Chapter 20: Adventure Club

414 28 4
                                    

WENDY

"BAKIT ANG dami yata ng gustong sumali sa club natin ngayon? Parang dati hunted music club pa tayo a." Kentonni tossed the application forms over the table and took a seat from the chairs like his energy were drained up.

"Nalaman kasi nila na nandito rin si Skye," sagot naman ni Sophie na nag-iiscroll lang sa kanyang instagram account.

"But they end up not joining at all," dagdag ni Skye.

"Because we have the cursed doll," sabi naman ni Zen habang nagbabasa ng libro at nakapatong ang dalawang paa sa lamesa. I dismissed it from my thought as I divert more careful attention to the paper that I was holding at.

By the way, the music club has been discarded and was renamed as Adventure club.

"Sino musician dito?" tanong ni Kentonni sa group chat namin sa Messenger pero s-in-een lang siya ng lahat.

Gusto ko sanang mag-reply pero ano namang sasabihin ko? Ayokong malaman nilang dati akong tumutugtog ng piano.

"Hoy, Sophie, violinist ka. Ba't ayaw mong mag-reply?" chat ulit ni Kentonni.

"Alam mo naman pala e," sagot naman nito. "Edi hindi ko na meed sumagot."

"Okay, so dahil si Sophie lang ang musician sa 'tin, ididisband ko na ang music club at papalitan ito ng . . ." Nagsend si Kentonni ng mga drums emoji. "Dundundundun."

"Mukha kang tanga, alam mo 'yon?" _Sophie.

Hindi ko lang maintindihan kung bakit si Kentonni ang naging president ng club yamang pinilit lang siya ni Sophie na sumali, 'di ba?

"ADVENTURE CLUB!"

"Adventure?" singit ni Skye. "Why?"

"We're gonna hunt the rubies."

Natigilan ako sa reply ni Kentonni.

Lumipas ang sabado at linggo na sa group chat lang kami nag-uusap. Pinagbabawalan kasi si Sophie na lumabas ng bahay dahil sa samu't-saring krimeng nangyayari sa Ranshin. At dahil wala si Sophie, hindi sasama si Kentonni. Okay lang naman kay Skye na mag-meet up pero tinatamad naman si Zen kaya_ayon.

Ipinaliwanag ni Sophie ang conviction niyang gumanti sa QR, at gano'n din naman ako. Nang malaman ni Zen ang balak namin, agad niya akong pinadalhan ng private message.

"What the hell are you thinking?" —Zen.

Pero iniwan ko lang sa seen ang message niya. Ilang minuto lang lumipas at sunod-sunod ang pagtunog ng messener ko—tinadtad niya na pala ako ng mga messages. Flood messages, kumbaga.

"Hey, why aren't you replying to me?!"

"Ano bang gusto mo sa buhay mo? Maging hain para sa kasiyahan ng QR?"

"I TOLD YOU TO STAY AWAY FROM THEM!"

"FROM DANGER!"

"AND DID YOU JUST CONVINCE SOPHIE TO DO THE SAME?!"

I didn't. Si Sophie mismo ang naggyaya.

"YOUR MOTHER'S DEATH_THERE WAS NO FOUL PLAY! IT WAS JUST AS WHAT EMILY JONES TOLD US."

"STOP STICKING YOUR NOSE TO BUSINESSES THAT AREN'T YOURS!"

"THE COPS ARE ALREADY WORKING ON IT."

"DON'T MEDDLE."

Nang mairita ako dahil sa naka-capslock ang messages niya, na para bang sinisigawan ako, kaagad-agad na akong nagreply.

The Phantom Detective ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon