Last chapter

295 12 5
                                    

NAALIMPUNGATAN SI JIAYUE nang may gumalaw sa tabi niya at medyo nangangalay na rin ang kanyang mga braso. Isiniksik siya ng pangahas sa mga bisig nito at ginawaran ng masuyong halik ang kanyang noo. Mula nang umalis siya sa bahay ng asawa'y ngayon lamang siya ulit naging komportable sa pagtulog.

"Hmmm..." Mahinang ungol niya at pilit na ibinuka ang mga mata para mapagsino ang katabi.

Sa pagkakaalam niya'y nag-iisa lamang siya ngayon sa malaking bahay dahil umuwi na si Moira sa condo nito. Imposible rin naman kung si Mang Toryo o Manang Elle ang tatabi sa kanya bukod sa nirerespito ng dalawang matanda ang privacy niya'y nagtungo naman ang mga ito sa palengke. Is her parents home?

"Did I wake you up, sweetheart?" Masuyo at puno ng lambing na tanong ng pangahas.

Napabalikwas siya ng bangon nang makilala ang boses ng asawa. Bahagya pang nanlaki ang kanyang mga mata and her mouth hang open. Hindi siya makapaniwala sa taong kaharap. Kinusot niya ang mga mata upang masigurong ang asawa nga ang nasa tabi at aliw na aliw sa kanyang reaksyon.

"A-anong ginagawa mo rito?" Kinakabahan niyang tanong. God! Hindi pa siya handang makita at makausap ito. Kailangan pa niya ng oras upang buuin ang sarili.

"I've cooked for you." Maaliwalas na saad nito imbes na sagutin ang kanyang tanong.

"Dae, please..."

"Please what?" Hindi niya alam kung ano ang ipakikiusap niya sa asawa kaya naman ay tumahimik na lamang siya at pinakiramdaman ito. "I missed you, Jiayue. My wife." Muli ay sabi nito tsaka siya mahigpit na niyakap. She was stunned for a moment. Hindi niya inaasahan ang kasunod nitong ginawa. He claimed her lips and hugged her tight, again. "Please don't ever leave me again. I might go crazy if you ever do that. Please sweetheart..." Natunaw ang lahat ng hinanakit niya sa asawa nang makita itong umiiyak. "Akala ko hindi na kita makikita pa. Akala ko tuluyan mo na akong iniwan. Thanks God, you're coming back into my life." Isiniksik nito ang mukha sa liig niya habang patuloy na nagsasalita. Hindi na niya pinigilan pa ang sarili at ginantihan ito ng yakap. "Please dont ever do that again.. Please dont leave me again. I can't bear of losing you and I dont know what to do If you'll ever leave me again."

"Dae..." Anas niya sa pangalan nito sa kawalan ng masabi. Hindi niya alam kung ano ang isasagot dito o kung saan siya magsisimula. Marami siyang gustong sabihin sa asawa ngunit hindi niya alam kung ano ang una niyang sasabihin dito.

"Jiayue... Please stay with me. I don't know how to live again without you by my side. Let's go home. Please." Nag-angat ito ng mukha at pinakatitigan siya. "Let's forget about the past and start over again."

Nakita niya sa mga mata nito ang pagmamahal na dati pa niyang inaasam. Pagmamahal na ngayon lang niya makakamit mula rito. Handa na ba siyang isugal muli ang sarili makasama lang ito? Makamtan lamang ang pagmamahal na matagal nitong ipinagkait sa kanya?

"Daejin..."

"Alam kong sobrang tanga ko dahil sinaktan ko ng paulit-ulit ang babaeng matagal ko ng minahal. Ang babaeng nagpapatibok ng puso ko. Ang babaeng ayaw kong mawala sa buhay ko at gusto kong makasama habang nabubuhay ako. Pakiusap mahal ko. Ikaw lang ang babaeng gusto kong makasama. Ikaw lang at wala ng iba."

Napakunot ang kanyang noo sa mga sinasabi nito. Oo nga't umamin na ito sa kanya rati pero hindi niya akalain na totoo ang mga sinasabi nito. Teka, pinagloloko ba siya nito?

"Si Shin. Akala ko mahal ko talaga siya. Oo minahal ko siya pero hindi katulad ng pagmamahal ko sayo. Ngayon ko lang narealize na minahal ko lang pala siya para pagtakpan yung pagmamahal ko sayo. Pagmamahal na dati ko pang naramdaman at akala koy nawala na nung dumating siya sa buhay ko pero nagkamali ako dahil hanggang ngayon mahal pa rin kita at hanggang ngayon ikaw parin ang itinitibok ng puso ko. Alam kong nasaktan ko si Shin at nagsisisi ako sa ginawa kong iyon pero ayaw ko namang pakawalan yung babaeng abot kamay ko na. Ang babaeng nagbibigay sigla sa buhay ko. Mahal kita Jiayue. Mahal na mahal at ayokong mawala ka pa sakin." Hinawakan nito ang kanyang mukha at nakikiusap ang mga mata nito.

BUKAS NALANG KITA MAMAHALIN (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon