" Can i have this dance?"
Tinapik niya sa balikat ang lalaki na kasayaw ni Czesta. Kunot noo naman itong bumaling sa kanya.
" Sebastian?!"
Hindi makapaniwala na sabi ni Czesta at hinarap siya. Nginitian nito ang kasayaw at ipinakilala sa kanya.
" Sebastian, this is Darryl. Siya ang sinasabi ko sa iyo."
Baling nito sa lalaki at bumalik sa kanya ang tingin nito. Tumango ito kay Czesta at walang salita na iniwan sila sa gitna nang dance floor.
" Sabi ni Logan, his a nice guy. Bakit bigla na lang yata tumalikod sa atin?"
Tanong niya kay Czesta na nakatingin sa kanya.
" He is. Nagselos lang iyon, dahil alam niya na ikaw ang pinaka malapit sa akin na lalaki."
Kinabig niya si Czesta sa beywang at marahan silang sumayaw sa malamyos na tugtog.
" Alam ba niya na mag pinsan tayo?"
Tanong niya na nag ngangalit ang mga ngipin. Thinking about that, nagpupuyos ang kanyang kalooban.
" Oo, at alam niyang your my favorite man in this world. Bukod kay Daddy at Logan."
Nakangiti nitong sabi sa kanya na para bang hindi iba talaga ang turing nito sa kanya. Na parang bang hindi ito gumanti nang halik sa kanya noon.
" Boyfriend mo na ba?"
Matiim niyang tiningnan si Czesta sa mga mata.
" Malapit na."
Sagot nitong naka ngiti. It seems like she get back into her senses. Good for her, and bad for him. Dahil nasasaktan siya.
" Congrats, beauty queen."
Pag iiba niya nang usapan.
" Thank you, Sean.Kaya lang hindi masaya sina mommy."
Malungkot nitong sabi, habang hindi siya hinihiwalayan nang tingin. Ganun din siya dito.
" Wala ka bang balak, mag graduate? That's the reason they're not happy. Hindi ang pag sali mo sa mga pageant."
Sabi niya dito, dahil narinig na niyang minsan na sabi nang mommy nito sa kanyang ina.
" I still can't figure out what I want in my life.Maliban sa pag sali sa mga pageant ."
Nailing na lang siya sa sinabi nito.
" Di huwag ka nang magtaka na hindi masaya ang parents mo sa iyo. "
" How about you, Sean? Masaya ka ba para sa akin?"
Tanong nito sa kanya, hindi agad siya. nakasagot dahil sa mga mata nitong nakatitig sa kanya. Her hazel brown eyes that always captivating.
" Of course, nanalo ka. Masaya ako para sa iyo."
Sabi niya na napalabi ito sa sagot niya.
" You know what i mean."
" Yeah, masaya ako. Soon they will disown you, at mag pa adopt ka sa ibang pamilya para hindi na kita pinsan."
Hindi niya alam kung saan nanggaling ang sinabi niya. Pero hindi na niya mabawi. Napamulagat ito sa sinabi niya, pagkatapos ay tumawa ito saka mahina siyang hinampas sa dibdib.
" Kulang ka sa tulog Horatio,ano?"
Napatawa na lang din siya sa pangalan na tinawag sa kanya.
" Actually, kadarating ko lang. I just came to celebrate with your victory."
" Your so sweet, Sean. Thank you."
Nakangiti nitong sabi. Bumitaw ito nang maging maharot ang tugtog. Sumayaw ito sa harap niya, at tumayo lang siya sa gitna. He enjoyed watching her, dahil parang sinasadya nitong sayawan siya.
Pero hindi pa nagtatagal itong sumayaw ay agad na lumapit si Darryl.
" Sweetie, your glam team came. Batiin mo muna sila."
Hinawakan nito sa palad si Czesta na agad tumigil sa pag sasayaw at tumingin sa bagong dating.
" Sebastian, see you around."
Paalam nito sa kanya at sumama kay Darryl. Nakikita niya na comportable itong nakahawak sa kamay ni Darryl. Na agad niyang i kina pikon.
Lumapit siya muli kay Logan at muling nakipag inuman dito. Kasama sa grupo nito ang mga elite na bodyguard nang agency na pag aari nang pamilya nito.
" Bakit hindi ka muna umuwi at mag pahinga, Sebastian?"
Sabi sa kanya ni Logan, na halata marahil ang pagdilim nang kanyang anyo.
" Yeah, mamaya lang uuwi na ako."
Aniya at kumuha nang panibagong bote nang beer at uminom.
" Mabuti hindi pa na recruit ni Lavin ang mga bodyguard mo?"
Napangiti naman si Logan sa kanyang sinabi.
" Hindi modeling ang hobby nang mga iyan. Pambabae."
Sagot ni Logan na tinawanan lang nang mga kasama nito.
" But we don't mixed business with pleasure."
Bawi ni Logan sa sinabi. Pero alam naman niya na hindi malayo na mangyari na madali sa mga ito ang kumuha nang mga babae. Bukod sa mga gwapo at magandang katawan. Miyembro ang mga ito nang elite force sa military. Ang iba ay US marine at US Navy. Ang bodyguard nang kanyang kapatid ay US Airforce.
Napa buntong hininga na lang siya. Dahil sa koneksiyon nang kanyang Tita Olga na ina ni Logan at Czesta kaya naging mas malawak ang security agency kahit sa mga miyembro nito.
Hindi niya alam kung ilang bala nang baril ang tatama sa kanya.Ang kanyang Tito Theo ay dating general, si Logan ay malapit na din maging general, ang kanyang Tita Olga ay isang retired military official din sa America.
Pero si Czesta sa pageant ang hilig. Muli niyang nilingon ang pinsan na nasa grupo na nang bagong dating.
" Hindi mo ba kailangan nang bodyguard, Sean?"
" No, I'm good."
Pagtanggi niya sa tanong ni Logan.
" Well, if you need one. I will give you my best men."
" Lahat naman yata elite ang mga nasa agency mo."
Natatawa na lang niyang sabi dito, dahil iyon ang totoo.
"What i mean best is yong hindi mahilig sa inom at babae."
" Boss, we just follow the leader."
Sabi nang isa nitong meyembro nang security agency.
" Umayos ka, Daleon. Baka ikaw ang i palit ko na bodyguard sa presendential daughter."
" Oh c'mon, Boss!"
Agad nitong angal na tinawanan lang ni Logan.
" She's still pain in your ass, Logan?"
Tanong niya sa presidential daughter at anak nang ninong nito.
" Hindi na yata magbabago ang babae na iyon."
Naiiling nitong sabi at uminom nang beer.
Nagpawala siya nang buntong hininga, kahit mga gwapo may problema pa din sa babae. At ang sa kanya ay malala. Habang pasulyap sulyap kay Czesta, iniisip niya kung saan siya dadalahin nang kanyang pagtingin dito. Isang pagkakamali at eskandalo ang hatid sa kanilang pamilya.
" But what should i do?"
BINABASA MO ANG
Boss Series 8: The boss hidden desire
Storie d'amoreSebastian Cervantes Buenavista - boss of real state empire. Young and handsome billionaire. Hindi niya dapat nararamdaman ang ganito kay Czesta Marie. He is being possessive of her. He wants her for himself! It's forbidden, they are cousins. But he...