You Belong With Me [Chapter 16: Cry Me a River]

2.1K 23 9
                                    

Cyrus' POV


Nandito kami ngayon sa isang beach resort na pagmamay-ari ng boss ng Mama ko. Sinama ko si Nadine kasi medyo nagkakalabuan na kami. Gusto ko talagang malayo siya sa Henry na yun. Hanggang ngayon hindi niya pa rin na alam ko na. Naiinis na nga ako minsan. Parang gusto ko nang i-give up yung nararamdaman ko para sa kanya. Minsan kasi may nababasa ako sa inbox niya pati sa mga sent items. Hindi ko talaga lubos akalain na magiging ganyan siya. Pero katulad nga ng sinabi ko kay Sabine dati kahit ganyan pa ang ugali niya ay mahal na mahal ko talaga si Nadine.

Hindi na rin kami masyadong nag-uusap ni Sab. Busy kasi ako kay Nadine. Sorry naman. Alam ko namang naiintindihan ako ni Sab. Best friend ko kaya yan. Tapos nakita ko sila ni Jas na parang wala sa mga sarili na. Ano namang kayang ginagawa nila? Niyaya ko si Nadine na pumunta doon. Pumayag naman siya.

Papalapit na kami sa lugar nila Sab ng biglang may dumaang lalaki. Ang bilis nga ng takbo. Baka tinatawag ng kalikasan. Haha!

"Oi, Sab. Anong ginagawa niyo?" Tanong ko sa kanila.

"Naghahanap ng pag-ibig." Hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Jas. Si Sab? Maghahanap ng pag-ibig? Hindi ako makapaniwala. Tapos yung itsura pa ni Sab parang nahihiya. Uulitin ko ulit na hindi ako makapaniwala. Hindi naman ganyang tao si Sab. Bakit naman siya maghahanap? Talaga itong si Jasmine kung anu-ano ang ginagawa kaya nadadamay si Sab.

"Really? Nakakatuwa naman yang pastime niyo?"

"Gusto mong sumali?" Napatahimik ako kasi parang nag-iba yung itsura ni Nadine. 

"Alis na kami." Tapos umalis na din sila. Bakit ganoon? Parang nagrarambol na naman yung mga feelings sa loob ng puso ko. Hindi lang talaga ako mapakali. Hindi ko na talaga alam.

Mga ilang oras na din ang nakalipas. Pinatawag kami ni Mama kasi ipapakilala kami doon sa boss niya. Nauna na si Nadine sa kwarto niya kasi mag-aayos pa daw siya. Ako din pumunta na sa kwarto ko para maligo at magbihis. After kong mag-ayos ay pumunta naman ako sa room ni Nadine para sunduin siya kaya lang laking gulat ko...

"Henry!" Tapos niyakap niya. P0ta! Andito ako! "OMG. I missed you so much!" Shit.

"Hey, anong ginagawa mo dito?" Kasama niya lang namang ang boyfriend niya. "I missed you too!" tapos kiniss niya yung forehead ni Nadine. Wow. Parang gusto kong magwala sa mga oras na ito. Gusto kong pumatay.

"Kasama ko yung Mom and Dad ko. Family outing." HUH? At ako yung Dad mo? Tae. Harap-harapan na ito.

"Okay. Can I see them? Para mapakilala mo na ako."

You Belong With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon