TOS 8

113 38 4
                                    

Aisla's POV

Nagising ako ng biglang tumunog ang cellphone ko kung kaya't sinagot ko naman agad ito, kinusot ko muna ang mata ko bago ako nagsalita.

"Hello" mahinang sabi ko

"Good morning, love" napabangon agad ako ng marinig ko ang tinig ng isang lalaki sa kabilang linya, atsaka ko tiningnan kung sino yung tumatawag, nang makita ko ang pangalan ni Raze ay dali-dali kong kinuha ang ear phone ko sa may drawer ko atsaka ko ito isinuot sa tainga ko.

"G-good morning, b-bakit ka napatawag? may kailangan ka ba?" Kinakabahan kong tanong sa kanya

Bakit naman siya tunatawag ng ganito kaaga? Nakakagulat ah..

"Ikaw" maikling sagot niya, dahilan para kumunot ang aking noo

"H-huh? A-ano?" Utal kong sabi.

"Kailangan kita" malambing niyang sabi sa kabilang linya.

Ahhcck ano ba? Bakit ang aga-aga ng banat, nasa bawat pagbanat niya sa akin kinikilig ako?

Sinampal sampal ko pa ang sarili ko para makasiguradong hindi ako nananaginip, at huwaaah hindi nga ako nananaginip.

"A-ahh hahahaha ang aga aga mo naman bumanat" hininaan ko pa ang boses ko dahil baka marinig ako nila mama, mahirap na baka mapagalitan ako no? Kaya mas mabuti ng nakakasiguro.

"Hahahaha! Anyway papasok ka ba?" Pag-iiba niya ng usapan, siguro nahalata niya na ang aga-aga niyang bumanat.

"Oo" tipid kong sabi.

"Hintayin kita sa may parking lot ah?" Nagulat pa ako dahil sa sinabi niya, ano namang nakain niya at bakit niya ako hihintayin sa may parking lot?

"Ok" sabi ko.

Pagkatapos ng pag-uusap namin ay pinatay ko na ang cellphone ko.

Pinipigilan ko ang kilig ko dahil sa mga banat ni Raze. Ewan ko ba? Sa ilang linggong nakakasama ko siya mas lalo akong nagiging komportable sa kanya.

Malayo palang tanaw na tanaw ko na si Raze sa may parking lot, nakasandal siya sa isang kotse habang pinapaikot ikot niya ang susing hawak niya. Kahit pala sa malayo mo siya tingnan napakagwapo niya, siya yung tipo ng lalaki na kapag tinitigan mo kahit sa malayo palang nagiging slow motion ang mga nasa paligid mo, ang OA pero ganun ang nararamdaman ko sa tuwing tinititigan ko siya, siya yung drugs na kina-aadikan ko pa lalo.

Nang makalapit na ako sa kanya ay dahan dahan naman siyang tumingin sa akin atsaka niya ako nginitian kung kaya't nginitian ko rin siya.

"Uhmm, bakit mo pala ako gustong hintayin dito? Atsaka nasaan sila Law at Jake tsaka si Rynx?" Nagtatakhang tanong ko sa kanya, bahagya naman siyang tumawa dahil sa tanong ko. Minsan gusto kong batukan si Raze kasi sa tuwing seryoso ang tanong ko tinatawanan niya lang ako. Pero pasalamat siya crush ke siya, char hahaha

"Ah sila Law ba? Wala pinauna ko na silang pumasok, gusto ko kasing ma solo kita ayos lang ba?" Sabi niya dahilan para mangunot ang noo ko.

M-masolo? B-bakit niya ako gustong masolo?

Mas lalo pa akong kinabahan dahil inilahad ni Raze sa harapan ko ang kamay niya na tila ba sinasabi niyang hawakan ko iyon.

"T-teka lang R-raze, A-ano kasi eh, A-anong masolo?" Kinakabahang tanong ko.

"Ma-solo, what I mean magkaroon tayo ng time para mag-usap" sabi niya atsaka niya tiningnan ang kanyang relo. "Maaga pa naman" dagdag niya pa.

Tears Of SorrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon