Way back, when I was reminiscing the past. Naisip ko nalang na ang tapang ko pala.
It's like I can give anything or everything pa nga ata.
Lahat ng oras ko, ng panahon, pag-intindi, pagmamahal at pati na rin buong puso ko. 'Yung tipong wala ng halos matira sa'yo kasi tiwala ka taong alam mong minamahal ka at mamahalin pa ng bukod sa inaakala mo.
Well, all is good then. Matibay ang puso kasi nagmamahal. Ang saya lang isipin na noon, kaya ko palang bitawan ang halos lahat para lang sa pagmamahal.
Kaya ko palang ipaglaban kung anong meron ako at alam ko kung anong lugar ko sa buhay ng isang tao. 'Yung expectations ko, hindi na matatawag na expectations eh. Why? kasi totoo eh. Its so pure, so real. And sometimes, its so surreal.
Its so surreal na akala mo hindi mo makakaya lahat ng odds na against sa'yo/inyo. But that was all in the past.
Because of a decision. Not just to end but to grow. Not to hurt but to go on.
Kasi dahil sa sobrang pagmamahal, madalas nakakasakal. Madalas, nagkakasakitan. Hanggang sa dumating sa pagkakataong hindi na magkaintindihan.
'Yung ang gulo na ng lahat. 'Yung kahit isipin mo pang ituloy, mararamdaman mo nalang na parang hindi ka na buo, may kulang, may gusto ka pang maintindihan, may dapat malaman.
Nang dahil pala sa pagiging matapang at mapagmahal, nakalimutan ko na rin palang magbaling ng konting halaga sa nararamdaman ko.
Akala ko kasi noon, sapat na 'yung kasi gusto niya. Kasi makakabuti sa kanya. Kasi katabalikat nun, katauhan ko na. Hindi pala.
Sa huli, narealize ko na parang sa kanya nalang. Oo, may term na "kami" o "sa amin", pero nakakalimutan ko na pala 'yung para "sa akin".
Unti-unti. Dahan-dahan. Kahit ayoko pang bumitaw, naiisip ko nalang na, "Ikaw naman, sarili mo naman ang mahalin at pahalagahan mo.
Kasi hindi sa lahay ng pagkakataon, kayong dalawa lang, na siya lang. Kasi merong "ikaw" sa inyong dalawa.
Doon ko naramdaman na nawawala na pala 'yung "ako".
'Yung taong inuunang isipin 'yung iba kaysa sa sarili ko. 'Yun, lahat 'yun nawala.
Naging kulang na 'yung "ako" para sa sarili ko..
Pagkatapos ng mga nangyari, eto naman ako ngayon.
Masaya. Masaya sa pagiging ako. May malaking pagbabago.
Kasi ngayon, kaya ko nang ako lang..
Pero, takot na ako.
Natatakot na akong masaktan ulit. Natatakot ng maging matapang,
Para sa iba..
Darating pa kaya?
BINABASA MO ANG
Sa likod ng "What if?"
RomanceSa buhay, laging may pagpipilian. Laging may options. Its either to move forward or to simply stay. There's always an option, in all things. May mas matimbang, meron rin namang mas lamang. Kadalasan pa nga, mas kailangan at pwede ring mas mahal. Wha...