STAGE 1

57 2 0
                                    

GOOD MORNING! GOOD MORNING! GOOD MORNING!

Oh that freaking sound again! Napaka ingay talaga ng digital alarm clock na ito. "Just another 5 minutes please" as i was about to switch off the alarm with my left hand. Pero nang aabutin ko na ay bigla ito nahulog sa sahig.

"Arghh! You really are a pain in the neck!" inis na sambit ko habang pabangon na ako upang damputin iyon.

Araw ng Linggo kaya naman hindi ko kailangan bumangon ng maaga upang pumasok. Wala rin naman akong plano para sa araw na ito.

Inis kong ibinalik sa lamesita ang aking alarm clock. Nag-iinat pa ako na tumungo sa banyo upang tugunan ang tawag ng kalikasan.

"What to do today?" tanong ko sa sarili habang nandoon at nakatayo sa harap ng inodoro. I finished my business and flushed the toilet and again went back to my room.

Oo nga pala, hindi pa ako nakakapag pakilala. My name is Eriolle, 19 years old, a third year College student.

Accounting ang kursong aking kinukuha. Mag-isa ako dito sa condo na ito dahil may kalayuan ang bahay namin sa pamantasang aking pinapasukan. Ayaw naman ng aking Mama na magboarding house ako kaya naman binili ni Papa ang unit na ito.

Noong una, aminado ako na medyo mahirap ang mga adjustments na nangyari. But as time goes by, i've slowly learned how to tell with there changes. Time to time ay bumibisita din sina Mama and Papa. Kung minsan ay dumadaan din si Ate para mangamusta.

Kapag hollidays at walang pasok ay umuuwi ako sa amin upang makapag relax. A simple way to escape the hustle and bustle of the big city.

Tinatamad ako magluto kaya naman sa labas na ako kakain ng almusal. Ano pa nga ba ang gagawin? Ayun! Hinubad ko na ang aking pantulog at parang basketball player na ishinoot ito sa laundry basket. Pumasok na ako sa banyo at naligo. Pagkatapos lamang ng mahigit trenta minutos ay natapos na ako.

Humugot nalang ako ng T-shirt at pantalon mula sa closet at isinuot ang mga ito.

Ilang saglit lamang ay nasa labas na ako at naghihintay ng Jeep na masasakyan. Ayaw pa kasi ako ibili ng sarili kong kotse ng Papa ko dahil na rin sa pagkontra ni Mama.

Sa wakas ay may dumating na dyip upang aking masakyan. Agad ko itong pinara at agad ako sumakay nang huminto ito sa tapat ko. Commuting in the metro is something you'll really hate. Mainit, mausok, maingay at syempre, ang walang kamatayang traffic sa daan. Pag minamalas ka pa ay matye-tyempo ka sa mga balasubas na drayber.

Naalala ko tuloy noong tinuturuan palang ako ni Papa na mag-commute dito sa Maynila.

Sumakay kami sa isang bus. Lumapit ang konduktor at kami ay tiniketan. Pag alis ng konduktor ay bumulong si Papa. "Alam mo ba ang tawag sa ganitong bus anak?" pabulong niyang tanong sa akin.

Inilibot ko ang aking paningin sa loob ng bus. Ordinary lang ang bus. Meaning, walang aircon na gaya ng mga lagi naming sinasakyan. Luma na ang bus na iyon. Kinakalawang na ito at may mangilan-ngilang bintana ang sira sa magkabilang panig.

"Ano ba ang tawag sa ganitong bus Pa?" maang tanong ko sa kanya. "Killer bus ito anak" nakangiting sagot naman ni Papa. "Bakit naman killer bus?" taas kilay at kunot noo kong pang uusis kay Papa. "Mamaya malalaman mo rin anak" kiming sagot niya naman. "Basta iyang ticket mo, hawakan mo ng mahigpit" dugtong pa niya. "Bakit naman po" inosenteng pang-uusisa ko muli sa kanya. "Kapag kasi tumaob itong bus, gugulong ulit ito patayo. At pag nawala ang ticket mo, titiketan ka ulit ng koduktor" pagpapaliwanag niya naman.

Medyo nagulo ang isip ko sa paliwanag niya. Natakot ako sa ideya na gugulong ang bus na aming sinasakyan. Maya maya pa ay lumiko na ang bus sa EDSA. Pakiramdam ko ay bumilis ang andar ng bus.

Maya maya pa ay nagswerving na ang bus na aming sinasakyan. Feeling F1 driver si manong na sumisingit sa mga sasakyan sa kalsada. Lalo ako natakot nang bigla ito magpreno. Walanghiya! Sudden break! Talaga namang papakat sa likuran ng upuan sa harap mo. Buti nalang at hawak ako ni Papa dahil kung hindi, malamang sa malamang eh lumipad ako sa pinakaharap ng bus.

Hanggang bumaba kami ng bus ay takot na takot pa rin ako. Daig ko pa yung sumakay ng Space Shuttle sa Enchanted Kingdom. Pero laking pasasalamat ko at hindi nagkatotoo ang sabi ni Papa na tataob at gugulong yung bus. Tawa ng tawa si Papa dahil sa takot ko noong araw na iyon. Hindi na ako pumayag na sumakay pa ulit kami ng bus kaya naman napilitan siya na tawagan si Mama upang sunduin kami gamit ang kotse.

Pagdating namin sa bahay ay hagalpakan sa kakatawa sina Papa at Mama dahil nga sa nangyari iyon. Dagdag pa ang pang aalaska ni Ate Carolyn sa akin.

"Loko ka talaga Elz! Baka naman ma-trauma yang anak natin" tumatawang sambit ni Mama kay Papa. "Malay ko bang mana sayo tong si Eriolle na mahina ang loob" humahagikgik na sagot naman ni Papa.

Mangiyak-ngiyak na ako noon na agad naman napansin ni Mama. Agad niya ako nilapitan at inalo. "Pagpasensyahan mo na ang Papa mo anak ha? Malakas lang talaga topak niyan" pang-aalo ni Mama sa akin. Niyakap niya ako at inayos ang buhok ko. Gumanti naman ako ng yakap dahil pakiramdam ko ay nakahanap ako ng kakampi.

"Si Eri takot sa bus, si Eri takot sa bus" paulit-ulit na pang aalaska naman ni Ate. "Carolyn, don't tease your brother nak" saway ni Papa sa kanya at lumapit sa amin. Binuhat niya ako at umupo siya sa sofa na kandong-kandong ako. "I just want you to be brave anak" paliwanag niya. "Ayoko na ma-shock ka kapag sa Maynila ka na nakatira" dagdag pa ni Mama. Sumunod naman na lumapit si Ate sa amin.

"Sorry for teasing you Eri" mahinang bulong niya. "Okay lang yun Ate" nakangiting tugon ko naman sa paghingi niya na tawad. Niyakap ako ni Ate at ganun din sina Mama at Papa.

Iyon ang mga nami-miss ko. Yung mga bonding moments naming pamilya. Nakakalungkot naman kasi talaga ang malayo sa kanila pero kailangan tiisin upang makapagtapos ako.

"Para po manong!" sigaw ng katabi ko na siya namang naghinto sa pagbabalik tanaw ko. Napansin ko na ilang kanto na lamang ang layo ko sa aking pupuntahan kaya naman nagpasya na akong bumaba. Lalakarin ko na lamang ang nalalabing distansya. Tutal maaga pa naman at para exercise narin.

Samu't sari ang mga taong nakasalubong ko sa daan. Nariyan ang mga nagmamadali na para bang katapusan na ng mundo. Nariyan din yung mga parang naglalakad sa maliwanag na buwan at parang naka slow motion ang bawat hakbang.

Sa pag mamasid ko ay di ko namalayang narating ko na pala yung lugar.

STAGE CLEAR. . .

History is also Herstory by: ~MusiKaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon