Ligaw
© sleeplessguy
-----------------
May mga panahong gusto ko ng mamatay. Nakakatawa na kasisimula palang ng kwentong ito ay gusto na agad mamatay ng bida. Ngunit. Ako nga ba talaga ang bida dito? Masasabi mo bang isang bida ang taong siya ding sanhi ng pagkasira ng kanyang masaya sanang buhay?
Sobra sobrang nagsisisi ako sa nagawa ko. Gusto ko ng lamunin ng impyerno ang aking kaluluwa upang mapanagutan ang kasalanang nagawa ko sa taong mahal na mahal ko. Ngunit alam ko, hindi pa rin ito sapat. Kahit na mamatay pa ako ngayon ay hindi na siyang mabubuhay pang muli.
Kahit na sabihin pa ng mga magulang ko na aksidente lang ang lahat. Alam ko na may mali ako. Alam ko na may kasalanan ako at sigurado ako na ako ang may dahilan kung bakit siya nawala sa piling ko.
Tiningnan ko ang isang bilog na bagay na hawak hawak ng aking kanang kamay. Tila nawalan na ito kinang. Sabagay, wala na rin naman itong silbi. Aanhin ko pa ang singsing na ito kung wala na rin naman ang taong dapat ko nitong pagbibigyan. Para saan pa na nabubuhay ako kung wala na siya. Wala na ang mahal ko.
Ilang buwan na ang lumipas simula nung nangyari ang trahedya na iyon. Hindi ito mawala wala sa isip ko at patuloy pa rin itong nagbibigay sa akin ng labis labis na sakit at takot. Nagsisisi ako. Nanghihinayang ako. Hindi ko inakala na sa simpleng pagsasaya ko noong panahong iyon ay ito pala ang ikadadahilan ng kanyang pagkawala.
Lunes ng hapon nang mangyari ang lahat. Ito na ata ang pinakamasayang pangyayari dapat sa buhay ko. Kung kailan yayayain ko ng magpakasal ang matagal ko ng kasintahan na si Thea kasabay ng pagsalubong namin sa bagong taon.
Nasa loob ako ng aking kwarto at nakaupo sa aking kama. Nakangiti habang pinagmamasdan ang singsing na matagal tagal ko ring pinag-ipunan. Akala ko pa nga ay hindi ako makakaabot bago magbagong taon. Ilang dates na rin namin ng girl friend ko ang isinakripisyo ko. Kung ano-anong dahilan na ang sinabi ko sa kanya para lang mapag-ipunan ko ito. Nakakakonsensya nga na nakakapagsinungaling ako sa kanya. May mga pagkakataon na gustong gusto ko ng sabihin sa kanya na yayayain ko na siyang magpakasal pero pinipigilan ko ang aking sarili dahil hindi na ito magiging surpresa.
Pero may isang beses na hindi ko na talaga nakaya at pabiro kong sinabi. "Thea. Pakasal na tayo." Hindi siya sumagot bagkus ay hinampas niya ako. Ngunit, hindi lumusot sa aking paningin ang kanyang pagpipigil sa pagngiti at ang pamumula ng kanyang mga pisngi. Napangiti naman ako sa aking nakita at nasabi sa sariling "May pag-asa ako."
Dahil nga sa dumalang na ang aming paglabas, dito ko rin talaga napatunayan na mahal na mahal niya ako. Hindi niya ako pinagpalit at iniwan. Na hindi lamang pera at mararangyang lakad ang habol sa akin ni Thea. At masasabi ko talaga na 'Siya na talaga ang babaeng gusto kong makasama habangbuhay'.
Syempre, hindi nawala yung mga pagkakataon na nagtatampo na siya sa kin. Na nagtataka na siya kung bakit hindi na kami masyadong lumalabas. Ang tangi ko nalang sinasabi.
"Thea. Ayoko na kitang ilabas dahil sa tuwing nagde-date tayo palagi kong napapansin na maraming lalaking tumitingin sayo. Gusto ko akin ka lang. At syempre sa iyo lang ako."
Sh*t lang! Lumalabas ang pagkacorny ko. Pero ayos lang siguro. Wala namang masama sa pagiging corny. At hindi rin naman masamang magmahal.
"Jeric! Tara paputok tayo sa labas! Ang daming binili ni Tito!" Narinig kong sigaw ng pinsan kong lalaki sa labas ng aking pinto.
Nagsuot muna ako ng sando at tiningnan ang oras bago lumabas. Maaga pa naman. Mamaya pa darating si Thea. Inilagay ko ang singsing sa kanyang kahon at itinago sa aking kabinet. Pagkatapos ay lumabas na ako ng kwarto.
BINABASA MO ANG
Ligaw (short story) **FINISHED
Short Story(THIS IS NOT A HORROR STORY! WTF! HAHAHA) May mga panahong gusto ko ng mamatay. Nakakatawa na kasisimula palang ng kwentong ito ay gusto na agad mamatay ng bida. Ngunit. Ako nga ba talaga ang bida dito? Masasabi mo bang isang bida ang taong siya din...