[ONE SHOT STORY]

10 3 1
                                    

"It's camping day!! Ilang buwan ng bakasyon at buti nalang naisipan nyong magpacamping ngayon. Anyway san ba place natin?" Bungad ng napakadaldal na si rica.
"Saan ba mas legit na campingan? What if try kaya natin magcamping dun sa sikat na mansion?" Ang offer ni faith.
"Rare mansion na yun, halatang nakakatakot. Unti na lang naman pumapasyal dun eh kasi laos na yun" Sagot ni rica.
"Uhmm, wala namang masama ah? Susubukan lang namin natin para may experiences tayo dun, staka three days camp lang naman eh" Singit ni sunshine.
"Oo nga, dun nalang tayo. I think mas malapit na campingan na yun eh para atleast makagala tayo" Ang pagsasangayon ni hannah.

Nagdesisyon ang apat na babae na tumungo sa mansion del paliña kahit na sa loob-loob ni rica ay hindi sya nagiging comportable sa kanilang desisyon ngunit tumuloy pa rin sila. Isang bus lang ang sinakyan nila at agad na nakarating sa nasabing mansion, grabe na ang kalumaan nito, punong-puno na nang mga lumot at mga dahon ang nasa harapang bahagi ng mansion, napakadumi tignan at napupuno ito ng mga kadena na hindi nila alam kung bakit. Kahit may kalumaan na ang mansion nagmumukha pa rin itong maganda dahil maayos pa itong nakatindig sa lupang kinauupahan, matitibay pa ang mga parte ng mansion at parang alagado pa rin ito.
 
Pumasok ang apat na babae sa loob, maganda pa rin ito. Maayos pa ang mga hagdan at meron pa rin namang kwarto na pwedeng katutulugan. Napalaki nito at halos masisira ang mata mo kapag titignan mo ang buong paligid.

"Woww, ang ganda talaga dito noh. Maayos parin tapos maastig" Unang nagsalita si hannah.
"Napakalaki, buhay parin ang chandelier na nandito noong sinauna pa" sunshine.
"May kalumaan na pero maganda pa rin, nangangalawang na yung iba pero sobrang astig parin" faith.
Hindi na comportable ang nararamdaman ni rica, hindi nya malaman kung bakit pero iba na talaga ang nararamdaman nya sa mga oras na yun.
"Guys, pumasok na tayo sa kwarto para mailagay na natin yung mga gamit natin....." ang palusot ni rica.
Tumuloy sila sa kwarto at kanya-kanyang iniayos ang mga gamit nila at nahiga sa iisang napakaling kama na naroon, maayos pa naman ito, malinis pa ang bedsheet at mga punda ng unan.
"Hayst, nakakapagod. Buti nalang nandito ako sa mansion na napakaganda" Sunshine.
"Four fifthy na pala, ano bang magandang kainin sa mga baon natin?" Tanong ni faith ng makadama ng gutom.
"Yung choco chips na malaki yung baon natin" offer ni sunshine.
Binuksan ni faith ang chips na malaki at pinaghatian nila itong apat. Sanay naman silang hindi kumakain ng kanin dahil puro diet.
Ilang oras na silang kumakain at bigla silang nakarinig ng ingay sa labas, tiningnan nila ito at laking gulat nila ng makitang kusang nagsasara ang gate sa labas at unti-unting sumasarado ang mga nangangalawang na mga kadena na nakita nila kanina pagpasok.
"Anong nangyayari!?" Napasigaw na tanong ni rica.
"Lumabas tayo!! Tiningnan natin sa labas!!" Sagot ni hannah.
Tatangkain na sana nilang lumabas kaso hindi na mabuksan ang pinto ng mansion.
"Dun sa likod! May backdoor dun!" Sigaw ni rica, at tumungo silang apat sa backdoor.
"Sarado!! I-check nyo pa yung ibang pinto!" Nalilito nang sabi ni rica at paturo-turo kung saan. Tama ang nasa loob ni rica na kanina nya pa iniisip, may mga hindi syang magandang nararamdaman sa lugar na iyon. At ito tama na ang nasa kutob nya na paglalaruan sila dito sa mansion.
"Sarado lahat ng pinto!" Sigaw ni sunshine.
"Anong nangyayari! Bakit nagkakaganito!"
Sumasabay ang ingay nilang apat sa ingay na nangyayari sa labas. Nagsimula nang gumalaw ang mga gamit sa loob ng mansion, pati ang mga upuan na kanina lang ay maayos na maayos.
"Anong nangyayari!!!!!" Sigaw ulit ni hannah.
"Ginambala natin sila!!" Sagot ni rica.
"Sinong sila rica! Anong pinagsasabi mo! May kinalaman ka dito ano!!?" Si faith.
"Yung mga may ari ng mansion na 'to! Kanina pa ako May kutob na may mali sa mansion na 'to!" Si rica.
"Magsalita kana rica! May kinalaman ka sa nangyayari ano!!?" Si faith.
"Wala akong alam sa sinasabi mo faith! In the first place hindi ako ang nag-offer ng desisyon na pumunta dito! Wag mokong sisisihin faith!!" Galit na sagot ni rica.
"Tama na! Wag na kayong magaway! Ang problema natin dito ay paano tayo makakalabas!" Pagpapatigil ni sunshine.

Palakas ng palakas ang ingay at pagdadabog sa loob ng mansion dahil ito sa mga upuan at mga gamit na nagsisigalawan lang ng kusa.

"Waaaaahhh!!" Sigaw ni hannah nang biglang may sumakal sa leeg nya.
"Arayyyyyy!!!" Sigaw naman ni sunshine nang may mga pumupulupot na kadena sakanya.
"Ricaa...,anong nangyayari sakanila.." mangiyak-ngiyak na sabi ni faith.
"Hi-hindi ko alam faith..." nagsisimula nang magdilim ang loob ng mansion at napapansin ni rica na dumadami ang kadenang bumabalot sakanila.

"Aaaaaaaaaahhhhhhhh!!!" Huling sigaw na narinig sa loob ng mansion.

"Hmmm, rolly dumami yata yung kadena dito sa mansion? Staka bakit may mga gamit pa dito?" Banggit ng taga-linis ng mansion kada-sabado.
"Hindi ko alam, halika na umuwi na tayo tapos naman natin malinis ang lahat" Sagot ng kasama nya.

Ang apat na magagandang babae na sana ay may three days camp ay ngayon isa nang kadena at parte narin ng mansion.

-The end.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 08, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

CHAINS AROUND US. [ONE SHOT STORY]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon