CHAPTER 51: SIDE-EFFECT

29 4 0
                                    

Nang marinig ng mga magkakaibigan ang sinabi ni Marika, agad nilang pinuntahan si Jett sa labas ng kanilang Club room at nakita nilang nakahandusay ito sa gilid ng pader.

Reysha: "Jett?!!! Anung nangyari sa-!! B-Bakit napaka-init mo?!! May lagnat ka ba?!!!"

Aileen: "J-Jusko!! Hindi kaya nabinat sya noong nakipagalaban sya sa akin sa Karate club kanina?!!"

Marika: "Boys!!!! Buhatin nyo si Jett!! At dalhin nyo sya sa Clinic!! Tsaka, anung nangyari sa mukha mo, Carl? Bakit ang dami mong Bandage?"

Carl: "Ma'am, mamaya ko na po ipapaliwanag. Si Jett po muna."

Agad dinala ng mga magkakaibigan si Jett sa Clinic. Pagdating nila, tiningnan naman sya ng Nurse at nakumpirmang may lagnat nga ito bunga ng pagkakabinat. Muli na naman syang tinurukan ng dextrose at agad naman syang nilapatan ng gamot para sa lagnat.

Aileen: "Guys, sorry talaga. Kasalanan ko kung bakit nakahiga at walang malay na naman si Jett."

Reysha: "Aileen, wag mong sisihin ang sarili mo. Si Jett ang may gustong mabinat kaya sya nilalagnat ngayon. Alam mo namang matigas ang ulo nyan."

Carl: "May punto ang sinabi ni Reysha, Aileen. Kaya wag mong sisihin ang sarili mo."

Lumabas ang Nurse mula sa laboratory at nagtataka sa resulta ng test kay Jett.

Nurse: "Miss Marika, napaka-weird nito. Ayon sa kinuha kong sample ng dugo ni Jett sa mula sa muscle area malapit sa mga bali nya, wala naman nakikitang impeksyon rito. Kaya nagtataka ako kung bakit bigla syang nilagnat at nawalan ng malay."

Marika: "Ma'am, ibig nyo pong sabihin, normal na gumagaling ang mga buto ni Jett at walang kumplikasyon?!"

Nurse: "Opo, Ma'am. Ganun na nga po. Kaya sa tingin ko po, mamaya kapag nagkamalay na sya, pwede na po syang lumabas ng Clinic."

Marika: "Ay...kung ganun po, maraming salamat po."

Umalis ang Nurse upang bumalik sa ginagawa nito. Nagtaka naman si Marika kung bakit biglang nilagnat si Jett, bagamat, normal naman ang estado ng pangangatawan nya.

Marika: "Panu nangyari yun? Nakapagtataka?"

Rochel: "Ang alin po, Miss Marika?"

Marika: "Yung pagkakaroon ng lagnat kanina ni Jett. Sabi ng Nurse, normal naman gumagaling ang mga bali nya. Kaya anu kaya ang naging dahilan kung bakit sya nanghina?"

Tahimik na nag-isip ang mga magkakaibigan kung anu marahil ang naging dahilan hanggang sa maalala ni Carl ang ginawang pagbitak ni Jett sa pader gamit ang kaliwang kamao nito.

Carl: "Reysha, naalala ko, di ba sabi mo nawawalan na naman sa kontrol si Jett sa paggamit ng kapangyarihan nya kanina noong sinuntok nya yung pader?"

Reysha: "Oo, Carl. Bakit?"

Marika: "A-Anu?!! Ginamit ni Jett ang kapangyarihan nya sa loob ng Club kanina?!!!"

Archie: "Opo, Miss Marika. Pero hindi po malakas ang ginamit nya."

Carl: "Posible kayang, may side-effect ang paggamit nya ng kapangyarihan?"

Lyrica: "Huh?! Posible ba yun? Pero bakit ako? Hindi naman ako nahihilo kapag gumagamit ako ng magic ko?"

Reysha: "Posible yun Lyrica. Kung Physical-based ang kapangyahiran mo. Kagaya ko. Kapag napapasobra ako ng gamit sa telekinesis ko, nahihilo ako at dumudugo ang aking ilong."

Ang Misteryosong Pagkawala Ni Jett (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon