Chapter 20

4.8K 135 6
                                    

"Akala ko hindi ako gutom. But seeing this food, parang kaya ko itong ubusin lahat."

Agad na komento niya nang makita ang pagkain.

" Kumain ka nang madami. You need that."

Sabi ni Finn at ito pa ang naglagay nang pagkain sa plato niya.

" Te estas recuperando."

Hindi niya napigilan na komento, pero nginitian lang siya nang gwapo niyang asawa.

" Bakit kailangan ko bumawi? I'm doing this because I want you to get better. Madami pa tayo gagawin."

" Like what?"

Tanong niya na nagsisimula na siyang kumain, ganun din ito.

" Hindi pa tayo nag ho honeymoon, wife."

Napaubo siyang bigla sa sinabi nito. Maagap naman siyang inabutan nito nang tubig.

" Talking about the honeymoon and I'm still feeling sore. I'm not excited, Finn."

Hindi niya napigilan na irapan ito. Pero may kaiibang kislap lang ito sa mga mata na nakamasid sa kanya.

" Let's see."

Sabi nitong parang naghahamon. Hindi na lang niya ito pinansin at ipinagpatuloy ang pagkain.

Pero nasa kalagitnaan pa lang sila nang late dinner nila nang pumasok ang mayordoma.

" Senyorito Finn, meron pong naghahanap kay Senyorita Ara. Pinadala daw ni Senyorita Ezah."

Napatingin siya kay Finn na agad hinarap ang mayordoma.

" Pabalikin mo na lang siya.Sabihin mo tatawagan ko na lang si Ezah."

Bilin nito sa kasambahay at muli silang iniwan.

" I think I should call Ezah now. I disturbed her and yet I changed my mind."

"She will understand. Let's finish our dinner at mamaya mo na lang siya tawagan."

Sabi nito at bahagya lang siyang tumango at ipinagpatuloy ang pagkain.

Matapos kumain nanatili pa sila sa labas nang balkonahe.

" Salamat nang marami sa inyong lahat."

Pasalamat niya sa mga kasambahay na kumuha nang pinag kainan nila. Napabaling naman siya kay Finn na nakangiti na nakatingin sa kanya.

" Bakit ka natatawa?"

Hindi niya napigilan na tanong dito.

" Wala. Hindi pa din ako makapaniwala na nandito ka."

Lumapit ito sa kanya at inilahad ang mga palad na hinawakan niya. Inalalayan siya nito na tumayo at giniya sa baluster nang balkonahe.

Masuyo siya ikunulong sa mga bisig nito mula sa kanyang likuran.Sumilay ang kanyang ngiti.

" This is romantic."

Aniya dahil sa hindi lang ilaw sa balkonahe kundi pati liwanag nang buwan ang tumatanglaw sa kanila.

" Hmm, you never dream of this?"

" I did when I was young. Noong ang favorite ko pa ay si Cinderella, Ariel and Belle."

Sabi niya dahil iyon ang totoo, minsan nangarap din siya nang Prince Charming. 

" I hope you can trust me, wife. Sana hindi mo maramdaman ang pagsisi na sa akin ka natali at hindi sa simbahan."

Naramdaman niya ang mas mahigpit na pag yakap nito. Kaya parang hinaplos ang kanyang puso.

" Will you accept my shortcomings?"

Boss Series 6: Handsome boss and his Arranged BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon