OS3: He Ain't Mine, But I'm His

37 3 0
                                    

He Ain't Mine, But I'm His

Napatitig naman ako sa kanilang dalawa nang sabay silang pumasok sa venue. Pansin ko pa ang bulungan ng lahat at tila ba namamangha sila at tinitingala nila ang dalawa. Napalunok na lamang tuloy ako nang magtama ang aming mata. Sabay pa kaming nag-iwas ng tingin. Inisang lunok ko na lamang ang laman ng champange glass ko. Saka dahan-dahang naglakad papunta sa table ko.

Naihigit ko pa ang aking hininga nang mag-vibrate ang phone kong nasa loob ng purse. Agad ko rin naman itong kinuha at nakitang may text ako mula sa kanya.

"Parking lot.", iyon lang ang laman ng text niya pero alam ko na kung ano ang ibig niyang gawin ko. Napabuga na lamang tuloy ako ng hangin nang may lumapit sa aking lalaki at binati ako.

"Ms. Laureen.", ani pa nito na siyang ginantihan ko lamang ng ngiti.

"So the rumors are all true huh?", dagdag pa niya kaya tiningnan ko na lamang siya na tila ba nagtatanong.

"That you're single.", turan niya kaya hilaw akong natawa saka napakagat ng labi. I can already feel kung saan papunta ang usapang ito.

"Ah yes, Mr. I'm single, and it's by choice. So if you'll excuse me, I need to go to the restroom." dali-daling paalam ko rito saka tinungo ang banyo. Napabuga naman ako ng hangin saka tiningnan ang sariling repleksiyon sa salamin. I looked pretty. That's what they say. I'm one of the most paid architect in the country. I also do works internationally kaya kilala rin ako sa ibang bansa. Kadalasan rin nilang pinupuna ang pagpunta ko sa mga social gatherings ng mag-isa. They're intrigued if I'm single or what. Pero kahit isang beses man ay hindi nila ako nakitang may nakasamang lalaki. Kaya may iilan na ring sumubok but still they all failed.

Napasulyap naman ako sa purse ko nang muli ko na namang naramdamang mag-vibrate ang phone ko. Kaya nag-ayos na lamang ako saka lumabas ng rest room. Inilibot ko naman ang aking paningin at hindi ko na siya mahanap. Nasa parking lot na siguro. Naipikit ko na lamang ng mariin ang aking mga mata at pumunta na ngang parking lot.

Muntikan pa akong mapatili nang bigla nalang may humigit sa akin sa may madilim na parte ng parking lot.

"Sh*t Kenzi!", sambit ko pa nang makilala ko ito kaya napatawa na lamang ito saka ako niyakap.

"I miss you.", aniya kaya napabuga nalang ako ng hangin saka siya yinakap pabalik.

"Na-miss rin kita, ilang araw tayong hindi nagkita.", sambit ko naman at hinawakan niya naman ang magkabilaang pisngi ko at bahagya itong hinaplos.

"Sorry baby.", sensirong hinging paumanhin niya sa akin at wala lang akong magawa kundi ang ngumuso.

"It's fine, naiintindihan ko naman." sagot ko rito kaya nginitian na lamang ako nito saka ako ginawaran ng halik sa labi. Ipinalibot ko naman ang mga braso ko sa kanyang mga leeg at hinalikan siya pabalik. I was kissing him back nang bigla nalang may sumulpot na imahe sa isipan ko. Siya kasama ang date niya sa event ngayon, na siyang asawa niya. And yes, kasal na siya. This man in arms right now is already taken. But still, I want him. I love him. And I know very well that he ain't mine, but I'm his.

One Shots 102Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon