OS4: Kissed By Death

26 2 0
                                    

Kissed By Death

Napabuntong hininga naman ako habang nakatingin sa may altar. I was just merely staring at Him nang biglang may umupo sa tabi ko. Napakurap-kurap tuloy ako saka ito sinulyapan.

"Hi?", aniya habang may ngiti sa kanyang mga labi. Napilitin na lamang tuloy akong suklian ito.

"Hello.", bati ko pabalik sa kanya kaya napatango ito. Napasulyap naman ako sa umbok ng tiyan at hindi ko alam kung ba't tila ba may humaplos sa puso ko.

"Ilang buwan na?", tanong ko kaya napasulyap muna ito sa akin saka ako sinagot.

"Pito na.", masayang sagot niya pero napansin kong may bahid ito ng lungkot. Ano naman kaya ang problema?

"May problema ba?", tanong ko at marahan naman itong tumango.

"Meron, may tsansa ra na baka may genetic disorder ang bata dahil na rin sa hindi ako nag-ingat noong 1st semester ko. Kaya nga pumupunta ako rito para magdasal, kasi malay natin pagbigyan niya ako?", sambit niya kaya napatango ako. Mapapansin mo talagang masaya siya sa pagbubuntis niya, I envy her.

"Ikaw? Okay ka lang ba?", tanong niya sa akin kaya napatitig ako sa kanya at hindi ko alam pero bigla nalang nangilid ang luha ko. Pilit ko naman siyang nginitian.

"Of course, sige. Magdasal na tayo.", ani ko nalang kaya tila ba nagdadalawang isip itong tumango. Muli naman akong tumingin sa harap at napatitig sa altar. Ba't kasi ako pa? Ba't ako pa diba? Pinagdaop ko naman ang palad ko at pinigilang mapaluha. I am also pregnant, buntis ako pero hindi ko kaya makuhang magsaya. Napakagat labi pa ako habang pilit na h'wag maiyak.

'Pasensya na Lord, but I just can't. Hindi ko kaya.', ilang beses kong ani hanggang sa tuluyan nang magsituluan ang mga luha ko. Hanggang tuluyan akong mapahagulhol. Napalingon tuloy sa akin iyong buntis na katabi ko na tila ba nababahala.

"Hala okay ka lang miss?", sambit nito kaya napalingon ako rito saka tumango.

"Oo, okay lang ako, pasensya na.", sagot ko saka dali-daling inayos ang gamit ko at tinuyo ang pisngi kong namamasa nang dahil sa mga luha.

"Sure ka?", tanong niya pa kaya tumango ako saka nagpaalam sa kanya. Lumuluha pa rin ako habang naglalakad palabaa ng simbahan. Panay pa hikbi ko habang nakatingin sa mga sasakyang dumadaan. Bahagya pang nanginig ang mga labi ko saka dahan-dahang naglalakad patungo sa may highway.

Gustuhin kong magsaya dahil sa buntis ako, pero hindi ko kaya. Wanna know why? Because I was raped. I was raped by boyfriend's bestfriend.

Panay lang hikbi ko habang nakatingin sa mga sasakyan. Ipinikit ko pa ng mariin ang mga mata ko saka dahan-dahang humakbang. This is the reason kung ba't ako pumuntang simbahan. I beg Him for forgiveness. I beg for forgiveness sa gagawin ko. Napahawak naman ako ng tiyan ko saka dinama ito.

Humigit pa ako ng malalim na hininga saka humakbang. After a few more steps, naramdaman ko nalang ang sarili kong namimilikit sa sakit at tila ba tumilapon sa kung saan. Pero imbes na maiyak sa sakit, naiyak ako sa saya. Kasi this is what I want. I want pain. Napaubo pa ako nang tila ba nauubusan na ako ng hangin sa katawan.

And right at that moment, I knew I was the on the verge of losing my life and the baby on my womb. After a few seconds I closed my eyes as death had kissed me and tooked my last breath.

One Shots 102Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon