Tribute.

18 0 0
                                    

May mga taong nawawala sa buhay natin ng hindi inaaasahan. May mga taong dumadating, may mga taong bumabalik.

Merong nag aaway, tampuhan, o galit na aalis.. magpapakalayo para mag lailo o mawala yung init ng ulo.. babalik na lang pag kaya na niyang mag patawad o namiss na niya yung taong nakaaway niya..

Meron din namang lumalayo para mag trabaho o para tuparin yung pangarap niya,

babalik na naka ngiti at proud sa sarili..

baon baon ang sari saring estorya na gusto niyang ibahagi..

Pero may pagkakataon din na may mga taong lumalayo minsan dahil sa tampuhan

o dahil sa pagtupad ng pangarap niya eh bumabalik na lang ng nakahiga na at wala ng buhay..

Life is short.

Di natin masasabi kung kelan tayo mawawala sa mundong ito.

Di natin masasabi kung hanggang kelan tayo humihinga.

Sa oras ng kanilang pag layo, masasabi ng iba na may mga na sayang na panahon..

imbes na kasama mo siya sa mga panahong yon masasabi mo na lang sa sarili mo na

“sayang! Sana pa lang di ka na pumunta jan! sana pala habang nandito ka nayakap na kita. Sana pala nung nandito ka sinulit ko na! dahil yun na pala ang huli nating pagkikita..”

May mga bagay tayong nasasayang na minsan masasabi natin na “sayang! Kung alam ko lang..”

Pero hindi pa huli ang lahat..

hindi sa pagkawala ng isa e ibig sabihin tapos na.. may mga taong nawawala na hindi na natin minsan maibabalik..

Pero pwede pang makabawi..

kung nasabi mo man sa sarili mo ang mga salita kaninang nabasa mo wag ka ng manghinayang.. wala na tayong magagawa..

hindi na natin maibabalik pa yungnangyari na..

We still have the time to spend our time sa mga mahal natin sa buhay at sa mga taong nasa paligid natin.

When we still have the time, spend that opportunity para iparamdam ang gusto mong iparamdam, iparating ang gustong iparating..

na kung sakaling dumating man ang time na mangyari ulit ang ganitong pag kakakataon.. hindi na masasabi ang salitang “sayang! Kung alam ko lang edi sana…”

Nasabi ko na din minsan yan sa sarili ko..

sa isang kaibigan..

sa isang kuya ng aking kaibigan.

I dedicate this for him, sa taong mahal niya sa buhay at sa mga taong nagmamahal sa kanya.

“kuya,

salamat sa ala ala..

salamat sa pakikitungo..

salamat sa pagiging kuya..

salamat sa pagiging kaibigan..

I salute you kuya..

your memories will remain..

ilang taon ka pa lang sa pangarap mo pero ang mahalaga nakamtam mo yan.

Hindi mo pa man nakikita ang naging anak mo pero ang mahalaga kuya may naiwan kang isang regalo sa asawa mo at sa family mo na magsisilbing buhay na alaala mo.

We’ll miss you kuya! I salute you PFC kuya!”

Dahil sa isang aksidente na hindi inaasahan, Wednesday(November 07, 2012) ng madaling araw, sa Mindanao dahil dun sya na assign after the incident naging 50-50 sya but in the afternoon wala na siya. He’s 22 years old.

Truly life is short no matter how long we live it.

---------

God has a purpose.

He has a plan why He allow this to happen.

Siguro di ko pa alam sa ngayon lalo na ng family niya.

But I know malalaman din namin in God’s perfect time.

Sympathy and prayers for God’s comfort.

God will never leave us especially in moment like this.

“Come unto me, all ye that labour and are heavy laden, and I will give you rest” (Matthew  11:28)

“Casting all your care upon him; for he careth for you.” (1 Peter 5:7)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 05, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Tribute.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon