"Nakakaloka diko alam gagawin ko!"
Kanina pako pagulong gulong sa kama koo at iniisip yung nakaraan na hindi na pwedeng balikan! Pwe. Yung feeling ng Gusto mo gumanti. Yung bumalik sa panahon na masaya ka. Yung mgapanahon na perfect kasama sya! Hays. Yun yung masakit e. YUN YUN EH!
"Hoy Luka!"
"AY MUKANG PWET NG BAKA!"
Parang gaga naman kasi tong si Briteng. Nagdadrama pa e. Oh by the way im Stacey. Stacey Forbs. Sya ang bestfriend kong si Britney Caws. Kaya nga baka e. Jk. (Kows ang basa dyan trip ko lang talaga gawing cows) Hahaha!
"Maka pwet naman to ng baka!
Tss. Tadyakan kita jan e! Naku! Emote pa more. Move on na teh. Dimo naman mahahanap si right guy kung lagi mong Binabalikan si past." sabi nya.
Sabagay. May point sya. Diko alam kung san to nahugot e. Haha. Pero kasi naman kasi.
"Kasi naman e. Alam mo kas--"
Hindi nya pinatapos yung sasabihin ko. Ambuh. Letche to ah.
"Oh aarte pa yan? Tara na nga. Mag shopping nalang tayo mukha kang Sira dyan e. Agang aga oh! Mag ayos ka nga!"
At hinila nyako sa kama ko papunta sa cr. NOOO!!! MY ONE AND ONLY BABY!! AYOKONG MAGKALAYO KAMI NG KAMA KOO!! NOOO!! (Oh stacey OA)
At makalipas ng isang oras tapos na din maligo. Haha. Ikaw banaman hilahin ng isang baka. Joke. Hahahaha!
"Hoy tara na!" sabi nung baka. I mean ni briteng.
Pagtapos nun, nagpunta kami sa mall. Ang cheap naman kasi kung Sale yung bibilhin namin e ang dami naman naming pera. Haha
Pumunta kami sa mga damit. At ginawa ang ritwal na pagsusukat. Syempre ako magbabayad. Ako naman lagi tss.
Syempre nagpunta kami sa starbucks pagtapos magshopping. Then umorder nako ng akin. Habang kinakain ko yung Blueberry cheesecake ko, nakatulala parin ako dun sa lalaking nakashades. Parang ang pogi nya. Pero actually, iniisip ko parin yung past. Ang sakit kaya. Ang sakit maiwan ng walang maayos na dahilan kung bakit ka nya iniwan. Ang sakit mawalan ng minamahal lalo na kung walang tanong sa iyong mga kasagutan. (Masyado namang seryoso haha)
"HOY ABA!"
"AY BAKANG MAY ITLOG!"
HOBBY LAGI NETONG BAKA NATO NA MANG GULAT EH!
"SA SUSUNOD PWEDE BA WAG KA NA MANG GULAT! Ang lapit lapit ko kaya sayo nyeta." sabi ko.
"Grabe ka naman kasi lagi ka nalang tulala." sabi nya.
Eh ang sakit kaya. Duh? Tss.
Stacey pano ka makakamove On nyan shete naman oh!
Alam nyo ba kung bakit ako nagkakaganito? Malamang hindi. Diko pa naman sinasabi e.
Flashback*
Ang saya ko. 3rd anniversary na namin ni crider ang pinaka mamahal kong Boyfriend. Since 1st year Highschool sya na naging boyfriend ko. Sya din yung First.
Nandito kami ngayon sa Paris. Dito namin cinelebrate ang espesyal na araw para samin. Hihi. Kaso mukhang may sasabihin sya. Omoohh. Kinikilig nako na kinakabahan. Hihi.
"Crider bakit ka nakatitig?"
Sabi ko na nakangiti. Hihi
"Ah wala. Masaya lang ako kasi minahal moko." sabi nya na nakangiti.
Aba malamang. Seryoso ako no. Mahal na mahal ko na talaga sya.
"Ah. Ganon ba. Haha. Iloveyou cride *sabay kiss* happy third anniversary"
"Ilove---"
*kring kring kring*
Kaso may biglang tumawag sa kanya kaya naputol yung sasabihin nya. Bwisit naman oh! Nagsign nalang sya ng "Wait babe." habang nakahawak sa phone nya na naka tapat na sa tenga.
Kung di'nyo maitatanong kung Hindi ako nagseselos? Oo. Hindi talaga.
Busy si crider sa trabaho nya. Siya kasi yung magmamana ng company nila e. Iniintindi ko nalang yun. Kaya di ako nagseselos. Positive lang lagi. Hihi.
Kaso sobrang tagal naman ata ngayon. Naiinip nako. Pupuntahan ko na sana sya kaso ang lapit nya lang pala ng bigla kong narinig yung pakikipag usap nya sa telepono.
"Ano ba? Diba sabi ko sayo anniversary namin? Hintayin moko dyan. Saglit nalang to promise. Iloveyou. Ha? Oo na. Oo sige sige. Okay. Haha. Di nya nga alam. Sige na. Bye iloveyou"
Parang biglang sinaksak ang puso ko sa mga narinig ko. Hinugot ang mga ugat. Ewan naranasan ko na masaktan pero parang tusok lang yun ng karayom at nadapa. Pero yung ganito? Ang sakit. Bigla bigla nalang tumulo luha ko. Nakita ako ni crider na nakasilip sa kanya. Bigla akong tumakbo papalabas ng Restaurant na kinainan namin.
"Stacey! Wait!" sabi nya habang hingal sa pagtakbo.
"Bakit? Sino yun?"
Sabi ko habang pinupunasan yung luha ko.
"Kasi ano. Sorry. Sorry. Sorry stacey. Ayokong masaktan ka pa lalo. Siguro ito na yung tamang panahon para sabihin ko sayo ang totoo."
Oh. Kilig pa ba to? Anak ng kambing naman. Dear lupa kainin moko. Now na. Ang sakit. Kinakabahan nako. Buset.
"Di na kita mahal. May fiancé nako."
Sa sobrang sakit ng mga salitang binitawan nya sobrang nasaksak ang puso ko. Ang sakit. Yung tipong nagseryoso ka sa relasyon nyo ng 3years tapos lolokohin ka lang? Bakit ngayon mo lang sinabi? Bakit? Hindi yan totoo e. Joker nga yan si cride. Sht.
"Joke lang yan diba? Ha ha. Ang corny cride." sabi ko habang umiiyak.
"Hindi stacey. Sorry to say pero minahal kita. Sorry. I have to go now. Bye. I loved you. Happy 3rd anniversary? Happy nga ba? Sorry."
At bigla syang lumayo at sumakay sa kotse nya.
Ako?
Eto.
Nakatayo. Umiiyak. Umaasang panaginip lang ang lahat.
End of Flashback*
"Hoy bat ka naiyak?" sabi ni britney.
Ah. Shet. Pag naaalala ko talaga yung panahon na yun naiiyak ako. Kahit 1 year na ang nakalipas. Di parin naghihilom ang sugat sa puso ko. Chos. De. Pero totoo. Ang sakit.
"Ah wala britney. Uwi na tayo."
Sabi ko sa kanya.
"Wow ha. Infairness tinawag moko sa pangalan ko. Nice. Sure ka ba? Ako na magdadrive pauwi."
Hays. Ang bestfriend ko. Sobra talaga to. Kaya mahal na mahal ko e. Half filipino and british ako kaso dito talaga ako lumaki sa pilipinas e. Si britney ganun din. Wala pa syang nagiging boyfriend. Ewan ko. Pihikan kasi sa lalaki e. Ayaw sumugal.
"Matulog ka nalang muna jan. Traffic pa naman." sabi nya.
---------
A/N: yo! HAHAHA masyadong madrama si stacey ngayon. Sorry sa chapter na to. Hayaan nyo papagandahin ko. Hehe. Mwu.
Ps. Vote and comment pls. Haha
BINABASA MO ANG
Mag Mamahal pa ba?
RomanceGusto lang talaga nya ng maayos at seryosong relasyon. Walang gulo, walang nangenge-alam, walang manloloko, walang sinungaling, yung masaya at walang labis o kulang. Yung parang perfect relationship? Matatamo nya kaya ang Kagustuhan na'to? Dedicated...