Kate's POV
"Mahal!" tawag sakin ni Mahal habang ginigising nya ako.
May hangover pa nga ako eh
Ilang saglit lang nagising na din ako. Bumungad agad sakin ang gwapong lalake sa harapan ko ngayon.
"Mahal gising na malalate na tayo sa school"
"Ang aga aga pa" sabi ko. Eh anong oras na ba?
"Anong maaga pa? 6:30 na kaya!"
Omyghhaad!! Malalate na kami 7:00 kasi ang pasok namin
Agad agad akong kumilos.
"Iba talaga ang nagagawa pag' inlove." sabi niya. Binalingan ko sya ng tingin at ayun nakangisi.
Naku! Kung hindi ko lang siya mahal sinapak ko na itong lalakeng ito."Tsk! Tumigil ka nga!" sabi ko at umalis na sa harapan ko.
***
Magkahawak kamay kaming naglakad dito sa school.
''Oh how sweet?"
"Sila na ba?"
"Bakit magkahawak sila ng kamay?"
"Ohmyghhaaad! Kayver! Kayver Couple!"
"I ship them"
Naririnig ko yung mga bulungan ng schoolmate namin.
Habang wala pa yung teacher namin nagikot ikot muna kami. Nilibot namin ang buong school.
"Rayver?"
Lumingon kami sa nagsalita.
Isang babae na hindi ko kilala. Actually, maganda siya maputi, makinis.
Tiningnan ko si Rayver halatang gulat na gulat. "Louise?"
"Oo ako nga. Kamusta na?"
OMYG! Kilala niya ang babae. Paano sila nagkakilala? Wala naman siyang nababangit sakin na may pangalang Louise ah.
Oh baka ex niya si Louise? Bakit hindi niya nakwento sakin si Louise? Nakakainis naman! Ang dami naming pinagsamahan naging magbestfriend kami tapos hindi niya nabanggit sakin yung babaeng yan?
Binalingan ko sila ng tingin. Mukhang mahaba ang pag-uusap nila ah, mukhang out of place din ako sa kanila. Eh sa hini ko naman alam ang pinag-uusapan nila ah! Hssst makaalis na nga dito.
Kate! Mukha namang miss na miss nila ang isa't-isa eh.
Baka nga. Baka nga may past sila.
Akala ko ako yung naging first girlfriend nya meron pa pala. Tsk!
Bahala siya!
"Kate!"
Hindi ko siya pinansin.
"Kate!"
Hindi ko ulit siya pinansin.
"Kate pansinin mo naman ako!" sabi niya. Pinansin ko naman siya.
"Umamin ka nga Rayver? Ex mo ba yun?"
"Anong ex pinagsasabi mo dyan? Hindi ko yun ex? Okay?"
"Kung hindi mo ex ano mo yun? Babae mo? Tsk!"
"Mahal naman! Wala ka bang tiwala sa boyfriend mo? Louise she's my--"
"She's my ano?! Huh?!"
"She's my cousin." sabi niya. Ohmy! Pahiya ako dun ah! Nakakainis naman! Ikaw kasi Kate! Masyadong selosa! Yan tuloy!
"Don't tell me nagseselos ka?" ngising tanong niya.
"Hindi ah!" depensa ko.
"Anong hindi? Halata naman sa itsura mo eh. Alam mo mahal kahit mag-deny ka pa, alam ko na nagseselos ka at saka Mahal bawas bawasan mo yung pagseselos mo kasi alam mo naman na ikaw yung first love ko, first kiss, first hug. Kaya please sana magkaroon ka ng tiwala sakin. Promise ko sayo na never akong mambababae." dahil sa sinabi nya niyakap ko sya. Siguro tama siya. Kailangan magkaroon din ako ng trust sa kanya kasi kung hindi ko pagkakatiwalaan, maaaring ito ang ikasira ng relationship naming dalawa.
"I love you Mahal." bulong niya.
"I love you too, Mahal." bulong ko. Omyghaad! I love him so much.
Ito pala ang feeling pag' nainlove.
******************************
BINABASA MO ANG
I Love you, Bestfriend [Ongoing series]
HumorSimula bata magkaibigan na sila. Ngayon, ano kaya ang mangyayari? Magiging sila kaya?