Chapter 3: Sleepy Weirdo
--- ᕕ( ᐛ )ᕗ
Seraphina's POV
"Room 173... 173... Nasaan na ba kasi yun?!"
Nandito kami ngayon sa girls dorm at hinahanap ang mga kwarto namin. Kagagaling lang namin ng main auditorium at dahil mayroon pa naman kaming ilang libreng oras ay pumunta muna kami rito para ilagay ang mga bagahe namin
Yung totoo? Dorm ba toh o hotel? It's too huge and fancy
"Huwag ka ngang OA Hannah"
"Paano ako kakalma eh kanina pa tayo naghahanap dito pero hindi pa rin natin makita?! Nasa fourth floor na nga tayo oh!"
"Ako man din eh, kanina ko pa nga hinahanap yung room 175 eh"
I just ignored them because I'm irritated by their noises, I tried to look for my room
174
Nilinga-linga ko ang mga numbers sa mga pintong nakikita ko at maswerteng nakita ko ang pinto na may nakalagay na 174, kaya agad ko naman itong nilapitan
"Teka Seri, saan ka pupunta?"
Pinasok ko ang susi doon at bigla naman itong bumukas, tinignan ko naman ang mga katabi kong kwarto at may nakalagay naman itong 173 at 175, nang mapansin ito ng mga kasama ko ay agad din silang lumapit sa mga katabi kong pinto
"My gosh nandito lang pala tong mga toh?"
"Hala! Magkakatabi pala mga kwarto natin?!"
"Ngayong mo lang napansin Hannah? Kakasabi ko nga lang kanina na room 175 ang kwarto ko"
"Pero okay din na magkakatabi ang kwarto natin para bubulabugin ko kayo sa umaga"
Rinig ko pang komento nila
Walang pasabi akong pumasok sa kwarto ko
"Seri tawagin ka nalang namin kapag pupunta na tayo sa room natin!"
Pagkasarado ko ng pinto ay agad kong binuksan ang ilaw -- the chandelier rather -- at napakalaking kama ang tumambad sa akin, mayron ding walk in closet at study table. Chineck ko ang banyo at malaki rin ito, may bath tub pa at flat screen TV pati na rin isang sofa na napakahaba
Masasabi kong malaki ang kwartong ito para sa isang tao lang
Pero hindi ko nalang iyun pinansin at agad kong binuksan ang backpack na suot suot ko at mabilis naman lumabas doon ang isang pusa
Yes, a black cat
"I know Lilypop it's a bit small inside my backpack. That's the only way to get you here inside Kalopsia Lunette, alam mo namang bawal magpasok ng alagang hayop dito sa loob"
Agad naman syang sumampa sa kama ko at humiga na para bang hingal na hingal sya kaya agad ko syang binigyan ng tubig sa bowl nya
Binigyan ko rin sya ng cat food na dala dala ko
Alam ko namang bawal ang mag-alaga at mag-dala ng hayop dito sa Kalopsia Lunette pero hindi ko talaga pwedeng iwan si Lilypop sa bahay, unang una sa lahat ay allergic sa pusa ang mga kapatid ko lalong lalo na si Dad-- na sa tingin ko ay namana sa kanya ng mga kapatid ko at pangalawa baka pag-uwi ko ay naibenta na siya sa black market dahil ayaw ni Chrizel sa mga pusa
Pero hindi ko ba alam kung bakit binigay sya sa akin ni Mom, ang sabi nya sa akin ay bihira lang ang tulad ni Lilypop dahil sa talino nya at isa din syang trained mula sa ibang bansa
BINABASA MO ANG
The Pieces Of The Mafia's Heart
Teen FictionThey always say follow your heart, but what if your heart is shattered into million pieces... which piece do you follow? [Language: Tagalog]