Chapter 1 Beginning

3 0 0
                                    

AGAD pumasok si Audrey sa isang laboratory kasunod ng ilang tauhan nila. Sunod-sunod na pagsabog ang narinig nila at palitan nang putok ng baril.
Nilusob nila ang isang illegal na laboratoryo, kung saan ginagawang human tester ang ilang kabataan na dinudukot ng mga ito. Napag-alaman nila na pag aari ito ng isa sa mga kalaban  nila sa Mafia. Sa mga lumipas na taon. Maraming nabuong Mafia Organisasyon na kumakalaban sa kanila at isa ang mga ito.
Pinasok nila ang pinaka-laboratory nito kung saan nakita nila ang katawan ng ilan sa biktima nito. Karamihan sa mga ito ay bata at dalaga na. Marami ang babaeng biktima nito. May nakalagay na mga ibat-ibang aparato sa katawan.
May ilang doctor at scientist ang nakipagpalitan nang putok sa kanila, kaya lumalaban din sila hanggang sa tumakas ang ilan sa mga ito.

"Tingnan niyo ang mga katawan nila, kung may buhay pa ba sa kanila," utos niya sa mga ito.
"kung mayroon man dalhin niyo sa hospital para magamot at kung patay na dalhin niyo na sa morgue upang ma-identify kung sino sila. Bilisan niyo!"

Paalis na sana siya nang may napansin siyang isang kwarto. Naglakad siya patungo doon saka binuksan. Doon, nakita niya ang isang babae na tulad ng ilang biktima marami ring nakalagay na aparatu. Lumapit siya dito. Hindi niya lubos maisip kung bakit tila nakaramdam siya nang kakaiba ng makita niya ang mukha nito.

Napansin niyang iba ito sa lahat. Nakita niyang may kakaiba sa dextrose nito. Kulay pula na may halong kulay blue. Tinitigan niya itong mabuti At doon nalaman niya kung ano ito. Agad niyang kinuha ang dagger niya at hiniwa ang dugtungan nito. Tinanggal niya ang mga nakakabit  dito saka siya tumawag nang tauhan niya upang madala ito sa hospital.
Seryoso siyang nag isip. Alam niya kung ano iyon dahil minsan  niya na itong nakita noon. Isa iyong likido na pumapasok sa bawat ugat nang katawan. Isa itong droga na may halong pagkawala ng alaala ng isang tao. Nagagawa din nitong palakasin ang katawan pero, kapag nasanay na ito sa katawan nang biktima ay hinahanap na ito At kusang namumuo ang lason sa katawan kung hindi ito maibigay kaagad. Maari rin itong ikamatay ng biktima sa oras na hanap-hanapin na ito sa katawan.
Hindi alam ni Audrey kung matagal na ba iyon sa katawan ng babae. Dahil kung ganoon, maari nito itong ikamatay. Nag utos siya nang ilang tauhan niya upang kunin ang babae at madala sa hospital. Dalawa lang ang pweding patutunguhan nito. Ang mabuhay o ang mamatay. Maari rin na mabubuhay ito pero mawawalan ng alaala dahil sa ginawa nito sa kanya.

      "Mommy!"

Bumaling si Audrey sa bagong dating at agad siyang niyakap.

"Aubrey, how's your school?"

Her Daughter, Aubrey Veliz Durman De la cruz.

Sa lumipas na taon, nagkaroon ng dalawang anak si Audrey at Carvey. Ang panganay na si Aubrey at ang bunsong anak na si Clarence. Parehong nag aaral ang anak niya, sa Mafia Axes Academy  ang bunso at sa Mafia Axes University  ang panganay.

Lahat naman sila nagkaroon na nang kanya-kanyang pamilya. Maayos silang namuhay at nagtrabaho bilang mga anak ng Mafia at assassin. Tulad nang Legend Knight noon, may sumunod na sa yapak nila. Ang unang mga anak nila ang taga sunod bilang bagong Legend Knight at isa si Aubrey sa mga ito.

Una sa Legend Knight member ay 
Si Steffy Kendra Montenegro, anak ni Yhevey at Stevian. Sunod nito ay si
Aizen Marcus Traden, anak ni Kaizer at Leshyen.
Ferlezza Quizon Arresson anak ni Ferjeen at Vensley.
Marcus Sensho Halley anak ni Farrah at Marvess.
Ranzy Lace Taller Trigo
anak ni mhearald at Hanz.
JeDrake anak ni Andrew at Jassy.
Khezza Jead Mendez Parker anak ni Khez at Jeadan.
Jarren Durman anak ni Jassen at Khetania.
HArrison Sandellan anak ni Shawn at Rhea.
Aubrey Veliz Durman Delacruz, anak ni Audrey at Carvey.

Sila ang bagong Legend knight  kasunod ng mga magulang nila. Lahat nang bagong L.K ay may kanya-kanya ring pag uugali pero mahusay din sa pakikipaglaban.

"Okay lang naman mommy, ganoon parin naman."Sabi nito.

Bahagya siyang napangiti sa ugali nito. Mukha kasing nakuha nito ang pagiging maarte niya noon.

"Excuse me mom,"sabi nito.
"I need to go too my room. May gagawin pa ako."Paalam nito.

Hinayaan na lamang niya ito at umakyat na sa kwarto. Napabuntong-hininga siya saka umupo sa sofa. Inalala niya ang nangyari nitong nakaraan. Hindi niya halos lubos maisip, kung bakit tila concern siya sa babaeng nakita niya sa laboratory ng araw na iyon. Nasa Hospital ito ng daddy niya at maayos na ang kalagayan nito. Hinihintay na lang na magising.
Magaan ang loob niya sa babae, tila ba may kakaiba dito na di niya maipaliwanag. Inaalam niya kung anong improvement sa katawan nito at nakahinga siya nang maayos ng malamang okay naman ang katawan at malakas pa ang katawan nito. Hindi tulad ng ibang biktima na kasama nito. Ilan sa mga ito ay patay na. Sinubukan din niyang kilalanin ang babae pero wala siyang makuhang impormasyon  dito. Maging ang laboratory kung saan niya ito nakita ay wala na rin siyang nakuha. Dahil pinasabog na niya ito sa mga tauhan niya upang hindi na magamit. Kaya wala siyang makuhang impormasyon dito. Isa pa, mukhang matagal na rin ito sa lugar na iyon. Bahagya siyang napabuntong-hininga at napailing. Masyado siyang nag aalala dito. Ganoong hindi naman niya ito kilala.

Tumayo siya at pumunta sa kwarto niya upang magbihis. Nang makabihis na siya, muli siyang bumaba pero nakasalubong niya si Carvey na kakauwi lang. Lumapit siya dito at humalik sa pisngi.

"Aalis ka hon?"tanong nito sa kanya.

"Oo,"sagot niya.
"may pupuntahan lang ako sa hospital ni dad."

"Okay, mag iingat ka."

Tumango lang siya saka  lumabas nang mansion nila at sumakay ng kotse niya papunta sa hospital. Gusto niyang alamin lagi ang kalagayan nito. Nais niya itong tulungan kung sakaling magising na ito. Dahil sa tingin niya wala ito pamilyang mauuwian kapag nagising na.

'Tsk! This is not you, Audrey." Sambit na lamang niya sa sarili.

The RetributionWhere stories live. Discover now