Summer Vacation 2010.
--
Cyrus Aquino is now online.
Ghaaaaaad! Online na siya, sa wakas! Ilang oras na akong nakaharap sa laptop ko at nakatutok sa chat box sa Facebook dahil hinihintay ko siyang mag-online!
Sino? Si Cyrus. Cyrus Aquino. Kaklase ko. Matalino, mabait, gwapo, at lahat lahat na ng gusto ko na sa kaniya na! At obviously, gusto ko siya! <3
Siguro, may iba siyang gusto. Ewan ko. Hindi ko alam at ayaw ko na din na malaman. Noong mga unang araw ng klase, hindi ko siya napapansin. Pero nung kalagitnaan ay bigla ko na lang na-realize kung ano 'tong nararamdaman ko para sa kaniya. Walang nakakaalam nito. Hindi ako, hindi ang bestfriend ko o sino man sa mundong ito. Ako lang, ang Diyos, at ang puso ko. Ang corny ko ba? Ganun ata talaga kapag inlove? *u*
At anong gagawin ko kapag nakita ko siyang online? Wala. Nga-nga. Ano sa tingin mo? Papadalhan ko siya ng private message? I-cha-chat ko siya? Nooo waaaay! Baka yun pa ang maging dahilan para mabuking ang sikreto ko. And worst, baka siya pa mismo ang makaalam!
Pero, ayoko naman din na palagpasin ang mga pagkakataong online siya at online din ako. Kaya, mayroong isang bagay akong ginagawa. Isang bagay na ako lang ang nakakaalam. Ano yun?
Ang kausapin siya gamit ang ibang Facebook account.
At kaninong Facebook account ang gagamitin ko? Edi kanino pa ba? Sa bestfriend ko!
Hindi masyadong active sa Facebook ang bestfriend kong si Sophia. Once a month lang yata niya yun kung buksan. Masyadong busy sa pag-aaral at pagbabasa ng libro. Kaya siya ang palaging nag-ta-top sa klase.
At eto na nga...
Bianca Lyana Cruz | Home | Account
Account > Logout
--
Welcome to Facebook - Log In, Sign Up or Learn More
Email or Phone: **********@yahoo.com
Password: *********
--
Ako si Bianca Lyana Cruz. Nakita mo naman na siguro 'di ba? Simple lang ako. Hindi maganda, hindi pangit. Hindi mabait, hindi masungit. Basta, natural lang, kung ano ako, edi yun. :)
Hindi ko ugaling magpapansin sa taong gusto ko. Bakit? Ayaw ko lang kasi na malaman nila yung feelings ko. If ever, gusto ko, hindi ako yung unang magsasabi.
--
At eto na, na-open ko na yung Facebook account ni bestfriend.
Sophia Lucena is now online.
Chatbox > Cyrus Aquino
Cyrus Aquino is now offline.
--
Nanlumo ako nung mabasa yun. Ano ba yan! Palagi na lang ganyan. Kapag nabuksan ko na yung account ni Sophia, mag-o-offline na siya. Iilang beses ko pa lang siya nakakachat gamit tong account na to, tapos parang wala pa siyang ganang makipag-usap.
Wala akong magawa pagtapos nun. Sobrang bored at lungkot ko.
--
Lance Delos Reyes is now online.
--
Total, wala naman akong magawa, si Lance na lang kakausapin ko. Masaya to kausap eh. Saka ayos na din yun.
BINABASA MO ANG
CHAT. (One-shot story)
Teen FictionNagawa mo na ba, kahit minsan sa buhay mo, ang i-chat ang taong gusto mo, makipag-close dito, gamit ang Facebook account ng ibang tao?