Chapter 53 - ANG KAHON, BOW

52.9K 802 41
                                    

Chapter 53 - ANG KAHON, BOW

CAMILLE's POV

Nakaalis na si Suarez. Sana nga may solusyon na sa problema namin, pero kung tutuusin di naman malaking problema ang pagka cancel ng arrange marriage kasi pwede naman kaming magpakasal kahit wala yun, pero teka yayayain ba akong magpakasal ng lalaking yun? Yun ang problema dun eh. >____<

"My princess."

"Lolo? Bakit po nandito kayo?" lumapit sa akin si lolo at niyakap ako

"I'm sorry my princess."

"Nothing to be sorry about. I love you lolo."

"Hindi sana magiging ganito kung agad na namin sinabi sayo at sa kanila."

"Lolo, ayos lang po talaga. Wag po kayong magalala." umalis na sa pagkakayakap sa akin si lolo kaya naman nakaharap ako sa kanya at ngumiti. Napakaswerte ko na ako ang napili nilang maging apo.

"That smile, ayokong mawawala yan."

"Para naman akong tanga nun lolo kung palagi akong nakangiti." napatawa ko naman si lolo dahil sa sinabi ko

"Princess." pagtawag naman sa akin ni lola kaya naman ayun at lumapit ako sa kanya para yumakap

"I love you apo."

"I love you too lola."

"Ako ba hindi mo mahal?" sabi naman ni Mommy. Umalis ako sa pagkakayakap kay lola at lumapit kay Mommy para yakapin siya.

"Sus! Nagtampo pa tong maganda kong Mommy."

"Ako ba hindi pwedeng sumali?" sabi naman ni Daddy

Umalis naman ako saglit sa pagkakayakap kay Mommy at sinabing "Grouphug na lang tayo! ^______^" ayun na nga, nag group hug kami nina lola, lolo, mommy at daddy. Meron ba akong dapat ikagalit niyan sa kanila? Napakaswerte ko pa nga talaga dahil minahal nila ako kahit hindi naman nila ako totoong kadugo. Napakasaya at napakasarap sa pakiramdam na maraming nagmamahal sayo.

Kumain kami ng dinner na nagtatawanan, natanong ko pa nga sa kanila yung tungkol sa totoo kong parents, ang sabi naman nila ulilang lubos na ako, kaya ako nasa ampunan at dahil din dun kaya ako ang napili nila. Ayaw daw kasi nila na magaya sa teleserye na pag malaki na ang mga anak tsaka naman may biglang susulpot at magpapakilalang magulang. Ang utak din ng parents ko noh? HAHA

Umakyat na ako sa kwarto at naghihintay ng tawag ng aking butihing boyfriend, ano na kayang nangyari dun sa sinasabi ni Ate na solusyon?

**

SUAREZ' POV

"Gabriel naman isipin mo na kasi."

"Ate naman kanina pa nga ako nagpapanic dito kakaisip kung saan ko nailagay yung box na yun."

Spying My Future Fiance ** COMPLETED ** (Soon to be published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon