16. Act Seems Natural

123 6 0
                                    

CHAPTER 16: Act Seems Natural

“ARE you sure na hindi ka sasama, Sigmund? Hindi ka na nga sumama sa perya kagabi, ‘tapos hindi ka uli sasama today? Hindi ka ba naiinip dito?” tanong ni Hensin kay Sigmund nang matapos na silang makapag-ayos ng sarili.

“Right. Sumama ka na. Bago lang ang parke na ‘yon. Hindi pa kita nadadala ro’n,” segunda niya. Ayaw nanaman kasi nitong sumama. Siguro ay hinihintay nanaman ang pagtawag ng asawa nito, kaya mas pinipili na lamang ang magkulong sa loob ng kuwarto.

“Hindi na. Enjoy na lang. At saka, ayo’ko namang maging third wheel sa inyong dalawa,” sagot nito, kapagkuwa’y ngumisi sa kanila.

Napangiwi siya. “Sira. Ano’ng third wheel ang sinasabi mo riyan? Ako nga isinama niyo no’n sa private island ni Ivy. Nagreklamo ba ‘ko?”

Tumawa ang kaibigan sa ala-alang sinambit niya, dahilan para matawa na lamang din siya.

“Sumama ka na, Sigmund. Dalawa lang kami ni Kristof, dahil busy ngayon sila Ate Katherine, kaya hindi sila makakasama,” muling saad ni Hensin, dahilan para muling mabiling dito ang tingin nila.

“Ayaw niyo n’on? Solo niyo ang isa’t isa. Consider this as your first date as a couple. Enjoy.”

Oo nga pala, hindi alam ni Hensin na sinabi niya na kay Sigmund ang katotohanan ‘tungkol sa pagpapanggap nila. Kaya naman wala na silang nagawa pa kun’di ang umalis na lamang nang hindi kasama si Sigmund.

“Malayo ba ‘yon?” maya-maya’y tanong ni Hensin nang tuluyan nang umandar ang tricycle na sinakyan nila.

“Sort of. Sasakay tayo ng jeep sa may bayan, ‘tapos tricycle ulit, papasok sa may looban patungo ro’n sa may parke,” sagot niya.

Isang private park ang pupuntahan nila. Isang taon pa lang ang nakalilipas magmula nang buksan iyon, kaya naman bago pa. Pero sa kabila n’on ay naging matunog na ang pangalan ng naturang parke. Kaya naman gusto niyang puntahan ‘yon, para malaman kung talaga ba’ng maganda at sulit magpunta sa lugar na ‘yon.

At saka, pagkakataon na rin ito para maalis ang kung ano ma’ng ilangan sa pagitan nilang dalawa ni Hensin. Hindi niya puwedeng hayaang may magbago sa samahan nilang dalawa nang dahil lang sa isang pangyayaring hirap nilang kalimutan.

Hanggang sa tuluyan na silang makarating sa pribadong parke. May entrance fee na kailangang bayaran bago sila makapasok. Pero hindi naman kamahalan.

Habang naglalakad sila, bahagyang lumapit sa kaniya si Hensin na tila’y may nais ibulong.

“Ako lang ba? Parang nakita ko si Kiray kanina sa may entrance. Nagtatakip pa ng mukha,” kunot noong bulong nito sa kaniya, dahilan para mahina at tipid siyang tumawa.

Bumulong siya pabalik dito, “She’s stalking us, kanina pa. Nakita ko siya sa jeep na sinakyan natin kanina, nagtatakip din ng mukha. Hindi lang ako nagpahalatang nakita ko siya. She’s not good at hiding, pft.”

“Gaga talaga. So, hindi pa rin talaga siya sumusuko, hah?”

“That’s Kiray; hindi siya basta-bastang sumusuko, lalo na sa mga bagay na gustong-gusto niya,” kibit balikat na sagot niya.

“If that so…” Bigla na lamang itong yumakap sa braso niya. “We should act sweet. Painggitin natin ang gagang ‘yon,” kapagkuwa’y nakangising saad nito, dahilan para muli siyang tipid na tumawa.

Inalis niya ang pagkakayakap nito sa braso niya, at saka niya ito inakbayan at mas hinapit para mas magdikit silang dalawa.

“Let’s be sweet then,” kapagkuwan ay nakangising sambit niya, at saka ito nilapatan ng halik sa ulo.

Friendship To Lovers (Dr. Kristof Gomez's Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon