Chapter 12: The Consequence

1K 74 13
                                    


Chapter 12: The Consequence

It had been two weeks since that incident happened pero hanggang ngayon ay wala pa rin ako sa sarili ko. Hindi pa rin ako makapag-move on. Sa gabi ay hindi ako makatulog ng mahimbing at hindi rin ako makakain ng maayos.

Pakiramdam ko ay malapit na akong maging zombie. Gumagalaw ako, pumapasok sa school sa umaga at nagtatrabaho pa rin ako sa gabi but I lost my drive. I lost the happy and passionate me because I was being haunted by that one night and the possible consequence at iyon ay ang pwede akong mabuntis. I checked my calendar at nadiskubre ko na fertile ako that night.

Ibig sabihin, kapag may naligaw na sperm cell sa ampulla ng uterine tube ko at natagpunan nito ay egg cell ko, the sperm cell would unite with my egg cell and will produce a zygote or a fertilized egg.

The zygote will grow and will develop inside my womb. Magkakaroon ng mga organs, nang mga paa at kamay. And after nine months of development, iire ako at may baby na lalabas mula sa aking precious pearl.

Dati, namamangha ako sa kung paano nagsisimulang mabuhay ang isang baby sa sinapupunan ng isang babae pero ngayon, tuwing naiisip ko ito ay nababalisa ako ng sobra.

Three days ago ay bumili ako ng pregnancy test kit. Oo, bumili ako ng PT kit dahil hindi na talaga ako matahimik pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin ito ginagamit. Natatakot ako sa pwedeng lumabas na resulta.

Paano kung talagang buntis ako? Anong gagawin ko? Nineteen lang ako at hindi pa ako handang maging Nanay.

Sigurado ako sa sarili ko na hindi ko kamumuhian ang bata dahil hindi ako ganoong klaseng tao pero alam ko rin na hindi ko siya kayang panindigan sa estado ko ngayon.

The best thing that I could do ay tumigil sa pag-aaral at umuwi ng probinsya at humingi ng tulong sa mga magulang ko. Pero kahit iyon ay walang kasiguraduhan.

Paano kung magalit sa akin si Nanay at Tatay? Umalis ako sa amin with a promise na pagbubutihan ko ang pag-aaral ko pero uuwi ako na buntis. Magiging kahihiyan ako ng pamilya ko at magiging topic ako ng mga tsismosa sa aming barangay.

At ang mas masama pa ay wala akong maihaharap na lalaki sa kanila dahil ako mismo ay walang ideya kung sino siya o kung ano ang itsura niya.

And speaking of him, galit na galit ako sa kanya. D*mn him and may he burn in hell! Sigurado akong isa siyang g*go kahit na hindi ko alam ang pangalan niya. I am sure that he's a good for nothing effing bastard.

The fact na iniwan niya akong mag-isa inside that room after something happened between us ay patunay na isa siyang walang kwentang lalaki. Nilayasan niya ako nang walang paalam o kahit thank you man lang.

Siguro ay ganoon ang nakasanayan niya. Siguro ganoon talaga ang one night stand pero hindi tama iyon! No girl in this world deserves that kind of shitty treatment!

Hindi ako mapagmura na tao but he managed to bring out the worst in me. I loathed him! I hate every bits of him!

Patuloy pa rin ako sa pagpupuyos pero napatigil ako nang maramdaman kong may pumatak na tubig sa kamay ko na nakapatong sa kandungan ko. I was in the university's vicinity. Nakaupo ako sa isang bench at naghihintay na sumapit ang oras ng next class ko.

Tinignan ko ang kamay ko and there was a drop of water on in. Napakunot ang noo ko at tumingala sa langit pero hindi naman makulimlim o umuulan.

Wala sa loob na napahawak ako sa pisngi ko. It was wet and I realized na iyong pumatak sa kamay ko ay hindi tubig kundi luha.

I'm crying. Again.

Sa loob ng dalawang linggo ay hindi lang miminsan na nangyari na hindi ko namamalayan na umiiyak na pala ako dahil sa pag-aalala, sa takot o sa galit. These feelings were so overwhelming they make tear ducts work overtime and my eyes water.

The Story of Us (Cinderella's Panty)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon