"Magme-message ka lagi sa 'min kung nasaan na kayo, ha! 'Yung mga sinabi ko, 'wag mong kalilimutan! Nako, talaga! Kukutusan kita pagbalik mo rito kapag nagpasaway ka!"
Hindi ko alam kung si Ate pa rin ba 'tong kausap ko o si Mommy na? Pati 'yung pagbabanta niya sa 'kin, para na ring si Mommy! Kaya hindi na talaga ako magpapasaway dahil hindi ko na kakayanin kung sabay na naman nila akong sesermonan!
Sinarado ko ang zipper ng bag ko bago ko nilingon si Ate. Nakatayo lang siya sa gilid ko at nanonood sa ginagawa ko. Para namang napaka-life changing ng ginagawa ko.
"Ate, chill ka lang. Don't worry about me."
"Chill ka riyan! Bilisan mo na nga sa pag-aayos diyan para makaalis na tayo!" sabi niya at parang nagmamadali pa. Nauna na siyang lumabas ng room ko. Paglabas niya, natawa na lang ako habang nilalagay ko sa likod ang bag ko.
Isang shoulder bag, isang backpack at isang eco bag (na sponsored ng SM, charot!) ang dala ko. Sapat na siguro 'tong mga dala ko para sa Culinary tour namin sa Pampanga for 2 days. Excited na talaga ako para sa araw na 'to! Last week pa nga ayos ang mga gamit ko, eh! Hell week pa naman last week pero inuna ko pang mag-ayos ng mga dadalhin ko sa tour na 'to. Sobrang nakakaubos pa naman ng brain cells at energy 'yung mga nangyari last week! Kaya tama lang na ngayon ang tour namin! This is a perfect time for us to enjoy after a very tiring and draining week!
Paglabas ko ng room ko, saktong kalalabas lang din ni Kuya ng room niya. Magkatabi lang ang room namin kaya napansin ko siya agad. He's wearing a black jacket and a cap na pabaliktad ang lagay sa ulo niya. Naka-shorts lang din siya at slippers tapos may phone, wallet at susi ng kotse sa kamay.
"Oh? Ready ka na?" he asked.
Hindi agad ako nakasagot. Pinagmasdan ko lang si Kuya sandali. He's smiling at me but his eyes can't lie. And it's okay. Wala naman sigurong nagiging okay agad the next day after a break-up. Lalo na at alam ko kung gaano nila kamahal ang isa't-isa. They're perfect for each other! Ang tagal na rin nila! Akala ko nga, deretso wedding bells na, eh. But then, shit happens.
Noong una, hindi pa ako naniwala kay Kuya na break na sila. Akala ko pina-prank lang niya kami kaya sinabigan ko pa siya ng, "awts pain pighati lumbay hinagpis kirot sakit pagtangis iyak lungkot siphayo dalamhati galit inis poot pangamba paghihirap pagkasira pagkawasak pagkamuhi at kinabuhi" kasi akala ko nga, nagjo-joke lang siya! Tapos noong narealize ko na totoo nga, hindi ko alam kung paano ako magre-react! Natulala na lang ako habang kinakausap siya ni Ate at tinatanong kung anong nangyari.
Hindi ko namalayan na nakatulala na pala ako. Hindi ko tuloy napansin na lumapit na pala sa 'kin si Kuya. Kinuha niya ang eco bag na hawak ko na puro pagkain naman ang laman.
"Are you okay?" he asked.
"I should be the one asking that question."
Ngumiti siya sa 'kin at ginulo nang kaonti ang buhok ko. "I'm okay."
May sasabihin pa sana ako pero niyaya na niya akong bumaba. Naisip ko kung matagal na bang naghihintay si Ate sa baba. Baka nilalamok na 'yon sa labas. At kung hindi pa kami bababa, baka sunduin na niya kami rito.
"Kuya, kung kailangan mo ng kasama mag-emote, nandito lang kami ni Ate, ha," sabi ko habang pababa kami ng hagdan. Nauuna ako kay Kuya kaya hindi ko makita ang reaction niya.
Narinig ko ang mahina niyang magtawa. "I'm still busy, you know? I have a lot of things to do and cases to read. So, for now, wala akong oras para maging brokenhearted. Maybe next week?"
Napatigil ako sa paglalakad at gulat siyang nilingon. Wow! May schedule ang pag-eemote! Sabagay, ako rin naman. Nag-aalarm pa nga ako kapag nagbe-breakdown ako, eh. Lalo na kapag ang dami kong kailangang gawin kaya naiiyak na lang ako. Kaya iiyak ako ng mga 5 minutes and then after that, laban na ulit. Lavarn lang!