LIA POV.
Iniisip ko pa rin kung bakit pagod na pagod siya kapag umuuwi pagkatapos niya akong sunduin.
Kahit nasa kalagitnaan ng klase ay hindi iyon maalis sa isip ko.Isa lang ang subject namin ngayon kaso dapit hapon pa ako masusundo ni Jasper kaya naisip kong sumama nalang muna sa kaklase ko na gumala.
Lulan kami ng kotse ng isa kong kaklase
"Siguradong masarap ang pagkain sa restaurant na pupuntahan natin kasi balita ko marami raw kumakain doon." Masayang wika ng kaklase ko.
Tahimik lang ako na nakikinig sa kanila at patingin tingin sa labas.
"Buti pa itong si Lia at may taga sundo na plus pag uwi niya pa may gwapo siyang kasamang matulog." Biro ng kaklase ko.
" oo nga! Sana all." Nakitawa nalang ako sa kanila upang mawala sa isip ko ang curiosity sa nangyayari kay Jasper.Dahil sa biruan namin, hindi namin napansin na nakarating na pala kami kaya agad na kaming pumasok.
"Good morning, ma'am." Ngumiti kami pabalik sa babaing bumati sa amin.
"Sosyal, may taga bati pa" bulong ng kasama ko.Nakatayo kami roon upang maghanap ng mauupuan nang may napansin akong isang lalaking nakatalikod na tila pamilyar sa akin ang hubog ng katawan at tayo.
Napakunot noo ako at inabangan ang pagharap niya. Kausap niya ang nasa table at tila kinukuha ang order nila.
"Hanapan ko lang ho kayo ng bakante, dito lang ho kayo." Wika ng lalaki sa amin.Nandun pa rin nakapokus ang tingin ko sa lalaking iyon na bahagyang nag side view.
Lumakas ang tibok ng puso ko.
Hindi maari ito.
Napahawak na ako sa skirt ko na nakakumong.
"Lia, tara na doon tayo." Hindi ako nakinig sa kanila at nakatitig lang sa lalaking nakalikod.Sa wakas at humarap na siya.
Saktong pagpihit niya ay nagtama ang mga mata namin.
"Hoy, sino bang... jasper?" Usal ng mga kasama ko.
Nanlalabo ang mata ko dahil sa luhang namuo.
Ilang minuto kaming nagkatitigan at kita ko kung gaano siya nagulat nang makita ako roon.Tuluyang nahulog ang luha mula sa aking mga mata at kusang humakbang paalis ang aking mga paa sa lugar na iyon.
"Lia , wait!" Tawag ng kaklase ko. Ngunit hindi ako nakinig.
Tumigil ako sa labas ng resto na iyon dahil hindi pa rin nag sisink in ang nakita ng dalawang mata ko.
"Lia." Pinunasan ko muna ang mga luha sa pisngi ko bago tumingin sa kaklase ko.
Wala siyang sinabi ng makita niya akong kakatapos lang umiyak at hinagod nalang ang likod ko.
"Lia." Napadako kay Jasper ang tingin ko.
"Let's talk." Seryoso ang mukha niya at saka hinayaan na ako ng kaklase ko roon."Bakit hindi mo sinabi agad—"
"Pag sinabi ko ba papayag ka?" Pagpuputol niya.
Napayuko ako at nagsimula na namang magbanta ang mga luha sa aking mga mata.
Napailing ako. Sino ba namang babae ang gugustuhing maging ganito ang mahal nila, alam kong sakrispisyo ito para sa kaniya.
Buong buhay niya maginhawa ang buhay niya tapos makikita ko siya ngayon nagtatrabaho sa ganitong lugar.
"Don't cry , please. Hindi ko kayang nakikita kang umiiyak sa harap ko." Pinunasan niya ang mga luhang nasa pisngi ko.
"Kasalanan ko naman kasi ito—kung hindi dahil sa akin hindi ka mahihirapan ng ganito." Wika ko sa pagitan ng mga hikbi.Marahan niyang itinaas ang baba ko.
"I'll do everything, anything for you. Ganyan kita kamahal, titiisin ko lahat para sayo. Kaya wag mong iisiping kasalanan mo." Mataman niya akong tinitigan habang nagsasalita.
Kinuha ko ang kamay niya sa baba ko at tiningnan iyon.
"Tingnan mo may sugat kana naman." Naiinis kong wika.
Mahina siyang tumawa at niyakap ako ng mahigpit.
"—wag ka nalang kayang magtrabaho." Nakalabi kong wika.
Bahagya niya akong nilayo.
"Hayaan mong gawin ko ito para sa ating dalawa.?" Taas noong wika niya.
Tumango ako ngunit nasa ibaba ang tingin.
"Kaya pala ayaw mo akong paisahin kagabi." Bulong ko.
Humalakhak siya napatingin sa paligid.
"Babawi ako sa susunod." Sabi niya sabay halik sa noo ko.
"Sabi mo iyan ah." Paninigurado ko.
"Mabuti pang dito kana muna at hintaying matapos ko ang trabaho ko, tapos sabay na tayong umuwi." Nakangiti niyang wika at hinawakan ako sa kamay.
Tumango naman ako sabay ngiti.
Marahan niya akong hinatak papasok sa restaurant na iyon habang magkahawak ang kamay namin.
BINABASA MO ANG
Mr. Sadist
RomanceJasper Condrado would do anything just to seek revenge on his cousin in the name of his twin, so he entered his cousin's family and there he met Lia Diaz. At first, he thought Lia Diaz wouldn't be a headache for him, but she endured various hardship...