"Chia listen to your father" Malumanay'ng sambit nang kaniyang lolo pero yumuko lang ito at naglalaro sa kaniyang mga daliri.
"Chia nakikinig kaba? Face me Chia" Kanina pa galit ang kaniyang ama dahil kanina pa siya dada nang dada hindi naman siya nito pinakinggan.
"Zayn hindi kana bata kaya intindihin mo ako" Gusto man niyang sigawan ang kaniyang anak pero pinipigilan niya na mataasan ito ng boses dahil hindi rin niya magugustuhan kapag ginawa niya yun. Tiningnan siya ni Chia sa mga mata kung hindi ba ito nagbibiro. Nagtataka kasi siya dahil ngayon lang siya pinawayagang pumasok sa paaralan ang mas masaklap pa ay siya ang magiging guro sa mismong paaralan nila.
Bumuntong hininga siya at sumandal sa upuan bago niya ito sinagot ng mahinahon.
"Dada ayaw ko pong maging teacher" Tinaasan siya ng kilay nang kaniyang ama. Napailing-iling na nanunuod ang kaniyang lolo dahil hindi pa ito napapayag.
"Zayn you're 15 years old now at gusto kong ikaw ang maghahandle ng class ni Mrs. Dionne" Mahinahong sabi niya na ikinailing ni Chia at tumakbo papunta sa kaniyang lolo at umupo sa tabi nito sa ikinatawa ng matanda.
"I'm steel talking to you Zayn wag mo akong talikuran" Nanggagalaiti niyang sigaw na dahilan para mapaiktad si Chia sa gulat. Tumingin siya sa kaniyang lolo na nanghihingi ng tulong dahil kapag tinatawag siya sa second name niya alam niya na galit ito at seryuso.
"Dada naman 15 palang po ako tapos gusto mong magtuturo ako sa nakakatanda sakin? No, ayaw ko mas gugustuhin ko pang magkulong sa kwarto ko kaysa magtuturo sa paaralan niyo" Nakasimangot niyang sabi. Pilit namang pinakalma ang sarili ng kaniyang ama dahil alam niyang hindi ito matatapos kung palagi siyang galit.
Mas gugustuhin kasi ni Chia ang magkulong nalang sa kaniyang silid kaysa magtuturo dahil napakaboring daw. Masaya kasing tambayan ang kaniyang silid. Tumingin siya sa kaniyang lolo na nakasimangot.
"Lolo ayaw ko, dito nalang ako sa mansion hindi na po ako gagawa ng kalukohan promise po" Pagkukumbinsi niya pero tinawanan lang siya nito at bahagya pang ginulo ang kaniyang mahabang buhok.
"Hindi pwedeng magkulong ka nalang dito sa mansion natin apo, at isa pa huwag kang mangakong hindi kana gagawa ng kalukohan dahil hindi mo na ako maluluko" Sabi ng kaniyang lolo sabay pitik ng kaniyang noo.
"Lolo naman eh!"
"Gusto mo bang basagin ko lahat ng computer mo sa loob ng iyong silid pati mga bagay na nakakabit sa loob ng kwarto mo?" Pananakot nito sa kaniya na ikinalaglag ng kaniyang panga. Iisipin niya palang kung paano hahampasin ang kaniyang mga gamit at computer sa kaniyang silid hindi niya na kaya. Agad niyang tinikom ang kaniyang bibig at galit na tumayo.
Lolo ko ba talaga to?
"Mamili ka apo pumasok sa academy natin o babasagin ko lahat ang mahalagang bagay na nasa kwarto mo?" Nakangising sabi ng kaniyang lolo.
"Lolo---" Hindi niya na pinatapos magsalita ang kaniyang apo dahil agad niyang tinawag ang isang katulong nila.
"Po?" Tanong agad ng babaeng katulong sa matanda. Si Chia naman naikuyom ang kaniyang kamao dahil sa kaba at galit.
"Pasukin mo ang silid ng apo ko kung hindi mo kayang buksan ay sirain mo ang pinto at basagin ang pwedeng basagin" Bigla namang nagulat ang inutusan ng matanda, dahil alam nilang lahat na parang kapatid na ni Chia ang kaniyang computer tapos ipapabasag lang ng kaniyang lolo.
