Chapter 11

44 0 0
                                    

Pumunta ako sa isang bar sa di kalayuan.

Pagkapasok ko, bumili kaagad ako ng beer. Nilagok ko iyon kasabay ng pag iyak ko na di ko kayang pigilan sa ngayon.

"K-Kashley ang tanga tanga mo..tignan mo ngayon nasasaktan ka! hahaha! ang akala mo kasi gay! nagdadrama ka kasi di kayo pwede! pero see? di iyun yung pinoproblema mo ngayon! yung pagiging straight na lalaki na nya ang problema mo at nagmamahal na sya ngayon nang ibang babae!"

Inubos ko ang isang baso ng alak. Pinipigilan ako ng isang lalaking di ko masyadong makita ang mukha dahil sa patuloy na pag agos ng luha ko. I guess yung bartender to.

"mam... tama na po, andami nyo nang nainom na alak."

"kuya baaaarteeendeeer!! ayosh lang akoooo!!! *hik* bigyan mo pa ako ng isang cashe! hahahaha! b-brokenhearted lang ang pusho ko kaya ako g-ganto!"

"pero mam...."

"pleeeeeash??????"

"hays."

Naramdaman ko na kumuha na sya ng isa pang case ng beer. Ayos yun! Magpapakalunod ako ngayon! Hahaha!

"mam, eto na po. kung may problema kayo wag nyo pong dadaanin sa maraming beer."

"ayaw mo nun! marami kita nyo! hahaha!!!"

"may number po kayo ng kakilala nyo mam?"

"Kakiyaya? Hmm.. s-shi Sean!!! Yung manhid!!!! Hahaha! 09486****** pakishabi mahal na mahaaaaaaaaal ko shaaaaa!!!"

"Okay mam. Ipapasundo ko na kayo. Baka kasi maging dalahin pa ng bar kapag naaksidente kayo bigla."

"Ang baaaaaaiiiit mo namaaaan manong bartender!!! *hik* peroooo bakaaaa di makapunta yun! kashama kasi yung mahaaal nyaaa! hahaha!"

SEAN's POV

Bigla akong nakapag I love you too kay Mia dahil sa mga nakita ko kanina na ginawa nila Zed at Kashley.

Di ko alam pero parang may kakaiba akong naramdaman at nadala ako ng emosyon ko.

Ngayon, di ko mabawi bawi kay Mia ang lahat ng nasabi ko sa kadahilanang baka masaktan ko ang damdamin nya.

The Great Beki Is Inlove With Me?! •﹏•Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon