalan nya eh ang likot ba naman. Para syang bulate pag natawa naikot-ikot pa yung katawan nya!

Ang abnormal.

"Hindi ka ba napapagod kakatawa mo dyan, HA! Imbis na tumulong ka sakin  tawa ka pa ng tawa dyan!" Sigaw ko rito lumapit naman sya habang akala mo anong oras babagsak na yung katawan nya sa tawa eh!

Ganyan din sya pag nalasing pero mas malala naman sya pag-di lasing sa totoo lang.

"HAHA! Ano ba kasing- WHAHAHA! -Wait- WHAHAHA (tingin sakin) WHAHAHA! Ang panget mo! WHAHAHA! Ano- Ano- WHAHAHA"

Pwede bang sapakin ko na sya?
Now na?

"Aysusin mo nga!" Sigaw ko dito at hinila sya lahat pati ng tao sa parking lot natatawa samin yung iba naman kung ano-anong sinasabi. Ang epsi naman kasi nitong si Angel eh.

Angel ang pangalan nya, pero pang-demonyo ang tawa nya!

Ang lala din e.

"Ano ba hindi ka ba titigil kakatawa dyan! Isa!"

"DALAWA!"

"TATLO- WHAHAHA!"

Ahh ayaw mo talagang tumigil ha!

HEHE!

"Sino nga ba yun yung player sa compound namin? Ahhh.....? Tama si Samuel yung crush ni-" Bigla ko namang naramdaman yung kamay nya sa bibig ko. Sabi na nga yun lang mag-papatigil sa kanya eh. HAHA.

"Alisin mo nga yan nag-sasalita pa ko oh." Kita ko namang naiinis sya.

"Ano bang kelangan mo ha?!"

HAHA.

Takot din naman pala sya eh.

"Nasan na si Miss Anne?"

"Bobo kaba umalis na sya kanina pa!"

"Ha? Bat di mo manlang sinabi sakin alam mo bang para akong tangang paikot-ikot dito HA!"

"Yun na nga ang masaya eh mukha kang tanga! HAHA! Saka Alam mo mukha ka ring Unggoy na naghahanap ng saging WHAHAHA!"

Nakakatawa?

"Ahhh makaalis na nga rin dito!" Sigaw ko at naglakad palayo.

Ang abnormal nya talaga.

"HOY UNGGOY!"

The Only Nerd in SNI UniversityWhere stories live. Discover now