MAMA
Apat na letra
Isang salita
Higit sa isang salita
Ang lumalabas sa kanyang bungangaRapper sa ating isipan
Granada naman pag tayo'y pinagalitan
Hanger,sinturon,walis tambo
Pag ito'y nakita maghanda kana sa pagtakboMatapang na Tigre 'pag sa daan lumaban
Kuting naman 'pag si mama ang kalaban
Wag gumawa nang hindi nya magugustuhan
Kung ayaw mong matulog sa labas ng inyong tahananSinubaybayan ka simula pagkabata
Hanggang sa mapukpok ang sarili ng lata
Binihisan,pinakain,inalagaan
Pero ni minsan ang kaniyang kalooban ba'y iyong pinagaan?Nagagalit tayo pag nasasabihan
Na iyong bang pinagsisihan?
Hindi magawa ang kaniyang sinasabi
Dahil ayaw mo ang lumalabas sa kanyang labiNakita mo na ba syang sinukuan ka?
Habang ikaw kulang nalang ay masuka
Naramdam mo ba ang pagmamahal nya?
Kung hindi isa kang manhid na tangaBuksan mo ang iyong mata
Wag kang magbulag-bulagan bata
'Di man masabi ngunit mahalaga ka sakanya
Ngunit nakikita mo din ba ang kahalagahan nya?Lahat ng kanyang ginagawa ay para sayo din
Kaya wag kang masyadong madamdamin
Anak ka nya at ina mo sya
Walang magbabago kahit anong gawin mong pagpapasyaSulitin ang oras habang sya'y nasa iyong tabi
Dahil masakit makitang umiiyak ka sakanyang labi
Hindi sya magtatagal sa buhay mo
Ngunit sya'y mananatili sa iyong pusoPasayahin mo sya habang may oras ka pa
Malay mo ito na ang inyong huling pagkikita
Ipakita at iparamdam mong mahal mo sya
'Pag di mo nagawa wala kang magagawa kundi makonsesyaSpecial man ang oraw o hindi
Wala namang oras ang pagintindi
Gawin ang lahat ng iyong makakaya para sakanya
At tandaan mahal na mahal kanyaMama
Written by:©R_areourhourRI dedicate this to all mothers out there❣️