.."Mag Move on Kana ha!!!

106 2 0
                                    

Sa hinaba-haba ng ginugol mo sa isang relasyon,naging sobra nang seryoso  at sobrang masakit..  Darating din yung panahon na kailangan mong masaktan. Hindi naman tayo matututo kung hindi tayo mabibigo o magka mali  sa kung ano mang bagay na makapagpapaiyak sa atin.

Ang sarap magmahal at umibig pero ang pinaka mahirap sa lahat ay ang mag move on lalo na kung sobrang mahal na mahal mo yung tao. Lalo na kung marami na kayong napag daanan. At maraming alaala na ang na save sa iyong pag iisip.

Madaling sabihin ang salitang "mag move on na ako". Pero napaka hirap nitong gawin. Maglalabas ka muna ng sang katerbang luha, magiging emo ka muna ng maraming araw,linggo,buwan at kung minsan taon pa nga. Ganyan kahirap mag move on.

Ang buhay ng Taong nagmamahal  ay hindi puro sarap lang  . Eh, paano nga ba talaga maka-move on?

Halika, Pagusapan natin yang MOVE ON nayan!!...

Walang halong duda, isa ka na sa mga taong nagsabing, “Oo naka move-on na ko!”. Pero habang unti-unti mong inaalala ang sarap ng nakaraan, siya namang dumudurog sa puso mong hindi alam ang kalalagyan.

Anong sinasabi mong naka move-on ka na?...

Haist!!..Naku ayan tayo eh, ang kulit mo kasi. Huwag kang feeling na hindi mo kaya kapag nawala siya. Umiyak ka nang umiyak hanggang maubos ang mga luha mo. Hindi naman masama yun, hindi ba? Masarap umiyak, lalo na kapag sobrang sama ng loob mo. Tandaan mo na hindi yan laro na kailangan mong gamitan ng cheat code para makapandaya; lalong hindi yan katulad ng larong Crazy Kart na kailangan mong dumaan sa short cut lane para madaling makarating sa finish line. Lahat naman dumaraan sa tamang proseso; basta simulan mo lang sa sarili mo.

Bitter?

Hindi naman totoo na kapag nagbreak kayo eh “Sana friends pa rin tayo.” Kailangan mong gawin yun, dahil yun ang nararapat. Hangga’t maaari, lahat ng bagay na makapagpapaalala sa ‘yo ay itapon mo na, ibasura mo, sunugin mo pa kung kinakailangan. Kahit kasing liit pa ng butil ng bigas yan. Dahil sa maliit na bagay na yun, maaaring nakatago lahat ng sakit na iyong nararamdaman.

Puwede ring maglibang-libang kasama ang malalapit mong kaibigan. Ang kaibigan nandiyan lang yan para suportahan ka. Pero ang higit na makatutulong sa ‘yo ay ang sarili mo. Hindi sila ang dapat na lumapit sa ‘yo, “magkusa ka kapag may time.” Hindi sila ang magsasabi na maging masaya ka. Dahil sa hinaba-haba man ng pagsasama ninyong magkakaibigan, ikaw pa rin ang higit na nakakikilala sa sarili mong kakayahan.

kung nahihirapan kana edi tama na. oras na para mahalin mo nmn ang sarili mo tandaan mong hindi ka naman pinanganak para lang masaktan at saktan.. tumayo kaulet.. parng pagkalugi lan yan sa negosyo kelangan mo muna ng sapat ng oras at panahon para kilalanin kong ano ba talaga amg mas IN na pwedeng inegosyo.. mahalin mo muna sarili mo para kapag dumating yung timena handa kana magmahal ulet ng iba dikana basta masasaktan pa.. marami pang iba jan BUKOD SA HIGIT PA SKANYA MAS HIGIT DIN NA AALAGAAN KA NYANG TUNAY.. life is so short kung magtitiis ka sa sakit talagang hindi ka na sasaya..

do not let your eyes get blind sa mga bagay na ovbious naman na di na tama naku walang taong martir sa mundo.. wag mong hahayaan na nasasaktan ka nya.. hindi sya malaking kawalan sayo kung nagagawa nya yun sa harapan mo edi ibig sabihin hindi ka nya mahal at hindi ka mahalaga sakanya.. ikaw na din mismo makakaalam kong ano ba dapat mong gawin.. wag mong hayaan na ikaw lang ang laging nasasaktan..  Paano mo sisimulan? It’s just a matter of praying guidance from above. Ask for the strength to overcome all those obstacles that you have now. Just believe Him and He will give you all.

Basta mamahalin mo muna ang sarili mo. Dapat sarili mo muna ang iniisip mo. Mahalin mo nang todo-todo, 101 percent para lamang. Mahalin mo hangga’t wala pa yung taong nakatadhana para sa ‘yo. Dahil kung hindi mo kayang mahalin ang sarili mong ikaw, wala kang karapatang magmahal ng ibang tao.

Tandaan hindi rin sagot sa hiwalayan para magpapakamatay ka!!..

Ano ka, shunga? Kapag namatay ka, sa tingin mo babalik yung taong mahal mo o nang iwan sa ‘yo? Hindi naman, ‘di ba?..gagawa kalang ng isang napaka malaking kasalanan sa taas. 

Minsan gumising ka sa katotohanan, dahil ang katotohanan ang magpapalaya sa iyo.

One More Chance!!..Napanood mo ba yang pelikulang yan?

 Anong sinabi ni   John Lloyd Cruz sa linya niya “Kaya tayo iniiwan ng taong mahal natin, kasi baka may darating na mas ok, na mas mamahalin tayo, yung taong hindi tayo sasaktan at paaasahin, yung nag-iisang taong magtatama ng mali sa buhay natin”.

Isang tao lang ang nang iwan sa ‘yo, kung makapag-emote ka, akala mo parang katapusan na ng mundo. Hindi lang naman iisa ang tao sa mundo at bilyon ang bilang ng tao sa mundo at isa dyan ay nakatadhana sayo sigurado ako!!

oOhhhHH!!.. Panu mag Move Kana ha .. Pagisipan mo ang mga SINABI KO ^_^

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 27, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Para Sa Mga Taong Hard Maka Move-OnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon