Panimula

12 1 1
                                    

     Dito sa Barangay Siniestro ay mayroong lumang kwento, galing pa sa mga lolo ng mga lolo, sinasabing dati raw kampo ng mga hapon noong panahon ng digmaan ang aming barangay. Sabi-sabi rin na ang likod ng paaralan ay dating tinatayuan ng isang malaking bahay, ang bahay na iyon ay ang lugar kung saan ikinukulong ang mga bihag na pilipino, dito rin isinasagawa ng mga hapon ang pagpaslang at panghahalay sa mga kababaihan noon.

Ayon sa kwento ni Tata Agapito, ang pinaka matanda na naninirahan sa barangay. Nasaksihan mismo ng mga mata nito kung paano lapastanganin ng mga sundalong hapon ang mga kababaihan, at kung paano nila abusuhin ito sa harap mismo ng kanilang mga kasintahan.

Sa ilang araw na pagpapahirap at pang-aabuso sa mga bihag ay walang habag na pinapatay at tinatapon nalamang sa isang malalim na hukay ang mga katawan, at ito ngayon ang kinatitirikan ng aming paaralan.

SiniestroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon