Tiaraffina

54 0 2
                                    

"Baka pagod ka na? Huwag mong madaliin kusang babalik ang alaala mo. At kapag naalala mo na kusang lalabas ang kapangyarihan mo." Sabi ni Duval.

"Kailangan ko ng magmamadali sa pag eensayo kung hindi maaubusan tayo ng oras."katwiran ni Avira.

Oo pagod na siya ngunit hindi dapat masayang ang panahon.

Mga tatlong oras bago ang pagsasanay.

Pumunta si Avira sa gubat at doon hinanap si Raaga. Umasa siyang doon makita ang binata ngunit bigo siya. At dahil hindi na alam ang gagawin ay nanghingi na siya ng tulong sa mga ito.

Buong malasakit naman siyang pinakinggan ng mga ito. At ng maunawaan ni Kamir Kikan ang lahat saka nito napagtantong si Raaga ay nakuha na muli ni Reyna Wocestire.

"Kung ang pagiging mahiwaga ng pagdating dito ni Raaga ay ang koneksyon at kapangyarihan mo. Nakakatiyak ako na nakagawa na ng paraan ang reyna upang ibalik si Raaga. Oo kami ang dinala mo dito at hindi kasama si Raaga natitiyak kong iyon lamang ang tanging paliwanag kung bakit isang bahagi lang ng kanyang pagkatao ang naksama natin dito." Mahabang paliwanag ng Kamir ng umagang yun.

"Paano ako makakabalik sa Eiolandia?" Tanong niya

"Kung nais mong bumalik kailangan mo munang magsanay upang kusang bumalik ang alaala mo." Wika ng kamir.

At ito nga siya tatlong oras ng pawisan ngunit ni hindi pa niya mapagalaw ang bato na iyon.

"Kumain at magpahinga ka muna." Sabi naman ni Kirrian na naawa na kay Avira.

"Mamaya oras na magawa ko ito ,kakain ako.!" Di sumusukong sabi ni Avira.

"Talaga bang desidido kang makabalik sa Eiolndia?" Tanong ng kamir na kanina pa nakatingin sa babae.

"Walang duda gusto kong bumalik at kung pwede sana ay ngayon din. "Halos naluluhang pahayag ni Avira. Hindi niya maintindihan sinasabi ng mga ito na makapangyarihan siya ngunit wala naman siyang nagagawa.

"May isa pang paraan upang mas mapadali ang lahat para sa iyo. Ngunit ito ay mapanganib. Buhay mo ang kapalit kapag hindi ka nagtagumpay."

"Gagawin ko!" Puno ng determinasyong wika ni Avira.

"Kung ganon halika ipapaalam ko sa iyo ang kabuuan ng isang matandang salamanka na ipinagbawal sa kaharian mga limangpung siglo na ang nakakaraan. Ngunit bago mo yun matutunan kailangan mo munang marinig ang isang kasaysayan ng Eiolandia."

"Halika dito at maupo gayun din kayo mga pangunahing mandirigma. Oras na upang malaman ninyo ang tunay na hiwaga ng Eiolandia." Tawag ng Kamir Kikan kay Kirrian, Duval, at Feyrron.

"Maupo ka Priennas dahil ang kasaysayang maririnig mo ang magbubukas sa tulog mong kapangyarihan."

Pagkaupo ng apat naghanda naman ng makakain ang mga katiwala.

"Makinig kayo ang ilalahad ko sa inyo ay ang kasaysayan ng isang kaharian na ang pangalan ay Tiaraffina."

"Tiaraffina?!!!" Tanong ng tatlong mandirigma.

"Tila ngayon ko lang narinig ang kaharian na yan." Wika ni Duval.

"Oo Duval sapagkat ang kahariang ito ay binura sa kasaysayan ng Eiolandia. At mamaya na kayo magtanong." Pigil nito.

Matagal muna nitong tinitigan ang lahat. Pinagmasdan ang bawat isa.Tila inihahanda kung talaga bang handa na ang lahat makinig. Ng makitang handa na ang lahat ay tumingin ito sa malayo. Tila nahulog sa malalim na pag-iisip. Nanaisin sanang tumayo ni Avira ngunit di na siya makatayo.

Mukhang binabalot na siya ng mahika. Unti unti napansin ng lahat ang pag ihip ng hangin at paggalaw ng mga sanga ng puno sa paligid. Maya maya pa ay napalibutan sila ng usok. Ng mawala ang usok nakita nila ang kanilang mga sarili na nakaupo pa rin ng paikot ngunit ngayon ay nasa burol na ng isang magandang kaharian.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 22, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang Babae sa salaminTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon