July 25, 2014

42 3 2
                                    

Dear Diary,

Weekend ngayon, so as usual. Gawain namin pag weekends: Puyatan Game.

Kaso ang wierd niya. Tinanong ko siya kung may naging girlfriend ba siya bago pa maging kami. Kaso hindi siya makaimik.

Silence means yes, diba?

Kaya pinilit ko siyang sabihin yung tungkol sa ex niya. Kaso ang tagal pa bago niya sabihin. Muntik ko pa siya awayin dahil dun. Kasi ang sakit naman dahil itinatago niya lang sakin yun. Pero buti naman sinabi na niya. Kaso hindi niya sinabi yung pangalan ng girl. Pero kinwento niya sakin yung love story nila...

So, heto yung story:

May isang girl na nag-confess sa kanya. At yung girl na yun, crush na niya since Grade 5 sila. Nagulat daw siya kasi hindi niya inaasahan na magco-confess sa kanya yung childhood crush niya.

Tutal mutual feelings na, nagpropose na siya agad. As in agad-agad. Ni hindi man lang niya niligawan yung girl. Baliw talaga si Janssen.

Kaso sabi nung girl kay Janssen, ligawan muna daw niya yung girl. Kasi parang ang bilis naman masyado. Pero ang sabi lang ni Janssen "What's the sense lang ligawan kung doon rin naman hahantong yun diba?"

Kaya sa madaling sabi, naging sila agad. Madalas silang mag-holding hands sa campus. Tapos palagi silang nagsasabihan ng I Love You sa isa't-isa. Pero according kay Janssen, mas maraming I Love You na nasabi yung girl kesa sa kanya. May times pa nga na nagkiss sa kanya yung girl eh. Smack lang at sa pingi nga lang.

One time, nag-invite yung girl sa bahay nila. Kasi Birthday na niya. So syempre invited si Janssen doon. Hindi lang daw yun ang first time na nakapunta si Janssen sa bahay nung girl.

Habang nagkakainan sila, biglang lumapit sa kanya yung mommy nung girl.

"Ikaw ba si Janssen?" Tanong niya rito. Kinabahan daw siya nung mga oras na 'yun. Sabi sa kanya kasi nung girl, hindi raw pwedeng malaman ng parents niya na may boyfriend na siya. Kasi bawal pa talaga siyang magboyfriend. Pero sinuway niya ito dahil sa pagmamahal niya kay Janssen.

"Opo," sagot niya rito na may halong kaba ang nadarama niya.

"Ahh," sabi ng mommy nung girl at umalis na siya sa harap ni Janssen. Akala niya kung ano ang mangyayari sa kanya nung mga oras na yun. Kaya naka hinga siya ng maluwag.

Lumipas ang mga ilang weeks, birthday na ni Janssen. Kaya nagpa-plano na siya kung anong klaseng celebration ang magaganap sa birthday niya. Napagdesisyunan niya nalang na swimming nalang.

At syempre hindi mawawala sa listahan niya yung girlfriend niya. Kaya agad niya itong tinext.

"Babe, malapit na birthday ko! Punta ka ha?"

Kaso ang tagal daw niya nag-reply. Hanggang sa lumipas ang dalawang oras, nagreply na rin yung gurl sa wakas.

"Sorry, may lakad ako eh. Maybe next time?"

Medyo nasaktan daw si Janssen nun. Siya pa naman ang pinaka importanteng bisita niya. Pero pilit niya yun inintindi.

Hanggang sa dumating na ang birthday niya. Malungkot siya nung araw na yun dahil wala ang girlfriend niya. Pero pilit siyang nagpapaka saya. Kumpleto ang mga ka-tropa't mga classmates niya. Yung girlfriend lang talaga ang wala.

Yun na rin ang nagsilbing closing party ng section nila. Kinabukasan kasi, recognition day na nila at wala na silang pasok.

Nanghihinayang siya dahil ang girlfriend lang niya ang kulang sa section nila. At higit sa lahat, maliit nalang ang chance na magkita silang dalawa sa bakasyon dahil malayo ang bahay nila sa isa't-isa. At sa school lang talaga sila nagkikita. Tanging cellphone nalang ang magiging communication nila sa isa't-isa.

Hanggang sa dumating na ang summer vaccation. At dumating din ang araw na nagbago na ang lahat.

Pagtinetext niya, hindi nagrereply. Pag tinatawagan naman niya, hindi sumasagot. Sa Facebook, hindi nago-online. Ganun din sa twitter.

Kaya medyo nasaktan din si Janssen. Sino ba naman ang hindi masasaktan dun diba? Kahit ako, magtatampo ako dun sa girl. Kasi magbo-boyfriend boyfriend siya, hindi niya magseseryoso. Ano bang utak yun?

Hanggang sa natapos na ang summer vaccation na wala silang naging communication sa isa't isa.

Kinabukasan, first day na ng school. Hindi parin niya lubos na maisip kung bakit ganon ang kinikilos ng girlfriend niya. Kaya lakas-loob niya itong i-text ulit. At umaasa siya na magrereply siya.

Janssen: Hi, may gusto sana akong itanong. Pwede ba? Pero wag kang magagalit ha?

Lumipas ang 30mins. at nakatanggap siya ng text message.

At laking tuwa niya dahil galing ito sa pinaka mamahal niyang girlfriend.

Girl: Sure. What is it?
Janssen: Wag ka sanang magagalit. Pero tayo parin ba?
Girl: Basahin mo nalang yung mga tweets ko.

Nagtaka siya kung bakit gusto niyang ipabasa sa kanya yung mga tweets niya. Hindi na siya nagdalawang isip at pumunta siya sa account nung girl.

"Sana hindi nalang kita pinakawalan."

"Yung tipong nasa akin na, binitawan ko pa."

"I'm so stupid."

"Nakakarelate talaga yung Let Me Go ni Avril Lavigne."

"You belong with me."

"Now Listening: The Story of Us (Taylor Swift)"

At kung anu-ano pang mga tweets na nakita niya na iisa lang naman ang pinupunto. Hindi niya alam kung anong nangyayari. Hindi parin ma-sink in sa utak niya na hindi na pala sila. Nasaktan niya ng husto.

Grabe pala dearest diary no? Mas masaklap pa pala sakin yung nangyari sa kanya. Sakin kasi, na-friendzoned lang ako. Sila, hindi niya alam na matagal na pala siyang pinakawalan ng girlfriend niya.

Siguro yun din ang way para magkakilala kami diba? Kung hindi siya iniwan ng ex niya, malamang hindi magiging kami diba? Kasi sila parin siguro hanggang ngayon. Serendipity kung baga.

Pero kahit masaklap ang nangyari sa kanya sa nakaraan, andito ako para ibigay sa kanya ang love na hindi naibigay sa kanya ng ex niya. Kung sino man siya. Okay. Ang korny ko. Sige na. Inaantok na ako dearest diary. Good Nightyy!

Aaliyah

Never said YES to Mr. RightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon