LIA POV.
"Late na ako." Hawak hawak niya ang kamay ko sa labas ng gate ng paaralan.
"Ano naman, sasabihin ko kung bakit nalate ka." Pilyo siyang ngumiti at hindi nagpapatinag sa ginagawa kong pag paspas ng kamay niya upang bitawan iyon.
"Jasper—" pinandilatan ko siya ngunit hindi ko maipagkakaila ang kilig sa pagkatao ko.
Luminga-linga siya sa paligid.
"Sige na pumasok kana ro'n, mamaya may makakita pa sa atin" kukurutin ko sana siya sa tagiliran ng mahina niya akong hinalin.
"5 mins." Aniya sabay yakap sa akin.
"Magkikita pa tayo mamaya kasi susunduin mo ako."wika ko ngunit hindi siya sumagot at niyakap lang ako.
"Gonna miss you." Aniya sabay halik sa noo ko.
"Me too. Mag iingat ka pag uwi. " nakangiti kong wika.
Tumango siya at ngumiti.
Kumaway ako at hinintay ang pag alis ng kotse niya.Pagpasok ko ng gate , nagulat ako ng dumugin ako ng mga kaklase ko sa section namin at sa iilang mga sections.
"Oh my g! Totoo ba yung nakita namin? Hinatid ka ni Jasper Condrado?" Namimilog ang matang tanong ng mataba kong kaklase.
"Ang swerte mo naman! Dati halos magpalitan kayo ng matatalim na tingin , ngayon matatamis na salita na. " nakadaop pa ang palad na wika ng isa ko pang kaklase.
"Kaya pala hindi na siya pumapasok, don't tell me—oh my g!" Napahinto pa saglit ang oa kong kaklase at kinilatis ako.
"Don't tell me nagsasama na kayo sa iisang bahay!" Bulalas niya na nagpatigil sa paghinga ng lahat.
"Ha—ha?" Kunwari hindi ko alam ang sinasabi niya, mahirap na mas masusundan pa iyon ng sunud sunod na mga tanong.
"Tell me! Inagaw mo ang pinagpapantasyahan ko!" Naiiyak na wika ng isa ko pang kaklase.
Napailing ako at lumakad paalis sa kanila upang tumungo sa classroom namin.
Pag upo ko ay nagtipon tipon sila sa harap ko at tumingin sa akin.
"Ano! Aminin mo na Lia!" Usisa niya.
Napakamot ako sa batok at umiwas ng tingin.
"Ano nga!"
Buwist ang kulit.
"Oo—" bago pa man nakumpleto ang sagot ko ay nagsi tilian na sila.
Napairap ako sa kawalan.
"Nakakakilig!" Komento nila.
"Actually—" magpapasikat muna ako kasi gusto ko silang inggitin.
Ipinakita ko ang daliri na may singsing.
Tiningnan nila iyon ng maigi na tila ngayon lang nakakita ng singsing.
Ano pa nga ba?
"AHHHHHHH!" Mas lumakas ang tilian , sakto dumating na si sir.
"What is happening here!?" Sabay hampas ni Sir ng libro sa mesa niya.
Nagsibalikan na sila sa upuan nila at hindi pa rin maka move on sa kilig.
Napakagat labi ako kasi hanggang ngayon kinikilig pa rin ako sa nangyari kagabi.
Matalim na sinuyod ng tingin ni Sir ang buong klase at napatigil sa akin.
"Ms. Diaz." Napatayo ako.
"Sir." Sagot ko.
Ang tagal bago siya makasagot, pigil ang hininga ko pakiramdam ko pa naman may galit sa akin ang isang ito.
"Congratulations sa inyo ni Mr. Condrado." Napabuga ako ng hangin akala ko naman kung ano na.
"But, let me give you some advice. Pag isipan mong mabuti ang desisyon mo lalo na't ikaw ang pinakamatalino sa buong School."
Ohh may kasamang negative comments.
Napatango ako habang nakangiti.
"I will ,sir!" Sagot ko.Natapos na ang klase at magdadapit hapon. Hinintay kong sunduin ako ni Jasper, habang kausap ko ang iba kong kaklase.
Nang mapansin ko na nariyan na ang kotse niya inabangan ko na siya roon.
Ang mga usisero kong kaklase ay ano pa nga kundi nagkumpulan din.
Pagbaba niya ng kotse, sinalubong niya ako ng ngiti.
Kahit naka cap siya at medyo tago ang mukha ay lantad na lantad pa rin ang kagwapuhan niya.Narealize ko tuloy kung gaano ako kaswerte.
"Hi!" Sabay kaway niya sa akin.
Napangiti ako at sinalubong siya ng yakap
"Namiss kita." Usal ko.
Nagsimula na naman silang magbulungan.
"Anong nangyayari?" Kunot noo niyang tanong na ang tinutukoy ay ang mga nagkukumpulan kong kaklase.
"Wag mo silang pansinin." Ani ko.
Hinawakan niya ang kamay ko narinig ko na naman ang tilian nila sa likod namin.
"Ikaw na lia!" Sigaw ng isa kong kaklase.
Napatingin siya sa akin kaya napatingin din ako.
"Ano?" Nakalabi kong wika.
"Tara na nga. " sabi niya sabay ngiti.
BINABASA MO ANG
Mr. Sadist
RomanceJasper Condrado would do anything just to seek revenge on his cousin in the name of his twin, so he entered his cousin's family and there he met Lia Diaz. At first, he thought Lia Diaz wouldn't be a headache for him, but she endured various hardship...