"Subukan mo tanda makikita mo!" Galit na sigaw niya. Imbes na magalit ang kaniyang lolo dahil sa pagtawag ng tanda bigla lang itong tumawa ng malakas. Napahawak pa sa kaniyang tiyan dahil sa kakatawa.
Ngumiti naman ang kaniyang ama ng palihim dahil alam niya talaga kung sino ang katapat nang kaniyang anak.
"Lolo naman! Wala namang ginagawang kasalanan ang mga computer ko bakit mo pa sila pakikialaman?!" Gusto ng maiyak si Chia dahil sa sinabi nang kaniyang lolo. Binalingan niya ng tingin ang kaniyang ama na agad iting tumuwid ng upo at tumikhim para paseryusuhin ang kaniyang eksprisyon.
"Dad ano bang nakain mo kung bakit bigla mong naisipang ako ang ipapalit na guro sa section na iyon?! Alam mo namang ayaw kung magtuturo na kahit sino at ang masaklap pa ilalagay mo talaga ako sa sectiong walang modo?" Galit niyang sigaw sa kaniyang ama na ngayon ay napakamot sa batok. Ang mukha naman ni Chia ay hindi na naipinta.
"Chia anak, alam ko namang mapapasunod mo sila ikaw pa---" Hindi na pinatapos ni Chia sa sasabihin ng kaniyang ama dahil alam niyang isisingit nanaman ang mga ginawang kalukohan sa mga kasambahay nila.
"Dad marami namang naghahanap nang trabaho diyan bakit hindi sila ang kukunin mo?" Pilit na pinakalma ang sarili niya dahil ayaw niyang pagtaasan nang boses ang kaniyang ama.
"Alam mo namang hindi ako basta-basta tatanggap ng mga tao na walang pinag-aralan diba?" Naisip niyang subrang strict pala nang kaniyang ama lalong-lalo na ang kaniyang lolo sa ibang tao.
"Please Chia tanggapin muna kasi ang alok ko oh" Nagmamakaawang sabi nang kaniyang ama habang nakanguso. Kapag ibang tao pa ang nakikita sa reaksiyon ngayon ng kaniyang ama kanina pa sila napatili ng malakas. Totoo naman kasing napakagwapo talaga nang kaniyang ama kahit nasa 30s na ito ganon din ang kaniyang lolo. Hindi naman siya magpapahuli dahil kahit siya ay may angking taglay'ng ganda na kahit sinong malalaki man o babaeng nakakita sa kaniya ay hindi maiwasang matulala. Pero sa napaka-inosente niyang mukha ay natatakpan sa kaniyang mga nakikilabot na ngiti lalong-lalo na kapag may kalukohan nanaman itong naisip.
"Pagbigyan muna ang iyong ama apo dahil ngayon lang yan naglalambing sayo" Natatawang singit nang kaniyang lolo.
"Pag-iisipan ko po Dada" Walang ganang sagot ni Chia. Akmang maglalakad na siya nang hawakan nang kaniyang ama ang kaniyang braso. Nagtataka siyang hinarap ito.
"I'm sorry for what I said earlier. Just...just... don't mind---"
"Dad alam ko namang hindi mo parin ako titigilan kaya pag-iisipan ko po nang maayos kung dapat po ba akong pumayag sa gusto mo dahil kahit ako mismo ayaw kung magiging guro sa seksiyon na iyon at kailangan ko pang icheck ang mga background nang mga pasaway'ng studyante na sinasabi mo" Sabi kasi nang kaniyang ama na walang nakakatagal na guro ang section na iyun dahil nga kahit nag-aaral wala namang mga modo.
BINABASA MO ANG
She's A Temporary Teacher In Her Fathers School
RandomNapag-isipan ng kaniyang ama na ipasok ang kaniyang nag-iisang anak na babae sa academy'ng pagmamay-ari niya. Hindi bilang estudyante kundi bilang isang guro sa isang napakakulit na section. Marami nang naghahandle sa sectio'ng iyon pero hindi nila...