Chapter V

20 1 0
                                    

Relieved

For this day, I decided to wear plain black shorts, cream colored long sleeves and paired them with flip-flops in the same color as my top. I tied my hair in a ponytail, and lastly, grabbed my perfume and sprayed it all over my body. Nang matapos ay bumaba na ako.

Saktong pagbaba ko ay nandoon na si Heide sala, at nagiintay sa akin. Seeing her wearing black leggings and white sweatshirt, parang ako pa ang naiinitan sa kaniya. But she till look cute though.

"Hindi ka ba naiinitan?" Tanong ko, pagkababa sa hagdan.

Paniguradong sasabihan nanaman siyang "weird" ni Blair. She finds her weird everytime. Kahit na tirik ang araw, minsan ay balot itong si Heide. Kabaliktaran naman kapag malamig. I find it also weird too, but It's her own body temperature, so...

Umiling siya. "Nope. " aniya at bigla akong nginitian ng makahulugan.

Sumimangot ako. Ayan na naman siya...

 Tawa naman ang iginawad niya sa akin.

"Wala kang nakalimutan? Tara na."

Sasabihan ko na sana sila Mama na kami'y aalis na, kung hindi lang lumabas si Kuya mula sa banyo at naka crossed arms na lumapit sa amin habang pinapasadahan ng tingin ang kabuoan ko.

"Sigurado kang hindi ko na kayo ihahatid?"

I shook my head for the third time. "Hindi na, kuya."

He nooded in defeat. "Iyan na ang suot mo?"

"Yeah?" Hindi malamang sagot ko. Nang mapansin ko pa rin ang titig niya ay nagsalita ulit ako.

"I'm comfortable with it." Sandali ko pang tinignan ang shorts kong hindi naman maiksi.

Bumuntong hininga siya at tumango na lamang.

Nagpaalam na ako kay Mama. Sabado ngayon at wala siyang pasok. Si Papa naman ay may duty. Ipinara kami ni Kuya ng tricycle paglabas namin. Pagpasok namin sa loob ay nagpaalala ulit siya.

"Umuwi kaagad pagkatapos. Text me when you need something."

I nooded and smiled at him. Nanatili siyang nakadungaw sa amin. Animo'y inaantay akong magbago ng desisyon. I laughed and waved at him.

Kahit pa gusto niya ay hindi niya kami maihahatid at masusundo. Wala ang kotse namin dahil gamit ni Papa. Sayang naman ang pamasahe kung sasama pa siya para lang ihatid-sundo kami. He still insist, but I gave my word. I mentally smiled.

Sa tuwing uuwi si Kuya ay gumagawa siya ng paraan para sulitin ang kaniyang panandaliang pananatili. Aniya'y gusto niyang makabawi. Kahit sa maliliit na paraan, sinusubukan niya. When he have a chance, it never go wasted.

"Ang sungit talaga ng mukha ni Hudson."

Natawa ako. "Parang 'di ka naman sanay do'n."

"Mas lalo lang siyang guma-gwapo e. Kainis, " she said dreamily. "Mas lalo ko tuloy siyang nagugustuhan."

Sabay kaming tumawa. "Ayaw no'n sa mas bata."

"Twenty pa lang naman siya, ah. Tapos four years lang agwat namin. Nasaan ang bata ro'n?"

Napa-face palm nalang ako.

"At saka... mukha ba akong bata sa kaniya?" Suminghap siya. "Ano bang gagawin ko para magmukhang mature?"

Napatingin ako sa kaniya na nakakunot ang noo.

"Seryoso ka?"

Tumawa siya at mahinang hinampas ang balikat ko.

Catching FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon