The Cursed Aphrodite
I was just sitting on the bench, merely staring at the nightsky. Gabi na pero nasa labas pa rin ako but it's as if it really matters anyway. Ipinikit ko na lamang tuloy ang aking mga mata saka dinama ang lamig na simoy ng hangin. Hanggang sa may umupo nga sa kabilang bench at hindi ko maiwasang hindi mapangiti nang marinig ko ang pinag-uusapan nila.
"Ghorl, nabasa mo na ba? Diba mahilig ka sa greek mythology?", tanong ng isa sa kanila.
"Oo mahilig ako, saka anong nabasa?", so they like greek mythology huh? Pfft. That's just pure nonsense tho. I mean, there are people who are fascinated with them, when in fact, ang gulo-gulo nila.
"May nabasa ako, isinumpa raw si Aphrodite!", sabi ulit ng isa kaya napangisi ako. Saan niya kaya nabasa iyan? Hmm, interesting.
"Weh? Sinumpa siya? Saan mo naman iyan nabasa? Saka bakit naman? Pwede ba iyon? Like dzuh, dyosa kaya siya!", sagot pa nung isa kaya napangiti ako lalo.
"Ewan, basta ganito kasi oh, nagb-browse lang ako dun sa google tas lumabas iyong article pero nung sinearch ko ulit, nawala na.", aniya kaya napatango ako. It feels like kasali ako sa pag-uusap nila.
"Title ba ng article? Maganda ba?", sagot nung isa kaya bahagya kong sinilip kung ano ang mga itsura nila. Highschoolers.
"Oo 'no, basta it was about Aphrodite na pinarusahan kuno siya for abusing her power. Alam mo na naman siguro iyong pinagagawa niya kay Psyche hindi ba? Saka kay Hephaestus diba? Saka hindi rin naman kasi kagandahan ang ugali ni Aprhodite.", turan nung isa na siyang kinasang-ayunan ko rin naman.
"Lahat naman sila tagilid ang ugali. So sinumpa nga si Aphrodite dahil lang dun? Pinarusahan siya? Ganern?", ani nung isa at muli naman akong napasulyap sa kanila at nakita ko namang napatango iyong nagku-kwento.
"Oo, title nga nung article The Cursed Aphrodite. Galing nung writer pero sayang di ko na-ss.", parang malungkot pa nitong ani kaya napangisi na lamang ako saka tumayo mula sa pagkakaupo. Nakita ko namang napatingin sila sa akin and I saw how disgusted creeps within their eyes. Judgemental creatures. Pfft. Mukha rin akong sinumpa. Masyadong hairy ang face ko, and nagsusugat-sugat pa. It really feels like I was cursed. Well, parang ganun na naman talaga.
Napabuga nalang tuloy ako ng hangin saka nakapamulsang dinaanan sila. I've heard them murmuring something, but I couldn't care less. Because little did they know, I was the writer of that article. And no, that article is not about aphrodite. It's about me, who have been called and named as Aprhodite all of my life. But because of my sh*tty attitude and all, everything backfired and here I am, looking like a cursed doll. That's how bullsh*t life is.
BINABASA MO ANG
One Shots 102
RandomAnother compilation of one shots that I have written for the first 4 months of 2021! Hope you'll enjoy reading! Highest Rank Achieved: #6 in oneshots #47 in thriller #374 in random #207 in tragic