CHAPTER 16 - She is in danger!

70 2 0
                                    


Araw ng Lunes, kadalasang simula ng patung-patong na appointments at meetings na pinaghahatihatian nilang tatlo. Katatapos lang niya sa isang meeting at siya ang nagrepresent kay Gilbert, na ang huli ay nasa isang contract signing for his long waits business fusion with Mrs. Walter.

"Mrs. Servantes, my secretary will email the details regarding our products and services proposal," nakangiting wika ng Executive Director ng isang kumpanyang kausap niya saka pa siya kinamayan bago magtapos ang kanilang meeting.

"Okay, I'll wait for the email then and kindly address it to Mr. Servantes," magiliw niyang sagot.

Nag-aabang na si Lito sa harapan ng gusali ng lumabas siya. Tutuloy pa sila sa isang appointment buhat doon.

"So how was it?" Bating tanong ni Lito sa kanya.

"Everything's turning out well," pabuntong hiningang sagot ni Maricon saka nagseatbelt.

"Hindi ka ba naboboring or napapagod sa mga ginagawa mo? Medyo matagal –tagal kanaring nagiging abala sa mga negosyo ni Boss," wika ni Lito ng pinaandar na niya ang sasakyan.

"I am enjoying it anyway, wala din naman akong gagawin. Atleast nakakatulong ako sa inyo, Malaki ata ang utang na loob ko kay Gilbert," sinabayan pa ng bahagyang ngiti ni Maricon ang sinabi saka sumulyap kay Lito.

"Sabagay, actually you're playing a good role as boss Gilbert's wife," may panunuksong puna ni Lito.

Tinapunan siyang muli ng tingin ni Maricon, "Is that a compliment or intriga?" Tanong nito.

"Both," saka pa napalakas ang tawa ni Lito.

"Ikaw talaga, pagnarinig ka nun babatukan ka niya," nakangiting sabi ni Maricon.

"Buti hindi kayo nagkakasawaan sa isa't-isa ano?"

"Bakit mo naman naitanong?"

"Kasi lagi na lamang kayong magkasama at magkabuntot."

"Look who's talking? Hindi ba ganoon ka rin sa kanya? At pansin ko nga mas madalas pa kayong magkasama kaysa sa akin and to think the length of your service with him."

"Trabaho naman ang akin, iba naman ang sa inyo."

"There is no difference Lito, trabaho lang din ang akin, ang pagkakaiba lang na-advance na ang payment ko at kakaiba ang label ng work ko."

"Naka isang taon na kayo, have you never fall with each other? Pasensiya na personal na ata ang tanong ko pero sana pakisagot narin, kasi kapag tinatanong ko si Boss hindi naman ako sinasagot nun eh, and he never opens up with his personal feelings into love matters."

"Naku manhid naman ang boss mo at pusong bato," birong komento ni Maricon. Nagring ang cellphone niya. Atubili nitong sinagot.

"Hello?. . . . . . . . yes........I'm glad to come. Bye."

"Who was that? Si Boss ba iyon? Na miss ka niya agad?" Tanong ni Lito saka siya bahagyang sinulyapan.

"Si Don Guillermo. He wants to meet me regarding the clearance of our business," nakangiting sabi ni Maricon.

"That's nice."

"Hay sa wakas mababawi ko na rin ang kumpanya namin. Akala ko lahat ng sakripisyo ko ay mawawalan ng saysay," masayang wika nito. "I'll proceed to the meeting place after this. Just tell Gibert that I'm going to meet Don Guillermo kapag nagtanong siya. I got a low battery," dugtong niya.

"Will you do it alone? I can accompany you."

"Yeah, I should have the courage to do it by myself, else I can't cope up with such!"

Mr. Businessman ( Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon