Chapter III

18 2 0
                                    

Talk

Kinabukasan, pagpasok namin ni Heide sa room ay bumungad sa amin ang nagkukumpulan na mga kaklase sa harapan. Pinagkakaguluhan  nila ang nasa pisara, at ang iba pa ay kinukuhaan ito ng litrato.

"Anong mayro'n?" Unang bati ko pagkalapag ng bag.

Hinarap ako ni Alex. "Nakadikit na kasi lahat ng schedule natin para sa thesis."

"Anong gagawin ngayon?"

She shrugged. "Hindi ko pa alam e. Ang dami pang halimaw sa harapan. "

I chuckled. Gusto ko rin sana makita iyong schedule, kaso mamaya nalang siguro. Bigla akong nilapitan ni Blair na may nakalahad na cellphone sa akin. Kunoot-noo ko iyong tiningnan at binuksan. Nakalantad doon ang litrato ng aming schedule. I fixed my eyes again at her.

"Nakipagsiksikan ka?"

She made a disgusted look.  "As if I'll ever do that. I have authority, you know. "

I just laughed at her. Isinilid ko muna sa iyon sa aking bulsa dahil biglang dumating ang aming guro sa pang-unang asignatura. Tuluyan na itong nawala sa aking isipan hanggang sa dumating ang pangatlong asignatura. 

I unconsciously slid my hand inside my skirt's pocket. Napa "ahh" nalang ako nang makapa ko ang cellphone ni Blair. Kaya pala parang ang bigat ng bulsa ko kanina pa, e. Nilabas ko ito at tiningnan ang schedule namin para sa thesis. 

Sa araw na ito ay nakatakda ang paggawa ng survey questionnaire. Samanlatang sa susunod naman na mga araw ay ang pagsisimula ng survey. Dalawang araw ang pinaubaya sa amin ni Sir para sa paggawa at para isagawa ang survey.

Sa buwan naman ng Pebrero ay ang pagtalakay tungkol sa chapter one, hanggang chapter three. Nakapaloob din doon ang deadline sa bawat chapter, paggawa ng conclusion, at ang higit sa lahat ay ang aming final defense.

Bahagya akong natigilan. Ilang araw nalang ang natitira, at Pebrero na. Time really flies so fast. Dahil sa bilis ng oras at panahon, nag-uumpisa na akong ma-tense at kabahan.

Maya-maya pa ay dumating na si Sir. Pagpasok niya ay dali-dali kong pinaabot sa mga kaklase ko ang cellphone ni Blair, hanggang sa makarating ito sa kaniya. Umayos ako ng upo, at haharap na sana sa pisara nang may nakapukaw ng atensyon ko. 

Saglit kong tiningnan ang court bago pa man kami mag-greet sa aming guro. Hindi man ako ang pinakamalapit sa bintana, pero kitang-kita ko pa rin ito. Napa-isip tuloy ako kung anong ganap ngayon dahil sa mga tarpaulin, projector, speaker, malalaking electric fan at iba pang kagamitan na pinagkakaabalahan ng mga teachers at boy scouts kong kaklase.

Nang maramdaman ko ang pagtayo ng mga kaklase ko ay ibinalik ko na sa harap ang tingin ko. Bumati na kami at naupo.

"Did all of the groups finished making their RRL?"

"Yes, Sir!"

Tumango siya. "So, as for today's schedule... you are going to make your survey questionnaire, " aniya at naglakad sa gitna.

"In order to make a successful questionnaire- as what I said yesterday... make it easy to understand. So that, your respondents will be able to answer properly. Also, you must keep in mind that your questionnaires must be related to RRL. How can we do that? Just simply base your questions to your sources. It also should be connected to your topic. If not, you might get your research revised. "

Agad umani ng reaksyon si Sir dahil doon.

Humalakhak siya. "Yes, I know. So be careful enough. You can make atleast fifteen questions. When you're done, submit it to me so that I can check your work. "

Bumalik siya sa harapan at paupong sumandal sa lamesa. "And here's a tip. When you make a survey questionnaire, the first word of it should be the same as the begginning, until to your last question. If your first question started with WH question, end it with that. You may now begin."

Catching FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon