"Aray ko naman!" Napahawak ako sa noo ko pagtapos ako pitikin ni Gwyneth. Tinignan ko siya ng masama habang hinihimas ang noo ko. Nagusap kasi kami na pipitikin sa noo ang matatalo bilang parusa sa nilalaro naming mobile game. Eh napakalakas ng pitik niya!
"Mahina pa nga 'yon eh!" Sabat niya.
"Sisigaw ba ako kung mahina? Hay! Ayaw ko na tama na. Nasaan na ba kasi itong si Rosalie ang tagal tag—" Nahinto ako sa sinasabi ko nung may nagtakip sa mata ko.
"Surprise!!" Paglingon ko si Rosalie nga yung nagtakip sa mata ko at ang laki-laki pa ng ngiti sa akin. Kanina pa namin siya hinihintay at sa sobrang tagal niya napitik pa tuloy ako. "Sorry hehe traffic eh. Tara na!"
Tumayo na kami atsaka naglakad papunta sa sasakyan naming bus. Papunta kami ngayon sa probinsya nila Gwyneth dahil birthday ng kuya niya. Naisip lang namin ni Rosalie sumama para makapag-beach kami sakanila since summer vacation namin ngayon at atat na atat na kaming lumusong sa dagat. Magccommute lang kaming tatlo dahil si Gwyneth pa lang ang marunong samin mag drive pero takot pa kami na kaming tatlo lang at medyo malayo ang pupuntahan kaya sasakay na lang kami sa bus.
Nakaupo na kaming tatlo pero dahil dalawahan lang ang upuan sa bus, may isang mapalad na mahihiwalay at ako iyon. Nagbunutan na kaming tatlo kahapon pa at kahit kailan wala na talagang kaswerte-swerte sa buong pagkatao ko. Kahit nga window seat hindi ko 'man lang nakuha! May naunang lalaki sa tabi ko tsss. Sinuot ko na lang earphones ko at naghanap ng mapapanood sa Netflix. Ngunit paglipas siguro ng 20 minutes nakatanggap ako ng text galing kay Rosalie.
Rosie:
'pssst Ayen yung katabi mo ang bango sobra kanina pa namin naaamoy. feel ko hottie yan nakita mo na ba itsura?'Napalingon ako bigla sa likod ko nang mabasa ko ang text ni Rosalie, nasa likod ko lang kasi silang dalawa nakaupo. Tinignan ko sila na parang binabalaan na huwag gumawa ng kahit anong kahihiyan na naman. Tinawanan lang nila ako. Napailing na lang ako at inayos ang upo ko. Pero tama nga naman sila, ang bango niya nga. Ngayon ko lang naamoy yung ganitong scent. Ano kayang gamit niya? Parang gusto mo na lang siya yakapin bigla dahil sa amoy niya pero siyempre hindi ko gagawin iyon. Tinitignan ko lang siya sa peripheral vision ko dahil ayaw ko naman sumulyap. Nakahoodie siya na black at kanina pa siya nakaharap lang sa bintana kaya hindi ko makita ang itsura niya. Tulog siguro siya. Kaya pumikit na lang din ako para matulog nung umandar na ang sinasakyan naming bus.
*ringggg*
Napadilat agad ako dahil sa ingay na narinig ko. Hinanap ko kung saan galing yung tunog at nakita ko na galing iyon sa cellphone ng katabi ko. Inend niya agad yung tumatawag sa kanya at binalik iyon sa bulsa niya. Hindi ko namalayan na nakatingin pa rin pala ako sakanya kaya nagulat ako nang bigla siyang tumingin sakin. Napaiwas agad ako dahil nakakatakot siya tumingin. Parang kakainin niya ako ng buhay! Inis na inis yung ekspresyon niya sa mukha niya. Ang sungit naman nito ano ba ginawa ko sakanya? Tss tinignan lang saglit eh sino bang hindi mapapatingin kapag may tumawag na ang lakas lakas ng ringtone? Duh!
Iyon na nga ang huling interaction naming dalawa at ginawa ko talaga lahat ng makakaya ko para hindi na siya tignan. Baka mag feeling eh. Atsaka nakakatakot siya tumingin parang mapapatay ako gamit lang ang tingin niya. Kaya natulog na lang ako buong magdamag. Gumigising lang ako para kumain ng chips at matutulog na uli.
Lumipas ang ilang oras at dumating na kami sa aming destinasyon. Nang makababa kami napansin ko na may kasama rin pala na dalawang lalaki yung katabi ko. Napangiti ako ng bahagya dahil parehas pala kaming malas na nahiwalay sa mga kasama namin dahil dalawahan lang ang upuan ng bus.
BINABASA MO ANG
The Enchanted Souls (On Going)
FantasyCheyenne with her two friends, Rosalie and Gwyneth, accidentally, wait no- willingly jumped down a mysterious well that turned out to be a portal after witnessing a mysterious incident. They were transported to another world and soon enough they lea...