FIFTY-SIX

1K 20 1
                                    

Mommy at Eighteen
By: Jlessbiiiiim

Nameke ako ng ubo saka kinuha ang isang bote ng tubig at diritso itong ininom. I feel like I need to drink some water because I can feel my cheeks burning red.

"Anyway, before Zaiah cut my words. I was just going to ask you something but turns out, all I have to say is thank you, " I sincerely said.

Bahagyang nangunot ang noo niya ngunit may bahagyang ngiti sa labi. "For what?"

"I learned from the Dean na ikaw ang nanguna sa pag-aarrange ng office ko. Tell me, 'yon ba ang ginawa mo the whole weekend kaya hindi ka nag-text o tumawag man lang sa akin?"

Sandali niya akong tinitigan bago tumango.

"Oh God." Bigla ay na-guilty ako. "You were doing things for me pero 'ayon ako, thinking negatives. I'm so sorry, Kenzie," punong-puno ng sinseridad ang boses ko.

Mabilis niyang inabot ang mga kamay ko na nakapatong sa mesa.

Bahagya siyang umiling. "No, Mhie. Wala ka dapat ihingi ng tawad. Ginawa ko lahat ng 'yon because I love you. And I will do anything for you," tumingin siya kay Zaiah na noon ay nilalaro ang bote ng tubig. "and for Snow," saka siya ngumiti ng sobrang tamis.

Wala akong masabi. 'Yong pakiramdam na gusto mong maiyak dahil sa sobrang sincere niya sa 'yo at ramdam na ramdam mo 'yong pagmamahal niya, pero walang lumalabas na luha. Umaapaw 'yong galak sa puso ko.

Sa lahat ng mga nagawa kong pagkakamali noon, hindi ko akalaing magiging mabait pa sa akin si Tadhana para paglapitin kami ni Kenzie.

"Mimi, are we going home?" tanong sa akin ni Zaiah habang naglalakad kami papunta sa Admin Building.

Tumunghay ako sa kaniya. "Later, baby. Puntahan muna natin sina Grammy, okay?" malumanay kong sambit na sinagot niya lang ng tango.

Paakyat na kami sa Admin Building nang maramdaman ko ang pag-vibrate ng cellphone ko na nasa bulsa ng coat ko. Kinuha ko it at tinignan ang nag-text.

Miss Owner, nandito kami sa classroom. Pag-uusapan daw muna natin sandali ang tungkol sa project natin. Ang sabi sa text ni Bea, classmate ko.

Nag-reply ako ng, "Okay, will be there."

"Ahm, Kenzie. Mauna na kayo sa taas. Pupunta muna ako sa classroom, susunod ako."

"Bakit? May kukunin ka?"

"May pag-uusapan lang kami tungkol sa project namin." Tumingin naman ako kay Zaiah. "Sama ka muna kay Dada, ha? Susunod na lang si Mimi." Tinangoan lang ako ng anak ko.

Nagtungo ako sa katabing building na siyang building ng course namin. Tanghali na pero marami pa ring mga estudyante ang nandito sa school. Kung hindi sila gumagawa ng projects o kung ano mang related sa school, marahil ay tambay lang at ayaw pang umuwi.

'Tong mga 'to, oo.

Hindi pa man ako nakakapasok sa classroom namin. Dinig na dinig ko na ang ingay ng mga kaklase ko mula sa loob ng aming classroom. Nang makapasok naman, nakuha ko ang atensyon nila.

Siguro nga tama si Mommy. Dapat hindi ko na kinancel lahat ng klase ngayon araw. Tuloy ay hindi mapalagay ang mga estudyante, lalo na ang mga kaklase.

"Uyyy, si Miss Owner nandito na!" anunsyo ni Carlo, isa sa mga kaklase kong makwela.

Lumapit siya sa akin at sinalubong ako ng akbay.

"Congrats nga pala, Miss Owner. Pero ano nga palang plano natin sa welcoming celebration ng SIU? Yown! Nakakapanibago ang SIU. Mas nasanay ako sa Derons, eh," pabirong ani Carlo.

Mommy at Eighteen (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon