Taong dalawang libu't dalawampu,
Taong dalawang libu't dalawampu,
Taong madaming umiyak at sumuko,
Taong madaming napahamak at naglaho,
Taong madaming nag-hirap na bansa at tao,Nasaksihan ang pagputok ng bulkan,
Nabalita ang pagkapatay ng mag amang nakasakay sa himpapawid na sasakyan,
Nabalita ang pagkasunog ng gubat na noon ay may kagandahan,
Nabalita din ang pagbagsak ng sasakyang himpapawid na hindi inaasahan,
Nagkagulo dahil sa pagkakaiba ng kinalakihan,
Nagkaroon ng mga digmaan sa iba't ibang bansa na may kanya kanyang pinaglalaban,
Nagkalat ang malubhang sakit na madaming buhay ang nawalan.Hanggang ngayon hindi pa sumusuko ang mga taong nakikipaglaban sa digmaan at karamdaman,
Hanggang ngayon hindi pa natatapos ang kahirapan,
Hanggang ngayon hindi pa nalilimutan ng mga tao ang sakit na sila'y nawalan.
Hanggang ngayon hindi pa tapos ang mga pagsubok na ito at paniguradong madami pa tayong pagdadaanan.Huwag ka sanang sumuko,
Patuloy lang ang laban
Huwag ka sanang lumayo,
Paniguradong kaya mo itong malagpasan.Lahat tayo'y magpinagdadaanan
Lahat tayo'y nasasaktan
Ang sakit na yan ay mawawala
Ang masasabi ko lang, habang may buhay may pag asa.Kaya sa mga taong nawalan, nasaktan, at nahihirapan,
Kaya natin itong malagpasan,
Kaya natin itong labanan,
Kaya natin itong mapagtagumpayan!Tayo ay dumalangin sa Amang may kapal,
Tayo ay sumampalataya sa Amang banal,
Tayo ay magpasalamat sa buhay na kanyang ibinigay,
Tayo ay magtiwala na tayo ay magkakaroon ng magandang buhay,
Tayo ay hindi nya pababayaan,
Tayo ay kanyang gagabayan
Dahil siya ang Amang may kapal,
Dahil tayo ay kanyang mahal.
BINABASA MO ANG
My own poems
PoetryFeelings, love, thoughts and body shaming. This is written as English poem or Tagalog na tula.