His Secret Love

121 2 0
                                    

"Symond! Ang aga mo ah." sabi ni Zack pagkapasok ko ng room. Ngumiti lang ako.

Pagkaupo ko sa upuan kong nasa last row, pangatlo sa kaliwa, aga nilibot ang paningin sa buong room.

Wala ka pa.

Kaya nakipagkwentuhan muna ako kay Zack.

Maya-maya, unti-unti na ding nagsidatingan ang iba nating kaklase, wala ka pa din.

Pagkatapos ng ilang minuto, may pumasok sa room, isang babae at isang lalaki, nagtatawanan, "Weh?" sabi pa nung babae, tumawa lang yung lalaki pagkatapos ay hinampas ng babae sa braso yung lalaki.

Ikaw yung babae.

Dumiretso ka na sa upuan mo, pangalawa sa last row, huling upuan sa kaliwa, malapit lang sakin.

Yung lalaking kasabay mo naman ay umupo na sa tabi ko, sa kaliwa. Mas malapit sya sayo.

"May gawa ka na sa math, Symond?" tanong sakin ng lalaking kasabay mo, si Tyrone. Napatingin ako sa kanya.

"Oo, ikaw?"

"Wala pa. Haha! Pakopya."

"Sige. Agad kong kinuha yung assignment ko at inabot yun kay Tyrone.

"Salamat." -Tyrone. Tumango lang ako. Tumingin ulit ako sayo.

Nakatingin ka na naman sa labas. Wala pa kasi yung mga katabi mo, wala pang kakausap sayo.

Kung may lakas ng loob lang sana ako, kanina pa kita nilapitan para kausapin. Kaso wala eh, pakiramdam ko umuurong dila ko pag malapit ako sayo.

Ang tahimik mo talaga. Kaya nahihiya din ako minsan kausapin ka eh.

"Noreen!" narinig kong tawag sayo ng babaeng nasa labas ng room. Pumasok sya at naupo sa tabi mo.

Buti dumating na sya. May makakausap ka na.

Nagsidatingan na din yung mga kaibigan ko kaya ayun, napalipat ako ng upuan para makisama sa kanila.

Hindi pa dumadating yung prof.

Pagtingin ko sayo, kumokopya ka ng assignment sa math, naiintindihan ko yun, dahil lagi kitang naririnig na nagrereklamong, "Ang hirap naman nito! Di ko talaga magets!"

Napapangiti ako pag naririnig ko yung boses mong sinasabi yun.

Kung meron nga lang akong lakas ng loob, eh matagal ko ng sinabi sayo na tututoran na lang kita sa math, o kahit sa lahat ng subject pa, pero wala eh.

Nakatitig lang ako sayo, ang ganda mo pa din kahit ng seryoso ka sa pagkopya, nagulat ako nang mapatingin ka sakin. Hindi ko inalis ang tingin ko sayo dahil hindi ko alam, para bang na-magnet yung tingin ko sa mata mo.

Saka naalala ko yung sinabi nung prof. natin sa isang subject na pag nagkatitigan kayo ng taong gusto mo ng 7 or 5 seconds ata yun, may pag-asa ka.

Papatusin ko na rin yan kahit di ko alam kung totoo, para lang malaman kung may pag-asa pa ako sayo. Gusto kasi kita.

1

2

3seconds pa lang inalis mo na yung tingin mo.

Medyo nainis ako. Sana man lang pinaabot mo ng kahit 5 seconds man lang.

Pero kasi nagmamadali ka ng kumopya dahil maya-maya lang ay pwede ng dumating ang prof. natin, kaya balak ko sana i-unconsider yun. Ayokong magkaroon ng bad record yung pinakauna nating nagkatitigan.

Yun din ang unang beses na nakita kitang nakatingin sakin, pero hindi ko lang alam kung tinitingnan ko kaya ako kahit di ako nakatingin?

-----*-----

His Secret LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon