LIA POV.
nakatitig ako sa kaniya habang nilalantakan niya ang niluto ko.
Hindi pa rin ko makapaniwala na andito na siya sa harap ko.
Tinusok ko ang matangos niyang ilong upang masigurong hindi ito panaginip.
Ngumiti siya kahit na punong puno ng pagkain ang bunganga niya
"Ikaw talaga iyan?" Naninigurado kong tanong.
Sinubuan niya ako at napailing.
Hindi naman siya gutom na gutom kasi naubos lang naman niya ang niluto kong menudo."Pack your things, lilipat tayo. Dun tayo sa bahay ko tsaka baka alam na ni jester ang tinitirhan mo , mahirap na" seryoso niyang wika.
"Nag aalala ako " ani ko.
Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat at ngumiti."Pansamantala lang ito, okay?" Nakataas ang kilay na sabi niya at niyakap ako.
Nag impake na ako at inayos ang kwarto habang nasa labas si Jasper at naghihintay.
Kinuha niya yung maleta ko at ibang gamit at nagpatiuna.Napangiti ako. May pag gentleman din pala ito sa katawan.
Tahimik lang siyang nakamasid sa paligid na tila may pinatataguan, kaya kinuha ko yung cap sa bag ko at nagulat siya ng isinuot ko iyon sa ulo niya.Napangiti siya at hinapit ako sa beywang sabay smack sa lips ko.
Napaiwas ako ng tingin dahil pakiramdam ko namumula ang mukha ko.Binuksan niya yung pinto at giniyahan akong makapasok saka siya umikot at naupo sa driver seat at saka binuhay ang makina.
Ilang oras lamang ang lumipas at nakarating na kami sa bahay na sinasabi niya.
Dala dala niya pa rin ang gamit ko at tumungo na kami sa bahay na yun.
"Bahay mo ito?" Tanong ko.
"Yeah, dito ako nagtatago" anito at saka binuksan ang pinto.Napangiti ako dahil presentableng tao talaga si Jasper.
Kung karamihan sa mga lalaki at burara at kalat ang gamit, siya talagang maayos ang mga gamit niya."Gutom kana? Bilhan kita ng pagkain"tanong niya.
"Hmm sige" sagot ko.
"Dito ka lang" wika niya at saka sinara ang pinto.
Habang wala siya ay inaayos ko ang damit ko at ang ibang gamit niya.
Maya maya lang ay dumating na siya at nilapag sa mesa ang mga biniling pagkain.
Pagkatapos kumain ay agad na akong dumiretso sa kama para mahiga habang siya naman ay naliligo pa.
Hindi ko napansin na nakatulog na pala ako.********************
JASPER POV.
Napangiti ako ng makita ang mahimbing natutulog ang babaing ito.
Dati rati halos magpatayan kami tapos biglang ngayon hindi ko na kaya na hindi siya makita.
Pinindot ko ang malusog niyang mga pisngi at nilaro sa daliri ang mahahabang pilik mata.Siya lang ang tanging babaing nakapagbago sa akin ng ganito, binigyan niya ako ng lakas ng loob at siya lang ang tanging babaing hindi nawalan ng pag asa.
Wala akong pinagsisisihan sa napili kong desisyon."I love you" bulong ko sabay hawi ng ilang hibla ng buhok sa mukha niya at hinalikan siya sa noo.
"I love you too" nagulat ako ng sumagot siya.Pffft tulog pero sumasagot.
Ipinatong ko ang ulo niya sa braso ko at saka umidlip.Kinaumagahan ay hinatid ko na muna siya sa school niya at pinapunta sa bahay si Ace.
"Anong plano mo?" Tanong ni Ace.
Napaupo ako at nilapag ang kape niya sa mesa.
"Hindi ko alam." Wala sa sariling sagot ko."Magtatago ka nalang ba habangbuhay?" Tanong ni Ace.
"Kilala mo si Jester, madami siyang kayang gawin, kung ang pagtago lang ang tanging paraan para manatili sa tabi ko si Lia at maging ligtas siya, kahit pagiging Condrado , tatalikuran ko"
Napailing si Ace at nahilot ang ulo.
"Pinag isipan mo na ba itong mabuti? Hindi mo alam ang resulta ng mga desisyon mo—"
"I love her" nagkatinginan kami ni Ace.
"Then, I'll support the two of you. Alam mo naman na mahalaga rin sa akin si Lia kaya kung saan siya sasaya, dun na rin ako"
Matipid siyang ngumiti.
"Kaya kita pinapunta rito dahil gusto kong malaman kung may alam ka bang trabahong pwede kong pasukan" kunot noong tanong ko.
"Hayst, grabe talaga ang pag ibig, dati halos magpatayan kayo ngayon naman iniwan mo lahat ng meron ka para sa kaniya" naiiling na wika ni Ace.
"Susuportahan mo ako diba?." Matigas kong wika ko.
"Walang problema diyan. Malakas ka sa akin, tsaka para kay Lia, walang problema, may alam akong pwede mong pasukan pero mababang trabaho ito baka hindi mo kayanin." Wika ni Ace.
"Kahit ano. " sagot ko.
"Okay then, dadaanan ko nalang mamaya pag uwi ko tapos tawagan kita kung kailan ka pwedeng pumasok."tumayo na siya sabay tapik sa balikat ko.
"Salamat Ace" tumayo ako para ihatid siya sa pinto.
"Basta ingatan mo si Lia." Napatango ako at saka siya lumabas ng pinto at umalis.
BINABASA MO ANG
Mr. Sadist
RomanceJasper Condrado would do anything just to seek revenge on his cousin in the name of his twin, so he entered his cousin's family and there he met Lia Diaz. At first, he thought Lia Diaz wouldn't be a headache for him, but she endured various hardship...