Chapter 01

11 2 0
                                    


Kami ang mga The Royalties. Kami ay makukulet charot, hmm ano paba pwede kong sabihin sainyo, i think wala naman na kaya mag start na tayo.

Athena's Pov

Tumayo ako upang gisingin ang mga kambal ko, sapagkat baka kami ay mahuli sa klase namin.

" Amoraaaaaaaaaa gising naa!" saad ko.

" Eto na aga aga ng bumulabog eh." saad nya naman na may pagkagalit sapagkat sya'y ginising ko.

" Malalate tayo, Magluto kana ron at gigisingin ko ang iba." sinabe ko at sya naman ay mabilis na sumunod, ako naman ay pumunta na sa mga kwarto nila.

Ginising kona ang ibang mga kambal ko, at bumalik ako sa kusina upang tulungan si aria sa paghahain.

Gumising na nga ang mga dalaga at kumain, nagulat ako ng biglang magsalita si Lexie na ikinagulat namin.

" Bilisan nyo, kumain jan." saad nya na parang nagagalit na.

" Bakit kasi ang babagal nyong magising." Saad ko naman tapos pinagkukuha ang mga platong ginamit nmin upang ilagay sa kusina.

" Khione ikaw na maghugas mamaya ah, madali lang naman sayo yan eh HAHAHAHAHA " saad ni Allsya.

" Oo na, tara na tara na bilisan nyo na sa pag bihis para makaalis na tayo, pagalitan nanaman tayo ni Mrs. Reyes eh. " saad ni khione at saka akmang lalabas ng domitriyo, ngunit bigla syang pinigilan ni hera.

Tumayo na ko upang makalabas nako pero nagulat kami, dahil sa pagpigil ni hera kay khione gamit ang kapangyarihan nya.

" Triny ko lang naman kung anong kapangyarihan ko " Saad ni hera.

Alam naman nanamin ang mga kapangyarihan namin, ngunit sya, ay di nya alam, siguro di pasya nainform sa kapangyarihan nya HAHAHA.

Nagulat ako ng bigla akong tapikin ni Jaia at sabi ng " Tumigil ka nga jan. " Tapos nag peace sign nalamang ako, sapagkat alam kong nababasa nya ang aking isipan.

Kami nga ay sama sama ng naglakad ng bigla kaming harangin ng mga grupo ng kababaehan.

Bigla namang lumapit si Lexie sa leader nila at sabing " Umalis ka sa dinadaanan namin." Saad ni lexie.

' Away nanaman ba?'

Biglang bumulong saakin si Jaia na " Mukhang away nanaman nga." saad nya.

Aria's Pov.

" Pwede ba, ayaw namin ng away ngayon, kaya please lumayo kayo sa dadaanan namin at baka mag apoy ako sa harapan nyo." Galit na sabi ko.

Hindi pa naman ako galit na galit sakto lang, pano ba naman ang aga aga may away nanaman, kitang gusto nanamin manahimik, kasi baka isang awat na ganap pa ay, matinding parusa na ang ihatol saamin ni Mrs. Reyes.

" Inunahan nyo ito kaya wag nyong atrasahan " saad ng leader ng isang grupo.

' Inunahan?wala naman kaming ginagawa sakanila, and dzuh hindi naman namin sila kilala no.

" Teka anong inunahan ba?hindi nga bamin kayo kilala tapos sasabihin mo inunahan?tanggalin ko kaya yang ngala ngala mo." Saad ni Athena na ikinatawa naming lahat.

sa pagtawang iyon ay kita naming gagalaw na ang leader nila, pero mabilis si Callista, kaya agad nya itong pinakain ng lupa upang matigil nag mahigang lalabas sa bibig nya.

Nagulat ako ng isa isa na sila ay may kalaban at ako nalang ang natitira, Lumapit nalang ako sa isang babae upang sya'y kalabanin.

Sa kabilang Gilid ay kitang kita mo ang isang babae na lumipad sa pader.

Maxwell Academy : The Royalties.Where stories live. Discover now