Hirap Umahon Ang Hirap!

8 1 0
                                    

Anong oras na? Anong araw na?
Gabit umaga lang ang naalala.
Ang mga nagmamahalan ay malayo sa isat isa.
Kathang isip mo lang ang gumagana.
Mga pamilyang maharlika ang mesa nila ay puno ng biyaya
Dito tayo sa sulok ng tahanan natin na ang kaya lang ay maghintay at umasa
Umasa na sana mapasama sa programa na yun pala ay na isulat na
Na isulat na ang mga taong mabibigyan kahit na itoy puno ng biyaya
Ganto nalang ba? Kanya kanya? Bahala sila bastat akoy merong maipapakain sa pamilya
Pamilya nila ay diko kailangan bigyan ng biyaya kaya sa korapsyon ako ay nayaya
Walang wala! Sa iba wala kang mapapala
Mahirap maging mahirap isang kasabihan nga
Pero mas mahirap kung sarili mong mamayan ang nagpapahirap

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 10, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Pandemic Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon