Simula na ng first class namin, CommunicationTheory. "Good morning class!" Our instructor greeted us.
Ms. Esperanza Domingo is our Communication Theory teacher slash class adviser. "Good morning Ms. Sunday." We greeted in chorus.
"Alam nyo naman siguro na papalapit na ang foundation day ng University tama ba?" Tanong ni Ms. Sunday dahilan kung bakit naghiyawan ang iba naming mga kaklase.
Nakaupo kami ni Mapple sa pinakadulong part ng classroom, mas madali daw magkopyahan dito. But for me mas better umupo dito kasi tanaw na tanaw ang lounge mula sa aking kinauupoan.
Our classroom window is huge, ceiling to floor height. Kaya ang sarap magmuni muni at tumingin sa labas. Green scenery and blue sky.
"So class sino kaya ang pwedeng maging reperesentative natin for Ms. MU?" Tanong ulit samin ni Ms. Sunday.
"Ma'am!" Isa sa aming mga kaklaseng lalaki ang nagsalita.
"Yes Mr. Torres?" Tawag niya kay Kiro.
"Ma'am, I volunteer Mapple and Julia." Natatawang sabi ni Kiro na nakaupo lang sa aking harap. Napailing na lamang ako at kitang kitang natatawa din si Mapple.
"Ms. Sunday!" Si Mapple.
"Yes Ms. Jimenez." Si Ms. Sunday
"Miss if I'm not mistaken po, the Pageant will be on June 15 right?" Tanong ni Mapple at tumango si Ms. Sunday.
June 15? That's...
"Yes Ms. Jimenez, why?"
"I'm assigned po to be the University DJ the entire week of our foundation celebration. Nakapag commit na po ako kay Ali." Sagot ni Mapple at napansin ko pa ang pilyang ngiti sa kanyang mga labi habang sumusulyap sa akin.
"Eh di si Julia na lang." Sinipa ko ang upoan ni Kiro because he keep on insisting na ako na lang daw. Bwisit na lalaki to.
"Oo nga po Ma'am tapos si Kiro Mr. McKinley." Natatawang sabi ni Mapple at nakita ko ang mabilis na pag iling ni Kiro.
Hindi ko na napigilan ang pagtaas ng kamay ko. "Yes Ms. Clemente."
"Miss Sunday kami na lang po ni Kiro." Sabi ko at halata ang pamumula sa mga tenga ng walang hiyang lalaking to.
"Oh ano ka ngayon Ki?" Pang aasar ni Mapple
Nilingon kami ni Kiro, mas lalo nanliit ang mga chinitong mata nito. Halata ang pamumula dahil sa mestizong kulay nya.
"OK lang." sagot ni Kiro
"Well, it's settled Ms. Clemente and Mr. Torres will represent our class." Sabay hiyawan ng mga kaklase namin.
Siniko pa ko ni Mapple habang may mga nang aasar na ngiti. "Aayiieee."
"Alam mo Mapple nakakarami ka na ng paniniko. Malapit ka na sakin." Sabi ko sa kanya.
"Ay talaga ba? Sorry." Tumatawa sya habang sinasabi iyon.
Kinalabit ko ang biglang nanahimik na si Kiro. "Hoy! Ano masaya ka na? Partner mo crush mo." Panunukso ko sa kanya.
Nilingon nya ako, "baka ikaw ang masaya at partner mo ang pinakamagaling na soccer player ng university."
"Excuse me lang Kiro ah, nakalimutan mo ata kung sino ang pinakamagaling na spiker ng university na to." Sagot ko.
"Oh tama na yan. The more you hate, the more you love." Si Mapple
Kahit noong mga bata palang kami ni Kiro lagi na kaming nag aasaran, parang mga aso't pusa pero we don't hate each other.
YOU ARE READING
Through Wattpad: Frustration
RomanceNakakalungkot pag umaasa tayo na magkakatuloyan yung mga taong gusto natin pero sa huli hindi pala. Isang istorya lamang ito pero para kay Julia it's more than that, napaka unfair. Hindi niya control ang istoryang binabasa dahil iba ang iniisip ng...